Zach's POV Boys scout is in. Pagkababa namin ng bus. Unang bumungad sa akin ang malamig na hangin ng Vicente Mountain. Hindi ito ganoon kalayo mula sa Metro Bayview. Pero ibang-iba ang atmosphere. Parang ibang mundo. Malinis ang hangin, malamig, at ang tahimik ng paligid. Walang ingay ng sasakiyan, walang kalat ng lungsod, at wala ring pressure ng klase. Perfect sana. Kung hindi lang ako nabubuwisit sa isang tao. "Bro, dito tayo." Sabi ni Chendrix habang may bitbit na tent. "Malapad yung area. Sakto para sa apat." Tinotal pa niya iyon gamit yung mga kamay niya. Tumango ako at tumulong magbaba ng gamit. Si Danrel at Brixzain naman ay nag-aayos na ng stakes at poles. Mukhang excited talaga sila sa camping. Ako rin naman pero hindi ko ma-focus dahil hindi ko pa rin alam kung bakit ang bi

