Zach's POV Nasa classroom kami ngayon. Second period ng umaga. At si Professor Agua ang kaharap namin. Major subject namin na to. Human Behavior in Organization. Kaya kahit inaantok ako. Pinipilit ko pa ring makinig. Isa pa ang sungit ni Prof kapag may nakitang hindi attentive. Lalo na sa first row. Buti na lang nasa gilid kami ng HIT4. Safe spot ika nga. Pinatay ni Prof Agua ang projector. Kinuha ang attendance sheet at tumayo sa gitna ng classroom. Napahinto ang mga kaklase ko sa pag-uusap at pag-scroll. Ganun kasi ang presence ni Prof. Isang tingin niya pa lang tahimik na ang lahat. "Class." Panimula niya habang nakahawak sa ballpen na parang pointer. "Starting tomorrow you will all participate in Boys Scout and Girls Scout activities." Tiningnan niya kami isa-isa. Nagulat ang ilan.

