Madelight's POV Ang guwapo talaga ni Chendrix. Honestly hindi ako maka-move on sa nangyari kahapon sa Foodpanda Restaurant kung saan ako nagta-trabaho. Hindi ko akalain na may pagkakataon pala na papasok siya doon, uupo sa isa sa mga mesa, tapos OMG makikita ko pa siyang ngumiti nang ganon kaguwapo habang uma-order ng pagkain. Hanggang ngayon hindi ko ma-process. Sino ba namang hindi magkakagusto sa ganon? At isa pa ang galang niya sa mga babae. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na parang wala lang manners kapag may in-approach na staff. Siya, grabe, parang may sariling aura ng pagiging gentleman. Parang may mahika. Pero ewan ko rin kung bakit nakasali iyon sa grupong HIT4. Ang gugulo ng mga iyon. Puro pasikat at puro katarayan. Tapos may isang Chendrix sa loob ng barkada nila na paran

