CHAPTER 4

4188 Words
Narito ako sa opisina, sa building ko, kung saan may hawak akong kopita ng wine. Iniisip ko ang tungkol kay Ezekiel; nagtataka ako kung bakit walang pagkakaiba habang lumaki siya, nagiging siya ako. Posibilidad bang anak namin siya? Paano si Maria Theresa, at paano nangyari na magkapareho kami ng hitsura? Hindi ko alam kung napapansin ito ni Elisabeth. Simula nang dumating sa SAPOL sa amin, iba na ang pakiramdam ko. Hanggang sa unti-unting lumaki siya sa patnubay naming ng aking kabiyak. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya, walang pinagkaiba; hindi ko lang sinasabi kay Elisabeth dahil ayaw kong masaktan siya na ang anak namin ay walang iba kundi si Maria Theresa. Pero paano si Ezekiel, na halos mukha ko ang nakikita ko sa kanya? Sa isang araw pa ang dumating ang DNA na pinagawa ko nababahala ako dahil nakikita ko ang asawa ko sa kanya, pero ang ugali niya ay parang ugali ko. Kaya masaya kami ni Elisabeth, dahil alam namin na ginagawa niya ang lahat. Pero nakakapagtaka lang ang kanyang hitsura. Maraming tanong ang pumapasok sa aking isipan. Kung sakaling totoo ang kutob ko, paano naman si Maria Theresa? Hindi ko maunawaan. Napabaling ako sa pintuan dahil pumasok ang secretary ko. “Yes, Mrs. Torres.” “Sir, paalala ko po sa inyo ang meeting niyo bukas, at tungkol po sa DNA na pinagagawa sa akin,” bukas daw po niyo malalaman, sabi ni Dr. Donegal, wika nito. “Okay, salamat, Mrs. Torres.” Bumalik ako sa aking lamesa. I-check ko ang dokumento para bukas naka-ready na. Napasulyap ako sa aking relo; kailangan ko ng umuwi. Hindi ako pwedeng abutan ng gabi sa kalye. Yon kasi ayaw ni Elisabeth, kaya dali kong niligpit ang aking gamit at tinawagan ang aking driver. Habang binabagtas namin ang daan pauwi, naiisip ko pa rin si Ezekiel, tanong kung bakit kami pa ang nakakita sa kanya, at paano siya naging kamukha ko. Na pambihira lang mangyari na magkamukha ang tao ng 100 percent; siguro 5 percent lang ang nangyayari. Pero nakikita ko talaga ang sarili ko sa kanya. “Sir, narito na tayo,” ang agaw na tawag sa kanya ni Manong. Bumaba na ako; pagpasok ko sa loob ng bahay, nakita ko ang mag-ina sa veranda at parang nagkuwentuhan. Kung susuriin talaga, para silang mag-ina. Mas lalo kong pinagmasdan ang dalawa. Ibang t***k ng puso ko; pakiramdam ay kumpleto ako. Lumapit na ako sa kanila, sabay wika na parang masaya ang aking mag-ina. Anong meron? “Diyan ka na pala, Hon,” tugon niya sa kabiyak. “Hello, Daddy, kamusta po ang araw niyo!?” tanong naman ni Ezekiel. “Okay lang, Hon; hindi kasi ako makatiis na makita kayong masaya without me.” Kumwari nagtatampo. “Ayos lang naman ako, Anak; magandang araw ko sa opisina.” “Yan tayo, Daddy; kumain na po ba kayo? Samahan ka namin ni Mommy sa lamesa, Daddy.” “Busog pa ako, anak ko; kumain ako sa opisina bago umuwi. Nakaramdam kasi ako ng gutom, kaya hindi ko hinintay na makauwi pa,” tugon ko sa anak. “Wala naman kaming ibang ginagawa ng binata mo. Sinabi niya lang na perfect niya ang mga binigay na task sa kanya ng mga professor niya. Parang ako lang noong nag-aaral ba ako, Ruben?” wika nito. “Congratulations, Anak; pagbutihin mo dahil may sorpresa kami ng Mommy mo sa iyo.” “Pangako, pagbubutihin ko pa lalo,” kanyang tugon. “Baka may nobya ka na! Wala naman problema, dahil malapit na rin ang ika-26th birthday mo.” Hindi naman pinaghihigpitan. “Anak, sa akin lang, pwedeng mo enjoy ang buhay mo kahit nag-aaral ka.” “Saka na yan, Daddy; bata pa naman ako. Darating din ang oras para sa ganyan.” Mas priority ko kasi ngayon ang binigay niyong pagkakataon na tulad ngayon. “Anak, mo nga siya, Elizabeth. Ganyan ka noon ng nag-aaral ka. Ayaw mo pa noon ako sagutin dahil hindi ka nagmamadali. May oras pa sa mga pagpasok sa isang relasyon.” “Syempre, Anak ko yan, diba? Tama naman kasi ang reason namin,” tugon niya sa kabiyak. “Hindi tulad mo, minamadali mo ang lahat, akala mo naman mapapabayaan ng panahon.” “Oo naman ano, kung hindi ko minadali, mapapa sa akin ka ba? Diba hindi?” kanyang tugon. “Gumagabi na yata, magpahinga na tayo dahil maaga pa ako sa opisina.” “Mauna na ako sa inyo! Daddy, Mommy, goodnight,” paalam niya sa magulang. “Ruben, bakit tayo biniyayaan ng anak na mabuti!” “Kasi alam ng Maykapal na mabuting tao tayo,” tugon niya. “Kaya nga eh, sana walang dumating na unos sa pamilya natin. Baka hindi ko kayanin, Ruben; napakahirap sa isang ilaw ng tahanan kapag may unos na dumating.” “Don't think too much, tara na at matulog na din tayo!” Baka tumangkad ka pa nang ilang inches,” biro niya sa kabiyak. “Baliw ka talaga,” sabay hampas sa dibdib. “Halika, gawa pa tayo ng baby; baka maghimala ang katas natin.” “Matanda na tayo at hindi na tayo kasing init ng dati.” “Baka lang kaya pa natin kahit 3 rounds lang ako ang mag-driver.” “Bahala ka; hindi naman ako makatayo agad-agad bukas.” “Di, wag ka muna bumangon, sa kwarto ka na lang magtambay muna.” “Okay, sabi mo eh.” “Tara na para makakain naman ako ng gata mo, kasing sarap ng evaporada na gatas.” “Sira ulo ka talaga, Ruben.” Tulad ng sinabi niya, nasa higaan pa din siya. Kaya nagbilin na lang ako sa kasama namin sa bahay para bigyan siya ng pagkain. Narito ako sa opisina. Kinancel ko ang meeting ko sa isang investor. Dahil ngayon ko malalaman ang koneksyon namin ni Ezekiel; halos ang kaba ng dibdib ko ay dumoble. Hindi ko malaman kung bakit ganito lang kaba sa dibdib ko? DNA lang naman namin ni Ezekiel ang hinihintay ko, pero hindi na ako mapakali. Tayo, upo na ginagawa ko. Napabaling ako sa may pintuan, sapagkat may kumatok. “Come in...!” “Sir, narito po si Doctor, dala na ang resulta ng DNA na hinihingi niyo,” ang wika ng kanyang secretary. “Sit, please...” “Have a nice day, Mr. Orsos.” “Likewise, Doctor. Kamusta ang pinacheck ko?” “That's why I'm here, Mr. Orsos; here is the result.” Agad kong tinanggap, “salamat... Padala ko na lang ang full payment sa bank account mo.” “Okay, paano, mauna na ako! May meeting pa ako sa ibang doctor,” paalam niya. Dahan-dahan kong binuksan ang envelope, at nang makita ko ang 99.9%, bigla akong napigilan huminga. Kaya pala ganun na lang ang pakiramdam ko ng unang makita ko siya at ganun din si Elisabeth. Anak namin siya. Paano nangyari yon? Ang hirap mang tanggapin, pero puno ng kagalakan ang puso ko. Inaayos ko ang aking upo at binasa ko ulit ang resulta. Kung ano ang unang nabasa ko, ganun pa rin. May lalaki akong anak; halos sabay ang aking mga luha at paghinga. Tama ang instinct ko na dugo ko ang dumadaloy sa kanya. Kailangan malaman ito ni Elisabeth; ayaw kong maglihim sa kanya dahil alam kong masasaktan siya. Huminga ako ng malalim... saka ko dine-dial ang numero ng aking kabiyak. “Asawa ko, ako ito. Busy ka ba?” “Hindi naman, bakit?” tugon nito sa kabilang linya. “Punta ka muna dito sa opisina; may sasabihin lang ako sa iyo.” “Okay, baka kung ano yan,” ang habol kong wika. Bago ko pinatay ang tawag niya. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya? ... totoo na anak niya talaga ang kanyang inampon. “Asawa, narito na ako. Ano ba ang sasabihin mo?” ang tanong habang pumapasok sa loob ng opisina. Nakatingin lang ako sa kanya; alam kong tatanggapin niya si Ezekiel bilang totoong anak. Kaya lang, paano nangyari ang ganito sa aming pamilya?! “What...” Asawa, bakit? “Nakatingin ka lang sa akin, alam kong maganda ako!” biro nito. “Ikaw talaga, palabiro ka. Umupo ka muna. Nasaan si Ezekiel, ang anak natin?” “May ginagawa siya! Bakit mo pala hinahanap?” “Wala naman...” yon sasabihin ko pala sa iyo! Tungkol sa anak natin na si Ezekiel, paano ko ba uumpisahan ito? Uhmm, ganito, Asawa. Makinig ka; minsan ko lang ito sasabihin. Alam kong mabibigla ka sa malalaman mo. Simula nang matagpuan natin siya, nagtataka ako kung bakit nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Hanggang nasubaybayan natin ang paglaki niya, ganun pa din ang aking hinala na baka pinagkaloob ng Diyos na tayo ang makakita noong gabi na yon. K-kasi anak natin siya... napinagtataka ko kung bakit! Pero nang makita ko ang resulta ng pinasagawa kong DNA namin, masasabi ko na totoong anak natin siya. “Nakikinig ako sa mga sinasabi niya, pero unting-unti ko naririnig ang pangalan ni Ezekiel; doon ako nagseryoso, baka prank lang ito ni Ruben dahil ganun kasi kaming dalawa. But nang marinig ko ang kanyang sinasabi about sa DNA, lalo akong nagulat na positive na anak nga niya.” “Alam mo, hindi pa nagfa-function sa isip mo; nauunawaan ko. Pero ito ang proof; kanina ko lang natanggap sa family doctor natin.” “Did you cheat?” ang unang lumabas sa bibig ko. “N-no, alam mo naman na mahal kita noon pa kaya minadali kitang pakasalan,” ang paliwanag ko sa kanya. “Paano ito nangyari na anak mo siya?” wika nito. “I don't know, why? That's why. I'm telling you this.” “Don't think nagloko ako,” alam mo yan, Asawa, na faithful ako sa iyo noon pa, sagot niya. “But how?!” “Okay, ganito na lang, magpa-DNA din kayo,” para sure na mali ang hinala mo. Pero may posibilidad na negative. But saka natin isipin ang negative! Kapag sa atin na ang resulta, pwede ba yon? “Tumango ako, pero sure ka na bang hindi mo ako niloko?” tanong niya ulit. “Asawa, alam mo naman ang cookie mo lang ang kinakain ko noon pa, kahit nag-aaral pa tayo; bakit pa ako maghahanap? Ang cookie mo ang pinakamasarap kainin,” tugon niya sa asawa. “Pag sure, Ruben Orsos, kung ayaw mo talaga, ngayon ka maputulan ng hotdog,” biro nito sa asawa. Alam niya namang kahit kailan hindi siya niloko ng asawa niya. “Tawagan ko muna ang ating doctor para kumuha ng buhok mo dahil may buhok na doon si Ezekiel, asawa, para malaman natin nang maaga kung ano ang magiging resulta at kailangan natin malaman kung bakit nangyari sa atin ito. Babalikan natin ang hospital kung saan ka dating nanganak sa unang mong pagbubuntis.” “Okay, asawa ko, don't worry, naniwala ako sa iyo. Kung ano mang resulta, tatanggapin ko ng buo.” “Kaya mahal na mahal kita, Mrs. Orsos,” tugon niya. “Ako din naman, Mr. Orsos, kasi isa kang simpleng manyakin,” tugon na biro sa kabiyak. “Excuse me, narito na ulit ang Doctor, na pinatawag niyo sa akin,” saad ng secretary nila. “Thank you; papasukin mo,” saad ni Donya Elisabeth. “Asawa, sure ka sa gagawin natin ito para makasigurado ka?” tanong niya kay Ruben. “Yes, Asawa, yan lang ang alam kong paraan sa mga bumabalot na hiwaga sa pagkatao ni Ezekiel,” tugon niya. “What the matter! Mr. Orsos, at pinatawag niyo ulit ako.” “Wala naman, gusto ko din ipa-DNA mo ang kabiyak at ang binigay ko sayong sample; nasa iyo pa ba?” tanong niya. “Yes, nasa laboratory... sure, walang problema. pwede ko bang makuha ang isang hibla ng kanyang buhok?” “Yes, please…” “Nakakuha na ako.” “Gusto ko sa madaling panahon malaman ang resulta niya, Doctor, pwede bang yan muna ang unahin mo?” “Walang problema; susubukan kong gawin ang nais ninyo,” tugon nito. “Salamat sa advance, pwede ka nang tumuloy.” “Okay, mauna na ako?” “Sana malaman natin agad ang resulta,” wika ni Elisabeth sa asawa. “Yes naman, asahan natin.” “Paano, pwede na bang ako umuwi? O sasabay ka sa akin ngayon?” “Mauna ka na, asawa, may gagawin pa ako dito. Wag muna sabihin sa anak natin ang nalaman natin. Itago muna natin ito hanggang hindi natin nalalaman kung bakit siya napalayo sa akin o sa iyo. Kasi sure ako, sa atin siya nanggaling. Ugali mo ang nakikita ko kay Ezekiel,” wika niya kay Elisabeth. “Sana nga, Ruben, dahil mahihirapan ako kapag sa ibang babae siya galing tapos ikaw pa ang ama niyang tunay,” tugon nito. “100 percent... Asawa, ikaw ang Mommy niyang tunay. Kaya lang, kailangan natin balikan ang lugar niya kung saan siya lumaki.” “Walang problema, sasamahan kita. Sabay natin tuklasin ang pagkatao ng anak natin. O siya, mauna na ako. Wag masyadong magpakapagod.” “I love you, Ruben Orsos,” wika niya. “Mahal kita kaysa sa pagmamahal mo sa akin, Mrs. Orsos. Ingat ka at dahan-dahan lang sa pag-drive. Sabihan mo ang driver mo.” Nakalipas ang ilang oras, umuwi na rin ako. Sana si Elisabeth, ang tunay niyang ina, kung sino man ang may kagagawan ng ganito sa pamilya niya, pagbabayaran niya ng malaki. Pitong taon na hindi namin nakasama siya, kung sakali positive ang resulta. Wala akong matandaan na nagkaroon ako ng third party sa aming pagsasama. May dahilan ba ang langit kaya nangyari sa amin ng ganito? Wala akong makuhang sagot sa ngayon. Someday malalaman ko din kung bakit. Pagbukas ko ng pintuan, natanaw ko agad ang aking mag-ina. Tulad ng lagi kong nadadatnan, nag-uusap naman sila. Sana nga sa iyo nang galing si Ezekiel, dahil hindi ko rin kaya na sa iba siya galing dahil alam kong sarili ko naging faithful ako sa iyo. Lumapit na ako sa kanila. “Parang masaya kayo! Anong meron?” wika ko. “Hmmm, wala naman Daddy; sinasabi ko lang kay Mommy, natapos ko na ang masteral ko sa business course.” “It's real! Wow, congratulations! Napakahusay mo talaga, manang. Mana ka sa amin ng Mommy, so ibig bang sabihin niya, ready ka na i-handle ang Orsos Company at ang Orsos Corporation sa California!” “Baka masyadong maaga, Asawa; baka ma-pressure natin ang panganay natin,” wika ni Donya Elisabeth. “Ganun ba, sige dito ka na lang muna sa Pilipinas. Ikaw na ang hahawak ng lahat ng negosyo natin. I trust you, Ezekiel. Alam kong kaya mo yan dahil taglay mo ang dugong Orsos.” “I do my best, Daddy, para sa inyo ni Mommy; hindi dahil sa inyo, hindi ko mararating ang ganitong pamumuhay,” tugon niya. “Iwan ko muna kayo, magpapalit lang ako ng damit.” Habang paakyat ako sa taas, may bagay akong ginawa na hindi nila alam. Lalo na kay Elisabeth; gusto ko din naman malaman kaya patago ko muna pinagawa. Saka ko ipapaalam kong hawak ko na din ang magpapatunay. “Pasensya,” ika ko sa aking isip habang nakatanaw ko sa kanila. Para nilalaro kami ng tadhana; hindi ko alam saan at bakit nangyayari ito sa pamilya ko. Wala kaming inagrabyado o nilokong tao. Dalawang babaeng masasaktan kung sakaling tama naman ang instinct ko. Na dalangin kong wag man sana mangyari at mali ang instinct ko. Matanda na kami para harapin ang ganitong unos sa pamilya ko. Wala kaming iniisip mag-asawa kundi ang kabutihan ng aming pamilya. Pero itong biro ng tadhana nakakapatay ng unti-unti ng pagsasama ng pamilya, lalo na sa ilaw ng tahanan. Mas mahirap tanggapin na akala mo na sa iyo na galing sa iba pala nagmula. Sumasakit ang ulo dahil sa nalalaman ko. Kaya humiga na ako at natulog; mamaya naramdaman ko na tumabi siya sa akin kaya niyakap ko siya. Hindi niya deserve na masaktan, sapagkat isa siyang huwarang ina at asawa. Nakalipas ang ilang araw, ngayon din nila malalaman ang resulta ng DNA Ni Ezekiel at ni Elezabeth. Hinihintay nila ang doctor; mas panatag sila kapag mismo ang doktor ang maghahatid sa kanila ng resulta. “Ayos ka lang ba? Wag mong isipin ang magiging resulta, asawa ko. Tandaan mo, ikaw lang ang gustong makasama sa maraming taon, mawalan man ako ng hininga.” “Kinakabahan ako! Tatanggapin ko kung ano man ang resulta ng DNA namin ng anak mong si Ezekiel. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo, Ruben. Ngayon pa ba ako bibitaw kung kailan pinagtibay ng panahon ang ating pagsasama?” tugon niya sa asawa. “Salamat, halika nga dito, payakap muna ako, ang kabiyak kong minahal ko sa lahat.” “Naglambing naman ang aking asawa; dahil dyan, may spider position ka sa akin pag tulog natin. Kaya kailangan nating bumili ng balot para lumakas ang ating tuhod sa labanan na mangyayari,” biro niya. “Naku, wag mo akong biruin ng ganyan; kakain ako ng limang balot with beer para tumagal lang ang resistance ko,” tugon nito. “Tama na, Ruben, sumasakit na ang tiyan ko kakatawa sa mga banat nating dalawa.” “Sir, narito na si Doctor,” saad ng secretary. “Papasukin mo, wag ka munang tatanggap ng bisita ngayon! Hintayin mo ang hudyat ko.” “Noted, sir.” “Please be seated, Aya Niya.” “Salamat, ito na ang resulta. Hindi na din ako magtatagal pa; may lakad pa kasi ako ngayon,” paalam niya sa mag-asawa. “Salamat, asahan mo ang karapatang bayad sa account mo.” “Asawa, ikaw na ang magbukas nito! ...” “Kahit libong-libong kaba ang nasa dibdib ko, tinanggap ko pa din ang papel kay Ruben; kailangan kong tanggapin kung ano ang magiging resulta nito. Para din sa katahimikan namin, hindi ko na malayan na lumuluha ako. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang envelope at nakita ko ang katulad sa nabasa ko sa DNA nila. “R-Ruben, a-akong tunay na inay ni Ezekiel,” ang aking sigaw na umiiyak. Sarap sa pakiramdam, nawala ang tinik sa aking dibdib. Paano nangyari yon? Siya ba ang aking niluwal pitong taon na nakalipas? Paano nangyari yon? Halos hindi tumigil ang mga luha ko sa pagdaloy sa aking mga pisngi. Na parang isang balde ang nahimlay sa aking mga mata at ngayon lang silang nakalabas. Ang sakit-sakit. Tingnan ang babaeng mahal mo, tumatangis dahil sa sakit at ligaya. Wala akong magawa kundi tingnan lang siya. Paano kung malaman niya tungkol sa anak niya na nasa kumbento? “Ngayon alam mo ang katotohanan na sa iyo galing, Ezekiel, wag ka nang tumangis. Paghandaan natin alamin kung paano nangyari sa atin ito,” tugon niya sa asawa. “Ako na ang pinakamasayang ina, pero ang daming tanong, Ruben. Ano ang nangyari sa pamilya natin? Bakit ganito ang hirap manghula dahil hindi basta-basta ang problemang ito? Pagkatao at pagkakilanlan ng ating anak, ang kanilang pinagdamot. “Pasa Diyos na lang natin. Sa ngayon, sapat na alam natin na tunay nating anak si Ezekiel; ang lahat ng meron tayo para sa kanya.” “Paano, mauna na akong umuwi. May gagawin ka pa ba dito? Kailangan kong mabawi ang pitong taon na hindi ko na alagaan,” ika niya. “Okay, ikaw bahala; may gagawin pa ako dito, kaya mauna ka na. Wag na lang muna natin sabihin sa anak natin, pwede ba, asawa ko? Hayaan natin ang panahon na magsadya sa kanya; mahalaga naman na alam natin tayo ang magulang niya.” “Okay, Ruben; kung yan ang gusto mo, gagawin ko. Paano, maunawaan ko; sa bahay kang mag-dinner; ako ang magluluto,” habol niya sa asawa. Ito na ang katotohanan; kay sarap yakapin. Paano pa ang isang unos na nakatago sa ilalim! Paano kung nangamoy? tanong niya sa sarili habang tinatanaw niya ang paglabas ng kanyang kabiyak. “Patawad, asawa ko, naglihim ako sa iyo; ayaw ko ulit masaktan ka ng pangalawang pagkakataon. Hindi ko kaya, baka mas lalo kong sisihin ang sarili ko. Sapagkat ako ang haligi ng tahanan, pero wala akong magawa kung bakit nangyari ito sa pamilya natin. “Kawawa!, ang munting Maria Theresa, na binabalot ng lihim ang aming pamilya. Kahit ako, hindi ko rin alam, kaya gagawin ko ang lahat para hindi nila malaman. Tama lang na sa kumbento siya lumaki na kasama ang Bibliya at salita ng Diyos. “Para lumawak ang kanyang pang-unawa sa sitwasyon niya na darating. My little girl, ang minahal naming lahat, kung darating man na malaman mo ang bumabalot sa pamilya natin, sana wag mawalaan ng tiwala sa Maykapal dahil ang lahat ng ito ay may katumbas na ligaya. Pinilig ko ang aking ulo para huwag mag-isip sa nangyari. Tinawag ko ang attorney ng pamilya namin. Para ilipat ang lahat ng yaman namin sa anak ko na si Ezekiel, kaya kahapon ko pa ito ginagawa, ibibigay ko lang ito kay Attorney Grunberg. Tama lang ito at meron ding si Maria Theresa, dahil anak namin siya. “Hello, Mr. Orsos. Sigurado ka ba sa desisyon mo? Hindi na ba mababago? Hindi sa nakikialam ako; bakit sa kanya pa? Ang tagapagmana mo naman ay si Theresa. Bakit siya pa? Ang alam ko lang naman ay ampon ninyo siya, diba?” “Excuse me, Attorney Grunberg, wag na wag mo siyang tatawaging ampon, dahil baka ipakain ko sa iyo ang sinasabi mo. Baka nakalimutan mo kung sino ang kaharap mo ngayon, binabayaran kita kaya umayos ka. Don't question my decision. Dahil wala kang karapatan. Magsalita na kung ano-ano. Abogado ka pa naman, tapos ganyan ang attitude.” “Tama na; Mr. Orsos, hindi na mauulit, gagawin ko ang nais niyo.” “It should be... Attorney Grunberg, dahil kahit matagal na tayong nagsasama bilang abogado ng pamilya ko, kaya kita palitan,” ang sagot ko sa kanya. “Noted, Mr. Orsos, again. I'm sorry.” “Pwedeng ka nang lumabas, at gusto kong makuha agad ang true copy niya.” “Gagawin ko agad para mapablueprint ko na agad.” Bastos! Tama lang maging brutal ako sa kanya sa pagsasalita. Sino siya para tawagin ang anak ko ampon? Wala siyang alam kaya wala siyang karapatan. Magsalita na kung ano-ano. Abogado pa naman siya, tapos ganun ang kanyang attitude. Tulad ng sinabi ng asawa ko, sa bahay ako nag-dinner, at naging fiesta ang aming lamesa. Hindi naman bago, kaya lang, mga favorite ko halos ang nasa hapag-kainan. “Wow, ang sarap naman ng pagkain natin ngayon! Anong meron?” Kahit may idea ako, nagtanong pa din ako. “Wala naman, Ruben; gusto ko lang ipagluto ang mga favorite ng anak natin, na pareho ng mga favorite mo sa pagkain. Mag-ama nga kayo,” tugon niya. “Wow, talaga ba? Ezekiel, anak, totoo ba lahat ang nasa lamesa ay favorite mo?” tanong ko. “Yes, Daddy, nagulat nga lang ako ng sinabi ni Mommy, pareho ang gusto natin sa pagkain. It's amazing, right?” “Yes, it's amazing nga, anak; kain na tayo, makaparami ang kain ko ito. Mahal na mahal kita, buddy,” at nag-peace bomb pa ako sa kanya. “Parang magkapatid lang kayo? Paano naman ako?” ang singit ko sa kanila. “ikaw ang buhay namin, diba, Anak Ezekiel?” ika niya. “Tama si Daddy, ikaw ang buhay namin ni Daddy,” tugon nito. “Group hug tayo bago kumain,” wika niya sa mag-ama. “Ruben, dahan-dahan lang sa pagkain, baka masama ang sobra,” paalala niya. “Okay, Mrs. Orsos, kaunti lang ang kakainin ko; may gamot naman ako sa taas, diba?” at nag-peace sign pa siya sa kabiyak. “R-Ruben Orsos, hindi ako natutuwa,” ang kanyang sigaw. “Joke lang, asawa ko, ikaw naman; hindi mabiro. I love you, wag kang sumigaw; tinatawanan ka ng binata mo.” “Hala Daddy, hindi kaya...” “Tama na, kain na tayo; baka lumamig na ang ating pagkain,” wika niya sa mag-ama niya. “Sana narito din si Teresa para mas maging masaya tayo,” wika ni Donya Elisabeth. “Sana nga, asawa ko,” tugon ni Don Ruben. “Para magkita na rin kami ng kapatid ko babae, ang wika naman ni Ezekiel; hindi ba siya uuwi?” ang tanong niya. “Ayaw niyang iwan ang kumbento, alam mo yon kasi ang kinahiligan niya simula’t pitong taon siya.” “Sayang, hindi pa kami nagkikita; kapag dadalaw kayo sa kanya, pwede bang sumama?” “Syempre ikaw ang panganay namin; kapag wala kami ikaw ang magiging tagabantay niya, pwede ba yon para kay Mommy?” “Pangako Mommy, aalagaan ko siya tulad kung paano niyo ako alagaan,” tugon niya. “Salamat, Anak; napakabuti mo talaga. Lagi mong tandaan mahal na mahal ka namin ng daddy mo.” “Anak, bukas pala kailangan sumama ka sa company para maituro ko sa iyo paano i-handle ang business natin,” wika ni Don Ruben sa anak. “Sure, Daddy.” “Kain na tayo para makakain din ang mga kasama natin sa bahay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD