Margaux's POV Hindi ko na talaga alam kung ano bang iniisip ng babaeng iyon. Si Madelight. Sa dami ng babae dito sa Elite International University bakit parang siya pa ang laging nasa paligid ni Yan? Hindi naman siya kagandahan, hindi rin siya mayaman, tapos hindi rin siya sosyal. Pero bakit parang ang dali-dali niyang makalapit kay Yan? Bakit parang siya pa yung palaging kinakausap? I hate it. As in I hate it. Nasa locker room kami ngayon ni Cici. My best friend and the official gossip queen ng campus. She knows everything. Kung sino ang nag-break, sino ang nag-date last night, sino ang may bagong car, sino ang may bagong scandal. Lahat. And today siya rin ang pinakakailangan ko dahil mababaliw yata ako sa selos. "Girl, nakita mo ba sila kahapon?" Bungad ni Cici habang nag-aayos ng li

