Chendrix's POV Kung may isang lugar sa buong campus na puwede kong tawaging territoryo ko. Walang iba kundi ang rooftop. Hindi ko alam kung bakit? Pero simula noong first year ako. Dito na ako palagi tumatambay kapag gusto kong mapag-isa. Mahangin. Tahimik. May magandang view ng buong university. At higit sa lahat ay walang istorbo. Kaya ngayong hapon. Dito ulit ako. Nakaupo ako sa paborito kong spot. Sa may bandang gilid na may railing. Nakasandal habang naka-headset. Pero hindi naman talaga ako nakikinig ng music. Wala lang. Para may dahilan kung bakit hindi ako puwedeng lapitan. Tahimik pa sana ang mundo ko nang biglang bumukas nang madiin ang pinto ng rooftop. Pak! Napakunot-noo ako. Sino na namang drama queen or king ang pupunta rito nang parang may kinakatakutang multo? Nilingo

