Chapter 18

1036 Words

Zach's POV Hindi ko na talaga itinuloy yung slime prank kay Madelight. Siguro dahil pagod na rin ako sa kakaisip kung paano ko pa siya maiinis. At siguro dahil medyo gusto ko ring makita yung itsura niya kapag nagagalit nang hindi gumagamit ng slime o kung ano mang kalokohan. Pero kahit ganon hindi ibig sabihin na titigil na ako. Hindi pa tapos ang laban namin. Malayo pa. Kung gusto niya akong kalabanin. Edi pagbibigiyan ko siya. Hindi niya yata kilala kung sino ang taong binabangga niya. Magtutuos talaga kami kahit anong mangyari. Habang nasa hallway ako. Napatingin ako sa locker niya. Doon nagsimula yung bagong brilliant plan ko. Nasa gilid ko sina Danrel at Brixzain habang si Chendrix naman ay nasa harap ko. Nakakunot-noo na naman siya. Yung tipong may iniisip siyang hindi maganda.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD