Madelight's POV Wala akong pasok ngayon. Sunday ngayon kaya sa wakas ay may pahinga ako mula sa nakakabuwisit na pangalang Zach Clifford Watson at sa mga chismosang tao sa campus. Gusto ko sana matulog buong araw pero kailangan ko nang bumili ng bagong phone. Sira na kasi yung luma kong phone. Ilang beses nang naglalag hindi na nag-o-on minsan. Tapos nalalaglag pa ang mga chats ko. Halos hindi ko na makausap si Yan at mabuti nalang talaga kahapon ay nagkita kami sa school. Buti pa siya ay maayos ang buhay. Ako? Haggard na nabuhusan pa ng maruming tubig. Viral pa sa buong university. Perfect combo talaga. Gumising ako ng maaga. Around 6:30 AM. Hindi ko nga alam kung bakit maaga akong nagising e. Sunday naman. Siguro stress lang ako. Or baka gutom. Or baka naririnig ko pa rin sa utak ko yu

