Zach's POV Pagpasok ko ng classroom. Hindi ko agad napansin ang lahat. Ang una kong nakita? Si Yan at si Madelight na magkasama sa isang sulok. Nag-uusap nang parang walang ibang tao sa paligid. Napa-stop ako sa may pinto. Hawak pa ang tali ng bag ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nainis. Bakit sila magkasama? Bakit parang close na close sila? At bakit parang okay lang kay Madelight na si Yan ang kausap niya pero ako kahit suliyap wala man lang? Huminga ako ng malalim. Calm down Zach. You're not jealous. Hindi ka dapat maapektuhan. Pero kahit anong pilit ko ay nandoon ang kurot. Lumakad na ako papasok pero bago ko pa sila maabutan. May tumawag sa akin. "Zach!" Boses babae. Pamilyar ang boses. Si Fujikira pala. Syempre alam na. Napalingon ako at nakita ko siyang naglala

