Madelight's POV Nandito na naman ako sa Foodpanda Restaurant kung saan ako nagtatrabaho. Maaga pa lang pero punuan na agad ang loob. May mga estudyante, may mga empleyado, may mga tambay pa nga sa gilid na mukhang dito na nag-aalmusal araw-araw. Amoy mantika, prito, kape, at pagod. Normal na araw lang para sa akin. Kasama ko ngayon si Kevin Liao Tiu. Oo yung Kevin na masipag, mabait, at halos kabaliktaran ng ugali ng isang mokong na ayaw ko nang banggitin ang pangalan. Si Kevin ang ka-team ko kada shift. Siya yung tipong kahit pagod na ay naka-ngiti pa rin. Minsan iniisip ko kung tao pa ba siya o robot. "Ate Madelight." Sabi niya habang inaayos niya yung mga paper bags ng order. "Grimely busy tayo today a." Isa-isa niyang inaayos yung paper bags. "Tapos mamaya mas sisipagin pa tayo." S

