Chendrix's POV Kung iisa-isahin ko ang mga ginawa ni Zach nitong mga araw na ito baka maubos yung buong notebook ko. Para na silang teleserye ni Madelight pero yung tipo na ang pangit ng plot at puro away lang. Nakakapagod panoorin. Parang mga batang naglalaro ng habulan na hindi matapos-tapos. At sa totoo lang naiinis na ako. Hindi dahil kina Madelight o sa nangyayari. Naiinis ako kay Zach. Siya ang mas dapat may alam kung kailan titigil. Nasa dorm ako habang nakahiga sa kama. May hawak na librong sinusubukan kong basahin for the third time this morning but no use. Kasi yung ingay ni Danrel at Brixzain tungkol sa video ni Zach nung isang araw ay paulit-ulit lang. "Bro, grabe yung suntok ni, Madelight! Idol ko na siya!" Tawa ni Danrel. "Sana ako rin masuntok ng ganon para sumikat."

