Zach's POV Medyo huli na akong dumating sa eksena. Pagkalapit ko pa lang ay ramdam ko na kaagad ang bigat ng hangin. Yung tipong kahit hindi ka pa nagtatanong alam mong may nangyaring hindi maganda. Nakapalibot ang mga kaklase namin. Nagsisiksikan sa harap ng tent ni Madelight. At karamihan sa kanila ay may halong gulat at kaba ang mga mukha. Paglapit ko ay nakita ko si Madelight na hawak-hawak ang pisngi niya. Namumula. Kita mong sariwa pa ang marka ng sampal. Napasinghap ako. Parang biglang humigpit ang dibdib ko. "Madelight!" Tawag ko. Mahina pero puno ng pag-aalala. Tumingin siya sa akin. Kahit halata mong nasaktan siya. Ang una pa rin niyang sinabi ay. "Okay lang ako." Pero hindi. Hindi iyon totoo. Nakikita ko sa mga mata niya na naguguluhan siya, nasaktan, at pinipigilang mapaiya

