Madelight's POV Maaga akong nagising ngayon. Hindi dahil sa ingay. Hindi dahil sa lamig ng hangin dito sa Vicente Mountain. Kundi dahil sa bigat ng nangyari kagabi. Parang hindi pa rin nagsi-sync-in sa utak ko lahat. Ang bilis. Ang gulo. At ang sakit. Pero wala na akong magagawa doon. Ang sabi ni Prof. Agua kagabi. "Maaga tayong uuwi. Hindi na matutuloy ang activities." At hindi ko siya masisisi. Baka kung ano pa ang mangyari kung ipagpapatuloy pa ang scouting namin. Pagmulat ko ng mga mata. Madilim pa ang paligid pero may liwanag na ng papasibol na araw. Tahimik ang campsite except sa mahinang kaluskos ng mga zipper at mga taong unti-unting gumigising. Huminga ako nang malalim bago bumangon. Kailangan kong kumalma. Kailangan kong magmukhang okay. Dahil wala akong magagawa kung hindi m

