BUMABA ang munting bata na si Ethan mula sa pagkakayakap ni Renzo at mabilis na tumakbo papunta sa tabi ni Eduardo. “Grandpa…” umiiyak na sabi ng bata, mahigpit na humawak sa damit ng matanda. “Hindi talaga mabait si Daddy kay Mommy. Kagabi, pinilit pa niya si Mommy na ibalik yung pera na binibigay niya kay Mommy bago siya papayag sa annulment.” Nakunot ang noo ni Eduardo. “Ibalik ang pera? Anong pera?” Nanlaki ang mata ni Enrique. Bigla siyang tumayo. “Ethan!” saway niya asa anak. Pero parang hindi siya narinig ng bata. Tuloy-tuloy siyang nagsumbong, parang matagal na niyang kinikimkim ang lahat. Sa murang isip nito ay napakakatas kung magsalita. “Ayaw payagan ni Daddy si Mommy na mag-work. Binibigyan lang niya si Mommy ng ten thousand kada buwan. Three years ‘yun, Grandpa. Three hun

