Madelight’s POV Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan, mahiya, o matuwa today. Kasi pagpasok ko pa lang sa school. Ramdam ko na agad ang tinginan ng mga tao. Literal na parang CCTV cameras yung mga ulo nila. Sabay-sabay napapalingon habang naglalakad ako. Syempre hindi ko sila pinansin. Naglakad lang ako ng diretso. Dala yung bag ko at suot yung puti kong sapatos na medyo napudpud na kakalakad sa Foodpanda deliveries nitong nakaraang buwan. Second year college na ako pero ganito ang buhay ko. Study, work, and survive. Hindi kagaya ng iba rito ay puro gala, puro make-up, at puro mayayamang aura. Pagdating ko sa hallway ng department namin. Bumungad agad sa akin si Margaux. Miss supladita kapag trip niya pero surprisingly hindi naman ganoon kasama kapag hindi siya tinotopak. That

