CHAPTER 2

1867 Words
SINABING NANG AKIN KA! C2 "Hope, Anong ginagawa mo dito ha?..Akala ko pa naman namamalikmata ako at ano yang ayos mong babae ka?" "Kuya Kent naman, malaki na ako bentedos anyos na ako, kaya ko na ang sarili ko at ano naman ang masama sa suot ko?." Ang sabi ni Hope na nahuli sa akto. "Hindi porket bentedos anyos ka na ay kaya mo na ang sarili mo. Maraming masasamang loob at panganib sa gabi ang nagkalat. Kababae mong tao dis oras ng gabi pakalat-kalat ka pa. At 'yang suot mo mapagkakamalan kang pokpok niyan." Ang sita ni Kent kay Hope na kasalukuyang nagpapatrolya sa kahabaan ng Metro Manila Area. "Eh, kuya Kent naman,.. may bukas bang Bar o Club sa umaga?. Syempre wala 'di ba?, dahil sa gabi lang iyon 'no?. Kaya sa gabi ako pakalat-kalat." Ang sagot nito habang panay ang nguya ng bubblegum at pinapaputok eto pagkatapos palubuhin sa kaniyang bibig. " Hanep din ang katwiran mo ano? Eh, kong sabihin ko sayo na dahil ako ang kuya mo kaya pwede kitang ibitin patiwarik ano gusto mo bang matikman?. Hindi ba't sinabi naman namin sa'yo na delekado sa isang babae ang ginagabi sa kalsada, at hindi ka namin pinapayagan na umatend o pumunta sa lintek na party na 'yan ah. Huwag mong sabihing tumakas ka sa bahay tinakasan mo si kuya Philip mo ano?" "Eh, kaya nga ako tumakas kasi kapag nagpapaalam naman ako sa inyo hindi nyo naman ako pinapayagan nila kuya so, eto it's true, takas lang ang peg." "Peg?.pegpegain ko kaya 'yang tenga mo gusto mo ba?..Hala, umuwi ka ngayon din. Baka maibitin kita diyan sa poste ng meralco ngayon." "Eto naman si kuya Kent oh, napaka." "Napaka ano? Ituloy mo nahiya ka pang babae ka?" "Napaka...gwapo, mabait, mapagmahal, at...saksakan ng sungit daig pa ang babaeng may regla...beehlat... ha!ha!ha!" Ang sagot ni Hope sabay sibat papalayo sa kaniyang kuya Kent. Alam niya kasing itatali talaga siya nito kapag naabutan siya. Sa lahat ng kaniyang mga Kuya's eto ang pinaka masungit,estrikto at tinototoo talaga nito ang kaniyang banta. Minsan na kasi siyang itinali sa haligi ng kanilang bahay nang makipag away siya sa mga kaklase niyang lalaki. " Lokong babaeng 'yon , kong wala lang akong duty ngayon haharapin kita. " "Brad, maganda talaga pala ang lahi nyo 'no? Kong wala lang akong asawa liligawan ko 'yang kapatid mo." Ang wika ng ka body ni Kent na si Joel na tumabi mona ng kinausap ni Kent ang kapatid. "Baka gusto mong sa'yo ko ibuntong ang inis ko ha Joel? At para sabihin ko sa'yo kahit na nagkataong wala ka pang asawa ay malabo kang papasa sa amin, sa akin palang bagsak ka na ." "Aray! Naman, brad ,akala ko pa naman budy budy tayo sa lagay pala ay hindi." "Badehin mo yang mukha mo , oh ano magkwekwentuhan na lamang ba tayo dito o magtratrabaho na?" "Magpapatrol na po kuya baka malaglagan ka pa masisi pa ako ha!ha!ha!" Sabay karipas ng takbo din ni Joel na panay ang halakhak." **** Sakay ng jeep pauwi sa kanilang bahay si Hope ng hindi sinasadya ay nahagip ng kaniyang mga mata ang kaniyang kuya Winston ang pinakamatanda nilang kapatid. Papasok eto sa isang Club na malapit lamang sa mga daanan ng sasakyan. Hindi siya pwedeng magkamali ang kuya Winston niya iyon . "Mahmah para po, sa tabi lang po." Agad na pinara at bumaba si Hope at patakbong sinundan ang kaniyang kuya sa loob ng Club na iyon. Hindi din niya napansin ang karatula ng Club. Dahil ang mas importante sa kaniya ngayon ay ang masundan ang kapatid. Hindi niya nabasa na ang pangalan ng Club na iyon ay Midnigt desires Night Club. "Huli ka ngayon sa akin kuya Winston. Ngayon malalaman ko na kong ano talaga ang trabaho mo ." Ang sabi niya sa sarili habang sinasagasa ang maraming mga tao sa loob. Palinga-linga siya sa paghahanap sa kapatid. Medyo madilim ang lugar , maingay ,malakas ang musikang umaalingaw-ngaw sa loob nuon. Mausok at ang ikinalaki ng kaniyang mga mata ang mga babae sa harapan ng entablado. Na halos wala nang mga suot na damit habang malanding umiindayog sa maharot na tugtugin. Naghihiyawan ang halos lahat ng mga kalalakihan na naruruon. Dahil naguumpisa na ang mga babae sa entablado na alisin ang mga suot nilang bra at panty. Napatigil naman si Hope sa paglalakad sandaling nakalimutan ang kaniyang pakay ruon. Isa na siya ngayon sa mga nanunuod at na eexcite sa tuluyang paghuhubad ng mga babaeng mananayaw. Nang may biglang umakbay sa kaniyang mga balikat kaya napalingon siya. "Mas malaki ang sayo, mukhang mas masarap at sariwa, kesa sa kanila anong pangalan mo baby? ." Ang sabi nito na nakangisi amoy alak at sigarilyo. Sa tantiya niya ay nasa kuwarenta mahigit na ang edad nito. May makapal na begote at maraming balong malalim sa pisngi nito na namumula at naglalangis. Agad namang inalis ni Hope ang braso nitong umakbay sa kaniyang balikat at pumipisil pisil. Umiwas siya o dumistansya sa lalaki lumayo siya sa kaniya. Ang akala niya ay okay na, pero nakita niya etong lumalapit muli sa kaniya. Nabahala si Hope pero pilit na ikinalma ang kaniyang sarili. "Magkano ba ?" Ang nakangiting tanong nito sa kanya na parang hinuhubaran na siya sa tingin pa lamang nito ng muli etong makalapit sa kaniya. "Ho?..anong magkano? Hindi naman ho ako nagtitinda dito. Nakikita nyo naman wala naman akong anomang hawak kaya malinaw wala ho akong itinitinda ." "Ha!ha!ha! Magaling ka din palang magtapatawa. Halika na at nang makarami. Sa itsura mong 'yan segurado akong ihi lang ang pahinga natin." Ang sabi nito sabay hablot ng kaniyang braso at pilit na inaakbayan siya. Pak! Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Hope sa mukha ng lalaking matanda, at mabilis na nagtatakbo. Ang buong akala niya ay ligtas na siya sa tinakbuhang lalaki pero biglang may humarang na mga lalaki sa harapan niya. "Saan ka pupunta? Gusto mo bang makipaglaro mona ha?" Napalingon si Hope at nakita niya ang lalaking tinakbuhan at sinampal. Nakalimutan tuloy niya ang mga lalaking humarang sa kaniya kanina. Na ngayon ay hinawakan na ang magkabila niyang mga braso. "Bitawan nyo ako?..Kong hindi sisigaw ako?" "Ha!ha!ha!..ganun ba Miss? sige sumigaw ka. Kilala mo ba ako ha?" "Pakialam ko sa'yo manyak ka." Ang mataray na sabi ni Hope. "Tama ka baby ,talagang manyak ako at matitikman mo ang kamanyakan ko mamaya lang he!he!he!...Sige bitbitin nyo na yan sa sasakyan at susunod na ako ." Ang utos ng bastos na lalaki sa mga lalaking may hawak hawak kay Hope. Mukhang mga tauhan niya ang mga eto. "Bitawan nyo ko!...bitawan nyo ko sabi eh, ano ba?" Nagpupumalag si Hope na makawala sa mga kamay na bumibitbit sa kaniya pero wala siyang nagawa. Malalaking tao ang mga eto at mga mukhang sanggano. "Kuya Winston asan ka na ba? Hu!hu!hu!" Umiiyak na siya dahil ngayon na kinain ng takot ang kaniyang buong sestema. Dinala siya ng mga lalaki sa parking lot kong saan nakaparada ang sinasabing sasakyan nong lalaking sinampal niya. At nang binitawan siya ng isang lalaking may hawak hawak sa kaniya ay hindi niya sinayang ang pagkakataon . Upang makawala sa pagkakahawak sa kaniya ng isa pang lalaki ay tinuhod ni Hope, ang harapan nito dahilan upang bitawan siya nito. Mabilis siyang nagtatakbo sa hindi niya malamang dereks'yon basta ang nasa isip niya ay makalayo sa mga lalaking humahabol. "Lord, Tulungan nyo po ako. Ipinapangako ko kong sino man ang makakatulong sa akin ngayon ay aasawahin,pakakasalan,paglilingkuran,papakainin, at mamahalin ko ." Ang nasambit sa sarili ni hope na umaasang papakinggan ang kaniyang panalangin. "Seryuso?..Oo naman no, dyo's ko maisip ko lang na mararape ako ng lalaking iyon ay nasusuka na ako. Kahit sinong lalaki diyan basta 'wag lang duon." Hanggang sa kamuntikan na siyang matumba dahil nabangga niya ang isang matigas na bulto na katawan ng isang tao. Mabuti na lamang ay naagapan ang kaniyang kamay na abutin, bago siya tuluyang bumagsak patalikod sa sementadong sahig. "T-tulungan nyo po ako may humahabol sa akin please ho!." Pagkasabi nito ay sabay yakap ng mahigpit sa katawan ng lalaki. Wala siyang pakialam basta ang alam niya kailangan niya ng tulong. "Ibigay nyo sa amin ang babaeng 'yan kong ayaw nyong madamay." Ang mayabang na wika ng isa sa mga lalaking humahabol sa kaniya. Si Hope naman ay lalong nagsumiksik sa dibdib ng kayakap sa subrang takot niya. Nakiramdam siya sa paligid napakatahimik. Pero mas napansin niya ang tila adobeng dibdib ng kayakap niya ngayon at ang kakaibang bango nito masarap sa pang-amoy ni Hope. Napangiti siya at inamoy amoy ang kayakap. "Ang hot ng amoy lalaking lalaki ." Dahan dahan niyang iniangat ang kaniyang mukha upang tingnan ang mukha ng lalaking kayakap. Nakalimutan na ni Hope ang tungkol sa mga lalaking humahabol sa kaniya. Okupado na eto ng lalaking mabango at matigas, na salubong ang mga kilay sa pagkakayakap ni Hope dito. Para namang nag slowmotion ang lahat para kay Hope, ng sa pagtingala niya ay makita niya ang isang napaka gwapong lalaki. Makinis ang kutis , magandang hugis na labi, matangos ang ilong, magandang hubog ng jawline, at nang yumuko eto upang tingnan din siya ay mas lalo pa siyang napahanga. Buong buo niyang nakita ang mukha nito na halos wala kang maipipintas dito. Napanganga talaga si Hope, habang nakikipagtitigan sa lalaking kaharap . Isang dangkal lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. " Umalis na kayo kong ayaw nyong magkaputukan tayo dito. Pero seneseguro namin sa inyo kayo ang unang matutumba." Napalingon sa kaniyang likuran si Hope ng may marinig na boses. Saka lamang niya naalala ang mga lalaking tinatakasan na nasa likuran nga lang pala niya. Nang makita ni Hope ang mga hawak hawak na baril ng tila mga kasama ng lalaking kayakap niya, at nakatutok sa mga lalaking humahabol sa kaniya ay nanlambot siya. Hindi lang isang baril ang nakikita niya halos lahat ay may hawak hawak na baril. Nagtututukan sila sa isat-Isa at pawang mga handang mamatay. "Ibaba ninyo ang mga baril ninyo hindi nyo ba siya nakikila si Mr. Ryo Hamada 'yan." Ang lalaking umakbay kay Hope kanina na kararating lang. Sinunod naman kaagad ng mga lalaki ang utos nito. "Pasens'ya na Mr. Ryo, nagkamali ang mga tauhan ko. " Ang hinging paumanhin nito at nag bow pa sa tinawag na Mr.Ryo. Nababakas sa mukha at kilos nito ang matinding takot. "Hindi nyo ba siya nakikilala ? Mga gunggong" Ang galit na wika nito sa kaniyang mga tauhan at mabilis na nagsipag-alisan na parang nakakita ng mabangis at malaking Leon. Tumalikod na si Mr.Ryo at naglakad na papunta sa dumating nitong sasakyan. Mabilis din namang sumunod sa loob ng sasakyan si Hope na ikinagulat ni Mr.Ryo. "What the hell are you doing here?" Ang tanong nito na nagtataka. "Ryo ang pangalan mo hindi ba?" Ang nakangiting tanong din ni Hope na kumiskislap ang mga mata. Nagawa din niyang ilapit ang katawan dito at hawakan ang braso nito na parang matagal na silang magkakilala. "Get out?" "Ako si Hope De Asis, twenty two years old , Isang nurse. Ulila na sa mga magulang at may apat na mga kuya's. Glad to meet you my King " Ang nakangiting pagpapakilala ni Hope kay Mr.Ryo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD