Matagal na niyang alam ang sagot. Kung hindi gusto ni Renzo ang mommy niya, bakit paulit-ulit niya itong tinutulungan nang palihim? Bakit may litrato pa ng mommy niya sa kwarto nito?
Tumingin si Renzo sa munting batang mahigpit na nakakapit sa binti niya. Nang tanungin siya ng isang three-year-old ng ganoong kabibo at diretsahang tanong, saglit lang na nagulat ang gwapong mukha ni Renzo bago muling bumalik sa dati nitong kalmadong anyo.
“How did you know?” tanong niya, diretsahan.
Hindi niya itinanggi. Oo, gusto niya si Lily. Pero ang babaeng iyon? Ayaw sa kanya. Iniiwasan siya na parang salot, parang gusto nitong sumakay sa rocket at tumakas tuwing makikita siya.
“You help my mommy get an annulment,” seryosong sabi ni Ethan, “And I’ll help you win her over. Deal?”
Nang marinig iyon, hindi napigilan ni Renzo ang mapangiti, kahit na gulat na gulat siya. Isang three-year-old ang nagmumungkahi ng hiwalayan ng mga magulang niya, at mas lalong nakakagulat, ginagamit pa siya para samantalahin ang sitwasyon. Hindi niya alam kung saan nito natutunan ang mga sinasabi sa kabila ng edad nito.
Yumuko siya, binuhat ang bata, na naka-squatted down sa harap nito. Tinitigan niya ito nang may interes.
“Gusto mong maghiwalay ang parents mo?” tanong niya. “Why?”
Saglit na nag-isip si Ethan kung paano niya ipapaliwanag ang totoo, na sa nakaraan, walong taong gulang siya nang patayin siya nina Enrique at Luna. Alam niyang kapag sinabi niya iyon, iisipin lang ni Renzo na gawa-gawa ng bata.
“Kasi hindi niya mahal ang mommy ko,” mahina niyang sagot. “Sasaktan lamang siya ni Daddy Enrique. Pero ikaw… hindi.”
Sa pag-alala sa pinagdaanan ng mommy niya sa nakaraang buhay, biglang sumikip ang dibdib ni Ethan. Namasa agad ang kanyang mga mata, pilit niyang pinipigilan ang luha. Hindi alam ni Renzo kung anong klaseng sakit ang pinagdaanan ng isang batang ganito kabata para makapagsalita ng ganoon.
Alam niyang masama si Enrique pero ang babaeng iyon, si Lily, bulag na bulag pa rin sa lalaking iyon. Isang pagmamahal na kahit siyam na kalabaw ay hindi mahihila palayo. Dahil doon, isinuko ni Renzo ang karapatan niya sa mana ng pamilya Escobar, hinayaang mangyari ang lahat, umaasang kahit papaano ay magiging maayos ang buhay ni Lily. Pero ngayon, kung pati sariling anak ay napopoot na sa ama at nagmamakaawang tulungan silang maghiwalay, malinaw kung gaano kasama si Enrique bilang asawa at ama.
Napaisip si Renzo. Tama ba ang desisyong ginawa niya noon?
“Uncle,” seryosong sabi ni Ethan. “Inaamin mo namang gusto mo ang mommy ko. Now you have two choices. First, be my daddy. Second, I’ll be your son. You choose.”
Sa tatlumpu’t tatlong taon ng buhay ni Renzo, ngayon lang siya na-corner sa loob ng elevator at ng isang bata pa. Napangiti siya, pero agad ding kumupas ang ngiti nang maalala niya ang malamig at disgusted na tingin ni Lily tuwing nakikita siya.
“Your mommy hates me,” mahina niyang sabi.
“I’ll help you,” walang pag-aalinlangan ang sagot ni Ethan.
Mas gwapo pa ng isang milyon beses si Renzo kaysa sa dog daddy niya. Hindi lang talaga nakikita ng mommy niya ang totoong kulay ni Daddy Enrique. Kapag nalaman niya ang totoo, sigurado siyang magbabago ang lahat.
Hindi alam ni Lily na ang anak niya ay nakahanap na ng “tatay” sa labas.
“Pero secret muna natin ito,” dagdag ni Ethan.
Alam niyang walong taong gulang ang isip niya ngayon, pero sa mata ng lahat, isa lang siyang tatlong taong gulang. Kapag sinabi niya agad kay ina na masama ang ama ay hindi siya paniniwalaan. Kaya kailangan niyang maging maingat. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap ni Enrique at ni Luna.
Tumaas ang kilay ni Renzo bago tumango. “Okay.”
Kahit bata ang kausap niya, sineryoso ni Renzo ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Ethan.
Hindi niya gusto ang mga bata pero kay Ethan, kakaiba. Hindi niya magawang mainis. Sa halip, may kung anong awa at lambot na bumabalot sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung paano nagkaroon si Enrique ng ganitong kaibig-ibig na anak. Nakakainggit.
Nagpalit na si Lily ng damit at tahimik na pinaplano ang susunod niyang hakbang nang may marinig siyang tunog mula sa bahagyang nakabukas na pinto isang tunog na agad nagpainit sa kanyang mukha. Pagtingala niya, naroon nga ang asawa niya at ang kabit nito.
Nakalahad ang balikat ni Luna, habang mahigpit siyang yakap ni Enrique at hinahalikan. Sa maikling sandaling iyon, hindi pa rin nila mapigilang magkalapit.
They really loved each other.
Kanina pa iniisip ni Lily kung paano sisirain ang planong i-announce ni Lolo Eduardo ang mana ni Enrique. Hindi niya inakalang sila mismo ang maghahain ng ebidensya sa kanya.
Tahimik niyang inilabas ang cellphone at nag-record ng video. Pagkatapos, umalis siya na parang walang nangyari.
Puno na ng bisita ang event place..Bilang pinaka-makapangyarihang pamilya sa buong bansa, natural lang na engrande ang anniversary ng kumpanya ng mga Escobar. Naka livestream pa nga.
“Have you heard? I-aannounce daw ni Eduardo Escobar na ipapasa na niya ang kumpanya kay Enrique Escobar.”
“From now on, iba na si Enrique Escobar. He’ll have full control of Escobar Corporation.”
“And isn’t that Lily? ‘Yung babae raw na nakitira lang sa Escobar family dahil sa maliit na pabor, tapos naging Mrs. Enrique Escobar dahil sa kakakulit?”
“Hindi lang kakulit. I heard she drugged Enrique and slept with him. Mabait lang talaga si Enrique Escobar kaya pinanagutan siya.”
Tumaas ang kilay ni Lily habang tahimik na nakikinig.
Oo, gusto niya si Enrique noon. Pero hindi siya nangulit. At lalong hindi siya nag-droga ng kahit sino. Wala rin siyang pinikot. Kung hindi nag-propose si Enrique, hindi niya kailanman pakakasalan ang lalaking iyon.
Ang pamilya niya ang nagligtas sa pamilya Escobar. Namatay ang mga magulang niya para kay Eduardo at sa buong pamilya. Sampung taong gulang pa lang siya nang maging ulila. Nang muntik na siyang magpakamatay, si Lolo Eduardo ang nagdala sa kanya sa bahay ng Escobar.
Kailan pa siya naging babaeng walang hiya sa kwento nila?
Tumingin siya kay Enrique. “Sinasabi ng lahat na ako raw ang nangulit sa’yo, na pinikot kita para makuha ka,” malamig niyang sabi. “Hindi mo ba kailangang linawin?”
Wala siyang natanggap na paliwanag.
“You don’t need to care what others say,” sagot lang ni Enrique.
“Oh.”
So hindi mahalaga ang pangalan niya?
Alam na niya, siguradong si Enrique at si Luna ang may pakana ng tsismis. Siya ang ginawang masama, habang si Enrique ang ginawang gentleman na “pinanagutan” ang babaeng nagkamali.
She’ll tear down his fake persona someday.
“Let’s go find Grandpa,” sabi ni Enrique sabay hawak sa kamay niya.
Sa sandaling iyon, may biglang kaguluhan sa may pinto.
“Renzo Escobar!”
“Oh my god, bakit nandito si Renzo Escobar? Hindi siya uma-attend ng anniversary?”
Nang marinig ang pangalang iyon, biglang bumigat ang dibdib ni Lily.
Lumingon siya tt doon bumagsak ang tingin niya sa isang matalim, malamig, ngunit sobrang gwapong mukha. Si Renzo.