CHAPTER 3

1895 Words
Kakatapos ko lang sa gawain ko at magdasal. Pagkalabas ko palang ng simbahan, may humila na sa akin, napatakbo rin naman ako. Nang tingnan ko kung sino, si Maya lang pala. “Maya, ano na naman ang ginagawa mo? At saan mo na naman ako dadalhin?” ang tanong ko sa kanya habang nagpapatianod sa kanyang paghila sa akin. “Sshhhh… Wag kang maingay, ano ka ba! May ipakikita lang ako sa’yo, at saka tapos na tayo sa gawain at alam ko tapos ka na rin magdasal. Doon tayo sa tambayan natin, para safe tayo kay Mother Thesa, kaya bilisan mo na tumakbo.” tugon niya sa akin na nagmamadali nang maglakad na halos lakad-takbo na ang aming ginagawa. “Humihingal na nga ako, Maya, ano ka ba, dahan-dahan lang ang pagtakbo naman.” Reklamo ko na nagsisimula na akong mahapo at pagpawisan dahil takbo na nga ang aming ginagawa. “Anong dahan-dahan? Eh malapit na tayo sa tambayan. Kaya nga bilisan mo dyan ang kupad-kupad mo, para kang pagong.” reklamo din niya sa akin; ako pa talaga ngayon ang may kasalanan, siya naman itong bigla-bigla na lang kung manghila. Tiningnan ko siya ng masama. “Minsan ang sarap nitong batukan kung hindi lang masama,” ika ng isip ko. “Narito na tayo!” sigaw niya. “Maya…” Napahawak ako sa aking dibdib dahil hinahabol ko ang aking hininga. Grabe, ngayon lang ako tumakbo ng ganito kabilis at kalayo.” giit ko kay Maya na hapong-hapo. “Pwede bang umupo na tayo? At sa susunod huwag mo nang ulitin ito ha! Nakakahingal ng sobra.” “Oo na, dali na! Upo na tayo.” yaya niya sa akin na excited. “Bakit ba? Ano ba ang meron at masyado kang nagmamadali?” tanong ko kay Maya na may pagtataka. “Atin lang ito, Maria Theresa, wag mong sasabihin kahit kanino—baka mamaya ma-spell tayo dito.” pabulong bulong pa niya sa akin at patingin-tingin sa paligid na animo ay may tinataguan kami. “Oo na nga, ano nga ‘yon? Dami mong paligoy-ligoy, parang kang tutubi na hindi mapakali sa isang lugar.” Kunwaring tampo ko. Ang tagal naman kasi niyang sumagot, may pa-suspense pang nalalaman. “Di ba nasabi ko sa’yo noong nakaraang araw, about sa mga teenagers na lagi kong nakikita kapag nagsisimba? Tapos kanina narito sila, and nagtataka ako bakit parang may binabasa sila. Para silang seryoso, dahil gusto kong malaman kung ano ang binabasa nila, nagtago ako. Hinintay ko silang umalis hanggang sa bigla silang tumayo at nagtakbuhan dahil hinahanap daw ang isa sa kanila. May naiwan sila, kaya na-curious ako, pinuntahan ko ang pwesto nila, at may nakita akong isang manipis na parang libro. Komiks ang tawag nila doon.” mahabang saad niya sa akin na nanlalaki pa ang kanyang mga mata. “Basta ipangako mo, walang makakaalam nito, Maria Theresa.” Buo nang pangalan ko ang sinasambit niya. Alam na alam mong seryoso siya sa kanyang sinasabi kapag kumpleto na ang aking pangalan na binabanggit niya. “Alam mo ba, Maya, daming mong sinasabi. Ano nga! Hindi mo pa ilabas kung ano ‘yang sinasabi mong iyan.” Naiinip kong tugon sa kanya. “Ito ang nakita ko, isang komiks. May story siya about sa lalaki at babae. Binasa ko na kung ano ang nilalaman at maganda siya.” Excited nitong anas sa akin na tuwang-tuwa na animo ay magandang balita ito. Nang makita ko ang sinasabi niyang komiks, lumaki ang aking mga mata. Literal na lumaki dahil hindi lang story kundi may larawan pa. Nag-sign of the cross na lang ako. “Ano ka ba, Maya, bakit kinuha mo pa ‘yan at bakit mo binasa?” Ang sunod-sunod na tanong ko sa kaibigan. “Alam mo, parang hindi pwede ‘yan sa atin, baka mamaya tama ang sinasabi mong ma-spell tayo dito. Tapos nang dahil lang dyan! Kainis ka, itago mo ‘yan! Mamaya makita nila ‘yan, patay pa tayo.” Kinakabahan kong reklamo. “Kaya nga dapat secret lang natin, kaya nga ipinaalam ko sa iyo. Bakit ba, at hindi naman sa akin ‘yan? Nakita ko lang sa mga kabataang pumunta kanina sa kumbento.” sagot niya na napapahaba pa ang kanyang nguso. “Basta itapon mo ‘iyan! Hindi natin maaaring mabasa ‘yan. Atsaka—kailangan nating magdasal mamaya para humingi ng kapatawaran dahil sa ginawa mo ngayon, ano!” Maktol kong tugon sa kanya. “Pasaway ka talaga, Maya. Ano ba ang iniisip mo? Ikaw talaga, kahit kailan, iyang curiosity mo na ‘yan, dyan ka mapapahamak, tapos madadamay pa ako, di magkaroon tayo niyan ng record.” Pangaral ko sa kanya sabay buntong hininga. Nang dahil lang sa simpleng komiks na ito, ay baka mawala sa akin ang matagal ko nang pinangarap at inalagaan. “Eh kasi gusto ko lang naman malaman kung ano ang ginagawa ng mga katulad nating babae sa labas. Masama ba ‘yon?” Naluluhan niyang giit sa akin na animo isang bata na pinagkaitan ng isang malaking candy. “Basta dapat ‘wag mo iyang isipin kasi malaswa, Maya.” Pagalit ko pa sa aking kaibigan. “Halika na at itago na muna natin sa kwarto, baka makita pa ‘yan ni Father Jojo, pero huwag na huwag mong hayaan na may makakita niyan kundi malalagot talaga tayo, ibon ka!” Wala na rin akong nagawa dahil nakuha na niya ang aking kahinaan. Isang maluha-luhang mata lang niya, suko na agad ako. Kung maaari kasi, ay ayaw kong makita siyang nalulungkot dahil parang kapatid na talaga ang turing ko sa kanya. Tumayo kaming dalawa; natuwa naman siya sa aking pagpayag na itago niya ang komiks na napulot niya pero ramdam ko ang pag-padyak ng kanyang mga paa dahil ni hindi ko man lang ito hinawakan at binuklat. Binaliwala ko na lang, baka tuluyang sumama ang loob niya sa akin kung magdidiskusyon pa kaming dalawa. Kami lang naman dalawa ang magkaibigan dito sa kumbento. “Pero, Maria Theresa, kasi pwede nating subukan basahin sa kwarto natin, diba? Gusto kong alamin kung ano ang nakasaad pa dito, please.” Heto na naman ang pangungulit niya sa akin. “Tumigil ka dyan! Bilisan mo ang lakad dyan para makarating na tayo sa kwarto natin para maitago mo na iyang dala mo.” Mahina kong sabi, baka kasi may makarinig sa aming nadadaanan. Pagkarating namin sa kwarto, itinago na agad ni Maya ito. Hindi ko talaga ito sinilip kung ano ang nilalaman ng komiks. Pero isa lang ang sigurado ko, malaswa ang mga nakalarawan dito. “Wag mo nang subukan, Maya! Dahil malalagot ka talaga sa akin kapag binuksan mo pa ‘yan! Tara na at magdasal na tayo!” “Oo na, ulit-ulit, para kang si Sister Daisy—unlimited.” Maktol niyang sabi sa akin. Hindi na lang ako kumibo; kilala ko ang aking kaibigan. Pagpasok namin sa prayer room, sabay kaming lumuhod at nagdasal. Makalipas ng ilang minuto, natapos na kami at tumayo. Siya ring tayong ni Maya nang ako'y tumayo. Tumingin siya sa akin na nakasimangot. “Masama pa talaga ang loob mo ano?” wika ko sa kanya. Hindi niya ako kinibo at naglakad na siya palabas, hindi ko na rin siya tinawag, baka nga masama ang kanyang loob sa ginagawa ko. Sa kwarto namin ako tumungo. Hindi ko na siya hinihintay pa; nakalipas ang ilang segundo, wala pa rin siya. Nang balingan ko ang kabinet kung saan nakatago ang komiks niya, ay kinuha ko at pumasok ako sa banyo. Saka ko binasa ang nakasulat. Habang binabasa ko, may nararamdaman ako sa sarili ko pero tinuloy ko pa rin ang pagbabasa. May kwento pero malaswa ang nakasulat—isang babae at lalaki na may relasyon, nagtatalik sila at iba't ibang posisyon ang ginagawa nila. Hindi ko natapos ang komiks; lumabas na ako at tinago ko ulit ang komiks. Paanong nagkaroon ang mga kabataan ng ganitong komiks? Masyadong malaswa at sa murang edad pa nila, bakit binabasa nila ang ganitong klase ng komiks? Sa pagsara ko ng kabinet, siya naman ang bukas ng pintuan; paglingon ko, si Maya ang pumasok. “Diyan ka na pala. Galit ka ba sa akin dahil sa komiks?” diretso kong tanong sa kaibigan ko. “Oo, pero nawala na agad ang tampo ko. Siguro nga di maganda ang komiks na ‘yon, tulad ng sabi mo, at masyadong malaswa ang mga larawan doon.” “Mabuti naman kung ganun. Saan ka galing?” tanong ko sa kanya. “Sa kusina, nakaramdam ako ng gutom, kaya doon ako dumeretso paglabas ng prayer room.” tugon niya sa akin. “Bakit hindi ka nagyaya na pupunta ka doon, di sana sabay tayong kumain.” Kunwaring tampo ko sa aking kaibigan at hinabaan ko pa talaga ang aking nguso para maging effective. “Aba, malay kong nagugutom ka din. Hindi mo nga ako tinawag eh. Kaya akala ko busog ka pa, wala naman tao doon kundi ang servant lang; may niluluto siyang tinutong na malagkit—masarap siya.” Mahaba niyang hanas sa akin. Natakam naman ako sa kanyang sinabi, kaya para akong naglaway. “Talaga ba! O siya, kakain muna ako, maiwan muna kita. Kung gusto mong basahin ang komiks, naroon sa kabinet. Pero wag mong ilagay dyan sa isipan mo, okay?” wika ko sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko, kaya ngiting tagumpay naman siya. “Salamat kung ganun.” Masayang wika niya. Iniwan ko na siya at nagtungo ako sa kusina. Pero hindi mawala sa isipan ko ang nakita ko at nabasa. Kailangan ko ulit magdasal para malinawan ang aking isipan. Pagdating ko sa kusina, walang tao kundi ang servant lang. Binati ko at nagtanong ako kung meron pang tinutong na malagkit. “Meron pa, saglit, paghahain kita.” tugon ng servant sa akin. “Salamat po, Manang Lucy.” Sagot ko at umupo na sa may upuan. Kumain na ako; masarap nga pala, tulad ng sabi ni Maya, sigurado ako na busy ‘yon sa pagbabasa ng komiks niyang napulot galing sa mga teenagers sa labas. Nang matapos akong kumain ng pagkain ko, dumeretso ako sa loob ng simbahan para magdasal. Ipinikit ko ang aking mata at saka ako taimtim na nagdasal habang nakaluhod. Pagkatapos kong magdasal ng ilang beses, saka ako tumayo at bumalik sa aming kwarto para makapagpahinga. Pagbalik ko, tulog na si Maya. Nagpalit muna ako ng damit ko na pantulog. Pag-upo ko sa aking higaan, napatingin muli ako sa kabinet kung saan ang komiks na nakatago. Hindi ko namalayan na tumayo ako para tingnan muli ang makasalanang komiks. Binasa ko ulit sa pangalawang pagkakataon, hindi ko alam kung bakit ko nagawa muling basahin ito. Nasa pang-limang pahina na ako, nang buklatin ko naman ito, ay parang iba na naman ang nakasulat dito. ‘Ang sarap ng katas mo, Ligaya.’ Tinuloy ko ulit basahin kahit iba na ang bumabalot sa aking katawan. Malapit na akong matapos basahin. Bigla kong naramdaman na parang may lumabas sa panloob ko. “Nakakapagtaka; wala naman akong ginagawa kundi basahin ang komiks na ito. Anong meron dito, bakit nakaramdam ako ng init sa aking katawan?” takang sabi ng isip ko. Kaya tinago ko na ulit ang komiks, kumuha ulit ako ng pamalit na damit; gusto kong iligo itong nararamdaman ko sa katawan ko. Sobrang init, hindi ko alam kung saan galing ang init.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD