CHAPTER TWO

1641 Words
Driven by pure rage and grief, Lily pulled the knife out of Luna’s body and without hesitation plunged it straight into Enrique’s chest. Hindi na siya nag-isip pa. Ang gusto nalang gawin ni Lily magbayad ang mga taong pumatay sa kanyang anak. Mabilis ang kilos niya, sa sobrang bilis na wala nang pagkakataon ang sinuman para pigilan siya. “L-Lily… ikaw—ikaw!” sigaw ni Enrique, gulat at takot ang nakaukit sa mukha. Pero huli na ang lahat. Ginamit ni Lily ang lahat ng natitirang lakas niya at tuluyang ibinaon ang kutsilyo sa puso nito. Bumugso ang dugo, parang gripo na walang tigil. Hindi man lang siya kumurap. Gusto niyang patayin ang lalaking pumatay sa anak niya. Walang sino man ang pwedeng pumigil sa kanya dahil sa kanyang galit. Gusto niyang isama sila sa impiyerno. “Go to hell!” sigaw niya. “Mamatay kayo!” Natulala ang mga bodyguard sa nasaksihan. Ilang segundo ang lumipas bago ang mga ito nagising sa katotohanan ng kanyang ginawa, saka mabilis na sumugod at sinipa siya palayo. Bumagsak siya sa sahig, at ang ulo niya ay tumama sa isang matulis na bagay. Isang matinding sakit ang kumawala. At kasunod nito, ang mainit-init na dugo na patuloy na umaagos mula sa likod ng kanyang ulo. Mamatay man siya ay okay lang, masiguro niya lang na mamatay si Luna at Enrique. Sa impyerno na lamang sila magkita-kita. “Lily!” Bago tuluyang lamunin ng dilim ang kanyang paningin, may narinig siyang tinig, isang tinig na puno ng sakit at galit. Pero hindi na niya nagawang imulat ang kanyang mga mata. Parang boses iyon ni Renzo, ang lalaking pinaka-kinatatakutan at pinaka-kinamumuhian niya. Nang dumating si Renzo kasama ang kanyang mga tauhan, nakahandusay si Lily sa sahig, naliligo sa sariling dugo, halos wala nang buhay. Nang makita siya, napuno ng sakit ang mga mata ni Renzo. Hindi siya makapaniwal sa kanyang nakita. “Sir, buhay pa po ‘yung dalawa. Ano pong gagawin natin?” tanong ng tauhan na ang tinutukoy ay si Luna at Enrique. Malamig at nakakatakot ang tinig ni Renzo nang sumagot siya.. “Ano pang hinihintay ninyo? Tuluyan niyo na…. Ipakain sa mga aso!” narinig niyang sigaw ni Renzo. Mabuti na lang. Sa huling sandali ng kanyang buhay, may gumanti rin para sa kanya at sa kanyang anak. Alam ni Lily na mabuting tao si Renzo. Sayang lang, ang isang lalaking ganoon katalino at kagalang-galang ay inagawan niya noon ng shares sa pamamagitan ng panlilinlang, at sa huli, pinilayan pa ni Enrique. Mamatay man siya ay alam niyang hindi papayag si Renzo na mabuhay ang mga taong nagkasala sa kanya. “Hold on, Lily! Dadalhin kita sa ospital. Hindi ka mamamatay okay?” ani pa ni Renzo sa kanya. Nanginginig na ang kanyang katawan. Hawak din ni Renzo ang ulo niyang may sugat at patuloy na nagdurugo. “Ren-zo, ang anak ko. Si E----than,” ani niya pang napaaubo na. Napatingin si Renzo sa anak ni Lily. Nilapitan ng mga tauhan ni Renzo ang bata sabay iling. “Patay na siya,” ani pa at narinig iyon ni Lily. Naramdaman na lamang ni Lily na binuhat siya ni Renzo kasabay ng pagtulo ng luha niya dahil sa narinig na wala na ang anak niya. Ano pa ang silbi kung mabubuhay siya? Wala na ang anak nya kaya mabuti ng mamatay na rin siya. Pinatay lang naman ang anak niya ng lalaking inakala niyang ama ni Ethan. ******************** ISANG malakas na pagsinghap ang gumising kay Lily…. Buhay siya. Mabilis siyang napatingin sa paligid. Walang gulo. Walang dugo. Wala si Luna at ang anak niyang si Ethan? Nasaan ito? “Lily, hey! Malapit nang magsimula ang anniversary celebration. Go change into your dress!” tinig iyon ng kanyang asawa kung kaya natigilan siya. Nakaharap siya sa salamin ng mga oras na iyon. Para siyang nag time travel.. Paanong naulit ang mga nangyari? Nanlamig ang kanyang buong katawan. Napapikit siya. Malumanay ang boses ni Enrique sa kanyang tabi. Puno ng pagmamahal ang boses. Dahan-dahang idinilat ni Lily ang kanyang mga mata. Hindi ito ang lalaking nakita niya sa kanyang nakaraan… Escobar Family Anniversary Gathering. “Enrique?” namumutla niyang tanong. “Okay ka lang ba? Tonight, ia-announce ni Grandpa Eduardo na ako ang magiging heir,” dagdag ni Enrique, may halong excitement. “It’s the most important day of my life. I can’t be late,” ani pa ng asawa sa kanya. “Heir?” ani niya. “Si Ethan?” “Nasa yaya niya. Nakabihis na,” sagot ni Enrique sa kanya. Nauulit ang mga nangyari. Alam ni Lily na nangyari na ito. Hindi ba at limang taon na ang nakalipas mula noon? Habang nakatingin siya kay Enrique, nakangiti, banayad, at kunwari ay mapagmahal, tila hinila pabalik ang alaala ni Lily sa nakaraa Sa panahong iyon, buhay pa si Lolo Eduardo. At kailangan pa ni Enrique ang pabor ni Lily upang makuha ang loob ng matanda at maipon ang shares para sa kumpanya. Kaya noon, sobrang bait niya on the surface. Ngayong gabi, tutuparin na sana ni Lolo Eduardo ang pangako niya, ipapamana ang posisyon kay Enrique. At doon ni Lily napagtanto—She was reborn. Napakuyom ang kamao ni Lily sa kanyang tabi. Nakakatawa. Nakakagalit. Nakakasuka. Sa dati niyang buhay, siya mismo ang nagtulak kay Enrique sa trono ng Escobar Company. At siya? Walang pera. Walang tahanan. Walang kakayahang iligtas ang sarili niyang anak. Pinanood niyang mamatay ang anak niya at wala siyang nagawa. At ngayon, gusto pa rin ni Enrique na gamitin siya? Keep dreaming. Gusto niya ng annulment. Gusto niyang durugin ang pangarap ni Enrique na maging chairman ng kumpanya. “Enrique, Lily, bakit hindi pa kayo nagpapalit?” biglang pumasok si Luna, natural na tumabi kay Enrique. “Don’t you know how important tonight is for him?” may panunumbat sa tingin niya kay Lily. Napangisi si Lily sa loob-loob niya. Ganito pala sila ka-close. Sa nakaraang buhay niya, hindi pa niya napapansin ang relasyon nilang dalawa. Pero ngayon, kitang-kita na, sobrang obvious. Alam niya na. Pinilit ni Lily ang isang ngiti. “Ayusin ko lang. I’ll change right away.” “Ang hassle talaga,” reklamo ni Luna. “Naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang babaeng ‘yon sa tabi mo.” “Don’t be angry,” mahinang sagot ni Enrique..“Konting tiis na lang. Mamayang gabi, isa na akong tagapagmana ng isang malaking kumpanya.. Kapag patay na ang matandang ‘yon, kukunin ko ang shares ni Lily, magiging chairman ako, tapos hihiwalayan ko na siya agad. Baby, konting hintay na lang, okay?” “Matagal na akong naghihintay,” sagot ni Luna. “You owe me.” “Ano bang gusto mong kapalit…?” Nakatayo si Lily sa labas, malinaw na naririnig ang lahat na pag-uusap ng dalawa. Ang mga hayop. Napangisi siya kahit na nasasaktan pa rin... Enrique. Luna. Just wait. Malapit nang gumuho ang mga pangarap niyo. Kung bakit siya ibinalik, hindi niya alam pero salamat na rin, dahil kaya niya pang itama ang kanyang buhay at ang lahat ng ito. Sa ibaba ng hotel, may isang munting bata ang pilit na bumababa mula sa sasakyan, nakausli ang maliit niyang puwitan. Hindi man lubos maintindihan ang lahat, mabilis na tinanggap ni Ethan ang katotohanan. Bumalik siya sa edad na tatlong taong gulang pa lamang siya. Walong taon siya noon nang siya ay itapon hanggang mamatay ng kanyang ama. Hindi, hindi pala niya tunay na ama. Si Enrique at ang masamang babaeng si Luna ang pumatay sa kanya. Hindi lang iyon dahil nakita niya rin na pinagkaisahan at sinaktan pa nila ang mommy niya. Mula nang magkaroon siya ng alaala, alam na ni Ethan na hindi sila welcome sa pamilyang ito. Walang mapuntahan ang mommy niya. At para lang maprotektahan siya, paulit-ulit itong nasasaktan. Sa ikatlong birthday niya, itinulak siya ni Luna sa malamig na pool. Nagkasakit siya ng matindi, isang sakit na habang-buhay na kailangan ng gamot. Ngayon na bumalik sila sa nakaraan… Ibig bang sabihin, uulitin lang ang lahat? No. Never again. Kailangan niyang protektahan ang mommy niya. Tumakbo si Ethan papunta sa elevator, pero hindi man lang niya maabot ang button. Biglang may isang malaking kamay ang umabot at pinindot ang elevator door. Paglingon niya— “Future Daddy Renzo?” Malamig at tahimik ang mga mata ni Renzo, gaya ng dati. Tiningnan niya ang bata, saka pumasok sa elevator. Kapag pa isa itong Escobar, mabait ito sa mommy niya..Palagi pa nga nitong tinutulungan ang mommy niya ng patago, isang lihim na hindi dapat malaman. “Secret natin ito,” sabi ni Renzo noon. “Ayaw ng mommy mo sa akin. Kapag nalaman niya, hindi niya tatanggapin ang tulong ko.” Hindi maintindihan ni Ethan kung bakit ayaw ng mommy niya kay Renzo. Sa totoo lang, mabuting tao si Renzo. Minsan, naisip pa ni Ethan---Sana siya na lang ang daddy ko. Kung siya ang daddy niya, walang mang-aapi sa kanila. “Ethan, hindi ka ba papasok?” tanong ni Renzo. Biglang tumingala si Ethan at nasabi ang nasa isip niya. “Uncle… pwede ka bang maging daddy ko?” Tahimik ang elevator. Nagulat si Renzo sa narinig dahil sa kanyang sinabi. Mahina siya dahil bata pa siya. Kung si Renzo ang magliligtas sa kanila, magiging ligtas sila ng mommy niya. Sa isip na iyon, mahigpit na niyakap ni Ethan ang binti ni Renzo. Kahit three yearls old palang siya ngayon ay malinaw na ang isip niya. Dati kasi siyang eight years old na muling bumalik. “You like my mommy, right?” tanong niya rito na ikinabigla ni Renzo. Kailangan niyang deretsang sabihin iyon dahil pakiramdam niya ay wala na siyang panahon. Magkakasakit siya at mamamatay at dahil doon mamamatay ang Mommy niya. Hindi niya hahayaan na maulit ang mangyayari pa lamang. Babaguhin niya iyon at sa tulong iyon ni Renzo Escobar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD