WARNING!
Read at your own risk. This story is for people purposes that was like to read a novel only. Not prohibited, not plagiarized, not Illegal. But this is a mere of fictional. Don't be toxic, okay!
DISCLAIMER!
This is a work of fiction. Unless
otherwise indicated, all the names,
characters, businesses, places, events
and incidents in this book are either
the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Hello people of the world and hello universe. To my dearest readers.
Thanks a lot for reading this story!
Gusto ko lang sabihin na baka hanggang chapter 60 lang ang story na ito. Kaya sana po ay patuloy niyo pa rin pong basahin.
Ang story na ito ay araw-araw may updates kung makakaya ko. This is a challenge for me that I can finish this story within two months this November and December. So sana po ay samahan niyo akong tapusin ang nobelang ito.
Ayun lamang po. Maraming-maraming salamat po sa lahat!
P.S. Always be safe and healthy! You can achieve what really matters on you. So keep it up guys!
DrMmWriter
Date Started: 10/29/25/Wednesday/2:21 PM
Date Ended:
_______________________________________
Prologo
Kung iisipin mo, hindi ko rin naman pinangarap na maging Foodpanda rider habang nag-aaral sa isang elite school. Pero minsan talaga life will slap you with responsibilities you never asked for. And guess what? You just have to ride with it. Just literally.
"Ate Madel, order po for pick-up sa Caffe Alora!" Sigaw ni Kevin. Yung ka-team ko na laging naka-smile kahit under the heat of the sun.
"Copy! On the way na!" Sagot ko habang tinatali yung helmet ko.
It's already 4:30 PM. Rush hour. Ang traffic. Parang relasyon. Hindi gumagalaw kahit anong pilit mo. I started my shift after my last class sa Elite International University. Sikat ang school na ito. Mostly for the rich and powerful. Which means ako lang yata ang nag-iisang estudyante rito na may part-time job as a Foodpanda rider.
Nakakatawa no? Habang yung iba kong classmates nag-aabang ng sundo nilang kotse. Ako naman nag-aabang ng order #4723. Double Choco Espresso.”
I glanced at my phone. 4 deliveries pending. Kaya ko pa ito. Kaya ko ito Madel. Para sa tuition. Para sa future. Para sa bagong cellphone na hindi na biglang nag-a-auto shut down kapag 40% pa ang battery.
"Hi po, order for Caffe Alora!" Sabi ko sa counter habang pawis na pawis pa rin. The barista looked up. "A, yes, for Sir Z. Watson?"
"Z?" I repeated. "As in letter Z?" Curious kong paningin.
She nodded habang inaabot sa akin ang dalawang cup ng espresso na may nakasulat na Z.W. sa takip.
Okay. Whoever this Z.W. is baka isa na naman ito sa mga rich kids na ayaw lumabas ng dorm nila para um-order lang ng kape. Typical.
After securing the drinks sa delivery box ko. Sinilip ko yung address. "Elite International Dorm. VIP Section. Room 708." Binasa ko yung nakasulat.
Napataas ang kilay ko. VIP Section? Aba, may VIP section pala yung dorm? Samantalang ako tatlong beses nang tumutulo ang kisame sa bed space ko sa labas ng campus.
Habang nagmo-motor ako. Napatingin ako sa rearview mirror. Pawis, messy hair, haggard face. Yup, definitely pang cover ng buhay ng isang working student documentary. Pero okay lang. Kasi habang yung iba nagra-rant sa social media na nakakapagod ang walang ginagawa. a
Ako naman napapagod sa totoo.
Pagdating ko sa VIP Dorm gate. Pinigilan ako ng guard.
"Miss, deliveries are not allowed beyond this point." Hinarang ako ng guard.
"Sir, Foodpanda, po. Room 708. Urgent delivery." Ipinakita ko sa kaniya yung address na binasa ko kanina lang.
"708?" Tinaasan niya ako ng tingin.
"A, kay, Watson." Nagpitik siya ng daliri niya.
"Watson?" Ulit ko.
"Si Zach Watson. Anak ng may-ari ng school." Mahinahon niyang sambit.
I froze for a moment. Wait lang. Watson? Anak ng may-ari? Oh no. So ibig sabihin itong Z.W. na ito ay...
"P-pwede ko na lang po iwan dito, Sir?" Inilapag ko dito sa mesa ng guard ang order ni Z.W.
"Sure. Ako na ang mag-aabot." Sagot ni manong guard sabay abot ko ng drinks. "Lagyan mo na lang ng note. Baka magalit yung bata kapag malamig na." Patuloy niya sabay abot ng ballpen.
Nagulat ako. "Magalit?"
"Hindi kasi sanay iyon maghintay." Sabay tawa ni manong guard.
Okay. Confirmed. Spoiled brat alert.
Habang naglalakad ako pabalik ng motor. Tumunog yung phone ko. New order. And guess what? Parehong dorm but different room number.
"Room 707. Oh great. Magkakatabi lang yung mga customers ko." Bumuntong hininga ako ng malalim.
Tumingin ako sa langit. "God, bigyan mo ako ng discount sa pagod, please."
Madalas akong mag-deliver around Metro Bayview kung saan halos puro mayayaman ang nakatira. Pero minsan may mga customers din akong relatable. Mga estudyanteng nagtitipid, mga working moms, mga loner na gusto lang ng milk tea para hindi magmukhang sad.
Ako? Ako yung type ng babaeng palaban sa buhay pero soft sa loob. Yung tipong mag-aadjust kahit hindi na dapat. Kasi sanay na akong ako yung kailangang umunawa.
Nang matapos ko yung last delivery. Umupo ako sa gilid ng motor. Tinanggal yung helmet sabay huminga nang malalim.
Ang init. Parang problema sa buhay hindi nauubos.
Then I looked at my university ID. Nakasabit pa rin sa bag ko.
Madelight Gama Aldama. College of Business Management. Maganda pakinggan pero sa totoo lang sa tuwing nababasa ko ito, naaalala ko kung gaano kahirap marating itong university.
Scholar ako. Yes, pero hindi dahil matalino ako. Scholar ako dahil ako yung top delivery service partner ng isang local charity project na sponsor ng Elite International University. Nagkataon lang na may nakakita ng sipag ko sa trabaho at tinulungan akong makapasok.
Hindi ako galing sa mayaman na pamilya. Hindi rin ako sanay sa mga magarbong bagay. Pero sabi nga nila, you don't need luxury to stand out. You just need grit and grace.
At sa ngayon. Iyon lang ang meron ako.
Pag-uwi ko sa apartment. Sinalubong ako ng ingay ng kapitbahay kong si Ate Yanna. "Madel! Ayun na naman yung landlord! Sisingilin tayo ng kuryente!"
"Wait lang po! Magbibilang pa ako ng kita!" Sigaw ko habang binubuksan yung wallet ko.
Three hundred seventy pesos. For a six hour shift.
Hindi masama. Hindi rin maganda. Pero sapat na para sa isang araw na walang gutom.
Pagpasok ko sa maliit kong kwarto. Binagsak ko yung bag sa sahig at tinanggal ang shoes. Then I lay on my bed staring at the cracked ceiling.
"Bakit nga ba ako nandito?" Tanong ko sa sarili ko.
Siguro kasi kailangan ko. Kailangan kong magpatuloy kahit pagod na. Kailangan kong kumapit kahit parang hindi na kaya. Kasi may pangarap akong gustong abutin. Ang mabigyan ng maayos na buhay ang sarili ko at ang pamilya ko.
Sabi ni Mama. "Anak, kahit mahirap, basta marangal, ipagmalaki mo."
Kaya kahit minsan nakakahiya na mag-deliver sa mga kaklase kong may sariling kotse. Ngingiti pa rin ako. Kasi hindi ko kailangang ikahiya ang ginagawa ko.
Kinabukasan. Friday! Last day ng delivery shift ko bago ako magfocus sa finals.
"Order #5312. Double Choco Espresso again. From Caffe Alora. To Elite International Dorm. Room 708." Napahilamos ako ng mukha.
Napahinto ako. Wait. 708? Na naman?
Napailing ako. "Si, Z.W. ulit."
Pangalawang beses na siya umorder this week. Ang arte naman siguro ng taong ito. Siguro kapag medyo matabang lang yung kape nagagalit na.
Pagdating ko sa cafe. Si Kevin ulit ang nag-abot ng order.
"Uy, Madel! Regular customer mo na yata si Zach Watson a." Ngumisi siya.
"S-sino?" Takang tanong ko.
"Si, Zach! Yung anak ng may-ari ng university natin. Yung leader ng HIT4."
I blinked. "HIT4?"
"Yung group ng mga varsity heartthrobs! Zach, Chendrix, Danrel, tsaka Brixzain!" Paliwanag niya habang nag-aayos ng hairnet niya.
"Ohhh." Sagot ko pero hindi naman talaga ako interesado. Wala akong time sa mga campus crush.
Habang naglalakad ako papunta sa dorm. May naririnig akong tili sa paligid. Mga babae sa labas ng gym. May hawak silang banners. May nakasulat pa ng "We love you, Zach!" Ang O-O.A naman nila.
A so siya pala iyon.
Hindi ko pa siya nakikita pero feeling ko kilala ko na agad yung tipo niya. Mayaman, gwapo, spoiled, at feeling na lahat ng gusto niya ay makukuha niya.
I shook my head. "Good luck sa future mo, Z.W. Hindi mo ako customer forever."
Kinagabihan. Habang tinitingnan ko yung delivery history sa app. May napansin akong kakaiba. Sa pinakahuli kong order may naka-attach na tip. ₱500.
"What the--- Five hundred?!" Tumakip ako ng bibig ko.
Sino namang normal na tao ang magbibigay ng ganito kalaking tip sa isang delivery ng kape lang?
Binasa ko ulit yung order ID. Same name. Same address. Z.W.
Napangiti ako ng bahagya. "Mukhang mayaman nga talaga siya."
Pero agad ko ring binura yung ngiti ko. Hindi dapat ako ma-flatter. Siguro nagkamali lang siya ng pindot.
That night habang tinitingnan ko yung calendar. Napaisip ako. Next week finals na. After that may one-week break bago ang general assembly ng university.
Sana for once may mangyaring maganda. Hindi yung puro pagod at problema na lang ang dumarating sa akin.
Tumingin ako sa labas ng bintana. Maliit lang yung view. Mga ilaw ng city, mga taong nagmamadali sa kalsada, at mga sasakyang paroo't parito.
Somewhere out there may mga taong nabubuhay nang maginhawa, walang iniintindi, at somewhere out there rin... Siguro may taong darating na babago sa takbo ng buhay ko.
Hindi ko pa siya kilala. Pero alam kong darating siya sa tamang panahon.
At hindi ko alam baka siya rin pala yung taong nagpadeliver ng kape sa akin ngayong linggo.