CHAPTER ONE
“ENRIQUE, maawa ka sa anak mo, ibigay mo na ang gamot. Sarili mong dugo si Ethan. Malapit na siyang mamatay, kailangan niya ang gamot na yan,” pagmamakaawa ni Lily sa asawa pero matigas ang mukha nito na hindi man lang tumingin sa kanya.
Walang tigil ang malakas na buhos ng ulan. Nakaluhod si Lily sa basang lupa, mahigpit na yakap ang anak na halos wala ng malay, paulit-ulit na nagmamakaawa sa lalaking nakatayo sa harap niya.
“Sarili kong dugo?” ngumisi ito.. Isa-isang ibinato ni Enrique ang mga tableta sa putikan, puno ng panunuya ang boses. “Akala mo hindi ko alam? Hindi ko anak ang batang ’yan.”
Nanlamig ang buong katawan ni Lily. Nanginginig siya habang pinapanood ang mga gamot na unti-unting nilalamon ng putik.
“Anong pinagsasabi mo? Anak mo siya, Enri—”
“Tumahimik ka!” malamig na putol ni Enrique. “Hindi ako ang lalaking nakasama mo noong gabi ng honeymoon natin. Ang lalaking katabi mo ay ibang tao. Hindi ako! Dahil inayos ko ang lahat sa naaayon sa plano ko!”
Parang karayom na tumusok sa puso ni Lily ang bawat salitang narinig niya.
“Ano… anong sinabi mo?”
“Kailangan ko pa bang ulitin? Hindi ako ang ama ng anak mo. Hindi ko anak si Ethan!”
Nanlamig ang buong katawan ni Lily. Hindi niya matanggap ang katotohanan. “Bakit? Ito ang nag-propose sa kanya. Akala niya mahal siya nito. Pero ibinigay pala siya sa ibang lalaki? Bakit? Ano bang kasalanan ko? Bakit mo ako ginanito?”
“Bakit?” Biglang lumabas si Luna mula sa loob ng bahay, puno ng pandidiri ang tingin kay Lily.
“Lily, sabihin mo nga—anong karapatan mong agawin ang lalaking mahal ko?” sumbat sa kanya ni Luna. Ang kabit ng kanyang asawa. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Sa isang iglap pagkatapos makuha ni Enrique ang kapangyarihan na pinangarap nito ay basta na lamang siyang itinapon. Siya at ng kanyang anak..
Habang nagsasalita ang mga ito, biglang umubo ng dugo si Ethan sa bisig ni Lily. Halos mabaliw siya sa takot, pilit niyang tinatakpan ang bata mula sa ulan gamit ang sarili niyang katawan. Hindi na kayang maghintay pa ni Ethan. Mahina na ito. Kailangan niya ang gamot—ngayon na.
Isinantabi ni Lily ang lahat ng dignidad. Muli siyang nagmakaawa kay Enrique, wala nang pakialam sa sarili kahit pa sobrang sakit ang kanyang nararanasan. Walang lamang ang kanyang isipan kundi si Ethan. Ang mailigtas ang buhay ng anak.
“Enrique… kahit anong mangyari, huwag mong kalimutan na ibinigay ko sa’yo ang lahat ng shares ko noon para maging chairman ka ng kumpanya. Ibigay mo lang ang gamot para sa anak ko. Wala na akong hihilingin pa. Makikipaghiwalay ako sayo kung yun ang gusto mo. Mananahimik ako. Hindi ko kayo guguluhin…Mawawala kami ng anak ko. Basta, ibigay mo lang ang gamot sa akin. Kailangan ni Ethan ang gamot na yan. Nagmamakaawa ako,” pagsusumamo niyang tumutulo ang luha kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan..
“Tinulungan mo akong maging chairman?” ngumisi si Enrique. “Lily, may kapal ka pa ng mukha para sabihin ’yan sa akin? Inutusan kitang lokohin si Renzo para makuha ang 35% ng shares niya, pero kalahating buwan kang nagpatumpik-tumpik bago mo nagawa. Dahil sa’yo, hindi ko agad nakuha ang mas maraming shares at pinagtawanan pa ako sa kumpanya. Utang na loob ba talaga yun sayo? Walang silbi ang ginawa mo. Isa ka lang basura. Sa lahat ng kinain at ininom mo sa loob ng walong taon, bayad na bayad ka na. Bayad na ako sayo!”
Parang tuluyang nagyelo ang puso ni Lily. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Siya ang nagbigay ng 10% shares na iniwan sa kanya ng ama ni Enrique. Siya rin ang tumulong para makuha ang 35% kay Renzo. Dahil sa 45% shares na iyon, naging chairman si Enrique…At ngayon, ganito lamang matatapos ang lahat?
“Walong taon tayong mag-asawa,” nanginginig na wika ni Lily. “Bago tayo ikasal, paulit-ulit mong sinabi na mahal mo ako. Dahil sa salitang ’yon, ibinigay ko ang lahat sa’yo. Sinunod kita. Sinamba, Enrique….Ngayon, isang bagay lang ang hinihingi ko, ang gamot para mailigtas ang anak ko…”
“Naaalala mo pa pala ang sinabi kong mahal kita?” tumawa si Enrique. “Hinding-hindi kita minahal. Pinakasalan lang kita dahil sinabi nilang gusto mo ako. Kapag pumayag ako dahil kapag ginawa ko yun ay gagawin niya akong tagapagmana. At higit sa lahat gusto kong makuha ang shares mo. Si Luna lang ang minahal ko, wala ng iba…. Pero Lily, hindi kita pinabayaan nitong mga taon. Ang tanong ko ngayon sayo, ano ang ginawa mo isang linggo ang nakaraan? May lakas ka bang aminin sa akin kung ano ang ginawa mo, ha?”
“Anong ginawa ko?” gulat na tanong ni Lily. Napakunot ang noo niya…
“Itinulak mo si Luna sa hagdan! Dahil sa’yo, nawala ang anak namin!” sigaw sa kanya ni Enrique na galit na galit. Nag-alab ang mga mata ni Enrique sa matinding galit. “Ikaw ng naging dahilan kung bakit nawala ang tunay kong anak!”
“Hindi ko ginawa ’yon!” sigaw ni Lily. “Hindi ako—”
Ngumiti ng malamig si Luna. “Sinungaling ka pa rin!” sigaw ni Luna sa kanya. “Pinatay mo ang anak ko!”
Biglang sinipa ni Enrique si Lily. Bumagsak siya sa lupa, muntik pang mabitawan ang batang halos wala ng hininga sa kanyang bisig.
“Nangangatwiran ka pa at sinisiraan si Luna!” sigaw ni Enrique sabay sipa muli sa mukha niya.
“Enrique, wa-la akong kasalanan,” pagmamakaawa ni Lily na hindi na maipinta ang sakit na nadarama..
“Enrique,” mahinang sabi ni Luna.. “Sabi mo sa akin ipaghihiganti mo ang anak natin na pinatay ng Lily na yan. Do it!”
Napuno ng awa ang tingin ni Enrique kay Luna. “Kunin ang bata,” utos ni Enrique.
Biglang sumugod ang mga bodyguard utos ni Enrique..
“Anong ginagawa niyo?! Huwag ninyong hawakan ang anak ko! Bitawan niyo ako!” sigaw ni Lily. Nagwawala na siya. Walang laban si Lily. Inagaw sa kanya si Ethan. “Ibalik niyo ang anak ko!”
“Patay na ang anak ni Luna,” malamig na sabi ni Enrique. “Ang tunay kong anak kaya bakit mabubuhay ang anak mo? Nahulog ang anak ni Luna dapat ganoon din ang sa’yo.”
“Hindi! Hindi! Hindi!” sigaw ni Lily sa matinding takot. “Anak mo siya Enrique. Ikaw ang nagpalaki kay Ethan. Ano ka ba!”
Ngumisi si Luna… Kung nawalan siya ng anak, bakit mabubuhay pa ang kay Lily? Hindi siya makakapayag. Isang malakas na kulog ang umalingawngaw. Pinipigilan si Lily. Pilit niyang inaabot ang batang hinulog sa matarik na hagdan pero hangin lang ang nahawakan niya.
“Ahhhhhh!” Nakita niyang bumagsak si Ethan, ulo ang unang tumama. Kumalat ang dugo sa semento. Parang sinakal ang lalamunan niya. Walang lumabas na tunog. Unti-unting namula ang mga mata niya. “Ahhhhh… ahhhh! Anak ko! Ethan!!!!!”
Isang paos at wasak na sigaw ang lumabas sa kanya. Ginamit niya ang lahat ng lakas, pero hindi niya maabot ang munting katawan. Naririnig niya ang masayang tawa ni Luna. Ang mga mata ni Lily ay nakatuon lamang kay Ethan. Umubo ito ng dugo at tuluyang pumikit.
“Mga hayop kayo!” sigaw niyang nagwawala kaya nabitawan siya ng mga bodyguards ni Enrique. Gumapang siya sa putik, yakap ang malamig na katawan ng anak na naliligo sa sariling dugoi...Hinawakan niya ang ilong nito, wala nang hininga.
Patay na ang anak niya. “Ethan!” palahaw niya. Wasak na wasak si Lily. Hindi niya malaman ang gagawin. Hindi pa ba sapat ang ginamit at pinahiya siya sa harapan ng mga tao? Bakit pati anak niya hindi nila pinaligtas?
“Mas magaan na ba ang pakiramdam mo?” maamong tanong ni Enrique kay Luna habang yakap ito.
“Mas magaan na,” sagot ni Luna na yumakap kay Enrique habang akala mo na nanonood ng palabas..
“Mabuti. Pagkatapos kong makipaghiwalay sa babaeng yan, pakakasalan na kita. Gagawin kitang pinakamasayang babae. Ikaw lang at walang iba, okay?”
“At siya?” tanong ni Luna, nakatingin kay Lily.
“Paluluhurin ko siya rito hanggang magsawa ka,” sagot ni Enrique. “Magbabayad siya sa pagpatay niya sa anak natin. Sinisiguro ko yun sayo.”
Ngumiti si Luna at hinalikan si Enrique. Lumalim ang halik nila, parang walang ibang tao sa paligid. Nakalutang si Luna sa kaligayahan. Siya na ang magiging asawa ng pinakamayamang lalaki sa Pilipinas. At si Lily? Unti-unti niya itong dudurugin hanggang sa ito na mismo ang magmamakaawa na patayin niya.
“Ahhhhhhh!” sigaw ni Lily
Biglang may matinding sakit sa likod ni Luna. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang matulis na bagay na bumaon sa kanyang katawan. Nalasahan ni Enrique ang dugong pumulandit mula sa bibig ni Luna na tumalsik sa bibig niya. Nabigla siya at napabitaw kay Luna..
Mabilis ang mga nangyari… Nagulat na lamang si Luna nang may tumusok na matulis na bagay mula sa kanyang katawan. Nanlaki ang mga mata niya.
“Hayop!” sigaw ni Lily na galit na galit.
“Luna!” sigaw naman ni Enrique. Nakita niya kung paano nangisay ang katawan ng babaeng mahal niya dahil sa kagagawan ng kanyang asawang si Lily.