Zach's POV Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang inip o sa sobrang inis ko kay Madelight. Pero kanina pa kami dito sa Clubhouse nag-aantay. Lahat kami ay gutom na. Nakasandal ako sa upuan habang si Danrel at Brixzain ay naglalaro ng Mobile Legends sa phones nila. Si Chendrix naman ay walang kupas. Nasa gilid nagbabasa ng librong parang thesis. Yun lagi niyang hawak. Hindi ko alam kung magic book ba yon at hindi siya nagsasawa. "Pre, sure ka ba talaga na si, Madelight, yung naka-duty ngayon?" Tanong ni Danrel habang hindi tumitingin dahil nasa clash pa sila. "Oo, nakita ko sa siya kanina sa Foodpanda restaurant. Siya yung naka-assign sa deliveries at pick-up ngayon." Sagot ko sabay ngiti nang malisyoso. Ito na ang chance. Gusto kong makita yung mukha niya kapag nakita niya kami. Lalo n

