GOODBYE AND I LOVE YOU Nais ko man makausap ang aking kapatid na nobya ko. Hindi naman pwede sapagkat alam ko na nakabantay sa akin ang mga magulang namin. Sa edad kong ito, parang wala akong karapatan pumili ng nais ko. Dahil may utang na loob ako, wala akong magawa kundi sumunod. Pwede ko naman gawin ang nais ko nang walang consent nila, pero bilang respeto ko sa kanila at dahil naging maayos ang buhay ko nang nasa poder nila ako. Kaya hayaan ko silang magpatakbo ng buhay ko this time. Gumawa na lang ako ng liham para sa kanya. Habang sinusulat ko ang nilalaman ng puso ko sa pirasong papel na ito, hindi ko mapigilan ang hindi umiiyak. Nakakatawa man, pero iyon ang totoo. Nais kong magpakatotoo kahit sa sinusulat ko. Pareho kaming nahihirapan at nasasaktan sa sitwasyon. Kahit na hindi

