Madelight's POV
First day of class. Second year college na ako. Bachelor of Science in Business Management. At eto na naman ako. Nagmamadali habang pinipilit kong ayusin yung ID lace ko na parang sinasakal na ako.
"Late na naman ako! Oh my gosh, Madel!" Bulong ko sa sarili ko habang tumatakbo papasok sa Elite International University.
Hindi ko alam kung ako lang pero ang campus namin ay parang may sariling universe. Ang linis, ang laki, at ang mamahalin ng mga tao. Parang bawat isang estudyante rito ay may amoy na branded perfume and family money. Samantalang ako? Amoy sunblock, motor oil, at instant noodles.
Pagpasok ko pa lang sa main building ay bumungad sa akin ang mga estudyanteng nagsisiksikan sa hallway. May mga humahawak ng cellphone, may mga sumisigaw, at may mga parang nawawala sa ulirat.
"OMG! Paparating na raw sila!" Sigaw ng isang girl sa tabi ko.
"Ha? Sino?" Tanong ko.
Nagulat siya. Parang nakakita ng alien. "Ha? Hindi mo alam?!"
Umiling ako. "Should I?" Wow english iyon a.
Napahawak siya sa dibdib niya. Parang na-heart attack. "Girl, HIT4! The most popular group sa buong university! The heartthrobs! The gods of the campus! The reason why half of the girls are here still wake up early!"
Wow. Gods talaga?
"Seriously?" Isa pang english ko na para bang mayaman ang atake ko.
Naghahawi siya ng mahaba niyang buhok dahil sa hangin na tumatagpis sa buong katawan niya. "Oo! Si Zach Clifford Watson. A.K.A. Z.W. or Zach Watson, Chendrix, Danrel, at Brixzain! Mga varsity players! Mga anak mayaman! Mga---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Sa halip ay inunahan ko na siya.
"Mga babaero?" Singit ko na may diing irap dito sa babae sabay buntong hininga.
"Depende kung saan ka maniniwala." Sabay taas niya sa kilay niya.
Napatawa ako. Okay. So may hype pala talaga. Siguro ito yung mga tipo ng lalaking hindi pwedeng hindi mo mapansin kasi buong unibersidad na ang nag-a-announce ng pagdating nila.
Curious na rin ako kaya nakisabay ako sa mga students na nagkakagulo sa hallway. Kahit hindi ako fan ng mga pa-star. Gusto ko rin naman makita kung gaano nga ba sila ka-legendary gaya ng sabi ng iba.
Dahan-dahan akong sumilip sa gitna ng crowd. May apat na lalaking naglalakad papasok. Parang slow motion pa nga sa paningin ng lahat.
A so sila nga yung HIT4.
Unang pumasok sa hallway si Chendrix. Moreno, athletic, may matamis na ngiti. Mukha siyang friendly. Yung tipo ng guy na madaling lapitan. Sumunod si Danrel. Yung may makapal na salamin at seryosong aura. Parang scholar type pero may dating. Tapos si Brixzain. Yung may piercings at makulit na vibe. Parang rockstar na pilyo pero charming.
At sa huli. si Zach Clifford Watson.
Mapuputi ang ngipin, matangos ang ilong, matalim ang tingin. Suot niya ang varsity jacket ng Elite International University na may embroidered na HIT4 captain. Tall, broad-shouldered, at may confidence na parang hindi kailanman nabigo.
Halos sabay-sabay sumigaw ang mga babae.
"Oh my gosh, Zach!"
"Ang pogi mo talaga!"
"Notice me, please!"
Pero si Zach deadma lang. Naka-sunglasses kahit indoors.
Ako naman ay napakunot lang ng noo. Ano itong movie scene na ito?
Tumingin ako sa paligid. Lahat ng tao ay may sparkle sa mata nila habang tinitingnan siya. Ako lang yata yung nagtataka kung bakit kailangan ng ganitong level ng atensyon sa isang simpleng pagdating sa school.
"Excuse me po, excuse me po." Sabi ko habang pilit kong sinisingit ang sarili ko para lang makadaan papunta sa kabilang classroom. Pero sa halip na makadaan ay natapilok ako.
"Ahhh!" Ang sakit non a.
Saktong may lumapit na babae sa harap ko. Yung tipong fashionista na parang kakagaling lang sa magazine shoot. "Watch where you're going!" Sigaw niya.
"Sorry po! Nasagi ko lang---" Pinutol niya ang sasabihin ko.
"Do you even know na paparating si Zach Clifford Watson?!" Tinaasan niya ako ng makapal at maganda niyang kilay.
Napatingin ako sa kaniya. "Ah, hindi ko siya kilala personally."
"Of course! You don't. You don't look like someone who belongs here." Sinuklay niya yung buhok niya gamit ang kamay niya.
Ouch.
Huminga ako nang malalim. "Hindi mo kailangang sabihing ganun, miss."
Ngumisi lang siya. "Next time, huwag kang nakaharang sa daan."
At naglakad siyang paalis sabay hawak ng cellphone para makapag-selfie habang papalapit ang HIT4.
Grabe. Parang may sariling fan club ang bawat hakbang ng mga lalaking ito.
Pagbalik ko sa classroom halos lahat ng kaklase ko ay pinag-uusapan pa rin yung grupo.
"Ang hot ni, Zach, kanina!"
"Did you see, Brixzain's smile? Grabe!"
"Chendrix, talaga type ko. Intellectual at athlete pa."
Umupo ako sa pinaka likod. Tinanggal yung bag ko at kinuha ang notebook. "First day pa lang pero puro lalaki na agad ang topic. Bulong ko sa sarili ko.
"E ano naman kung popular sila? Pareho rin namang estudyante lang iyan." Kumamot ako ng ulo.
Pero kahit sabihin kong hindi ko care. Hindi ko mapigilang maalala yung mukha ni Zach. Yung paraan ng lakad niya. Confident pero hindi pilit. Parang sanay siyang pinagmamasdan. Parang alam niyang pogi siya kaya hindi na kailangang magpaka-charming.
"Good morning, class!" Bati ni Professor Celine Lagman Agua.
Napalingon kami lahat sa pinto nang pumasok si Professor Agua. Bagong instructor namin sa Major subject. "I'm Ms. Celine Lagman Agua. And I'll be handling your business strategy class this semester."
Medyo maaga ang energy niya. Halatang chill pero matalino.
"Before we begin. Please introduce yourselves one by one." Sabi niya.
Nagsimula sa unahan. Isa-isa silang nagpakilala. Puro mayayaman. Anak ng mga CEO. May mga sariling negosyo. Nang ako na ang turn ko. Naramdaman kong tumingin ang buong klase.
"Hi, I'm Madelight Gama Aldama. Second year. Business Management. I'm also a part-time Foodpanda rider." Pakikala ko habang mahina yung boses.
Tahimik ang klase. Parang nagulat sila.
"Oh, wow." Sabi ni Prof. Agua. Ngumingiti. "That's inspiring. You're balancing work and studies?" Naghalukipkip siya ng braso.
Gusto ko pa lang sabihin na new teacher namin siya at nakalipat din ako sa bagong section. Ang section ko ngayon ay BSBM section A. Dati kasi ay BSBM section B ako. So iyon lang. Sinabi ko lang para aware naman kayo kahit papaano.
"Yes po." Sagot ko. Pilit na ngumiti.
May narinig akong bulungan mula sa gilid.
"Foodpanda? Dito sa Elite International University?"
"Baka scholarship lang kaya nakapasok."
Huminga ako nang malalim. Sanay na ako. Hindi ko kailangang patulan.
Pero sa puso ko ay may kurot pa rin. Minsan kahit gaano ka pa kasanay ay nakakaramdam ka pa rin ng hiya.
Pagkatapos ng introduction ay nagbigay ng short discussion si Prof. Agua. Pero imbes na makinig nang buo ay narinig kong nag-announce yung school system.
"Attention, all the students. The varsity basketball team will have an open court practice this afternoon at the Elite International University Gym. Spectators are welcome." Rinig ko sa malaking speaker dito sa loob ng classroom.
Biglang nagsigawan yung mga kaklase kong babae.
"Pupunta tayo mamaya hindi ba?"
"Of course! Si, Zach, magpa-practice!"
Ako naman ay tahimik lang habang nag-aayos ng gamit. Hindi ko planong manood. Hindi ko kilala yung mga iyon.
Pagkatapos ng class ay naglakad ako papunta sa campus cafe para magpahinga. Habang nagkakape ay naririnig ko pa rin yung mga kwentuhan tungkol sa HIT4.
"Zach's dad owns the whole university. You know?"
"Yeah, kaya kahit anong gusto niya, pwede."
"He's the captain of the team and the most popular guy here."
Lahat ng tao ay may sinasabi tungkol sa kaniya. Pero ako? Hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko siyang husgahan agad kahit mukhang suplado at mayabang.
Siguro dahil sa isang parte ng utak ko ay gusto kong malaman kung ano nga ba ang totoo.
Kinahapunan habang naglalakad ako palabas ng cafe. May nadaanan akong malaking billboard sa gilid ng gym. Picture ni Zach. Naka-basketball uniform. Seryosong tingin at may caption na Elite International University. Champion Spirit.
Napahinto ako.
"Tsk." Sabi ko sa sarili ko. "Ang pogi naman talaga, in fairness." Bulong ko na parang inaantok.
Natawa ako ng mahina. "Pero mukhang mayabang ito. Wala iyan sa smile, oh. Parang sinasabing I own this place."
At hindi ko alam pero sa mismong sandaling iyon habang nakatingin ako sa billboard niya. May dumaan na black sports car sa tapat ng cafe.
Hindi ko nakita kung sino ang nasa loob pero sandaling nagtagpo ang tingin namin ng driver. Naka-sunglasses siya. Matalim. Confident.
Agad din siyang lumingon sa kalsada at umalis.
At hindi ko alam kung bakit pero parang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Ugh, ano ba ito, Madel?" Sabi ko. Pinipilit kong umiling. "Hindi ako tinatablan ng mga mayabang na lalaki." Bumuntong hininga ako.
Pero deep inside, may kutob ako.
Na simula ngayong araw ay hindi na magiging ordinaryo ang buhay ko sa Elite International University.
At sa hindi ko pa alam na dahilan. Ang lalaking iyon. Si Zach Clifford Watson ay magiging parte ng mundong pilit kong nilalayuan.
Ang feeling ko naman no?