CHAPTER 3

1848 Words
"TAKE THIS GIRL OUT OF HERE?" Ang ma-awtorisadong utos ni Mr. Ryo sa kaniyang mga tauhan. Pero sa halip na masindak ay ngumuti ng pagkatamis-tamis si Hope kay Mr.Ryo. Hindi niya inaasahan ang biglang ginawa ng dalaga. Mabilis kasi siyang sinunggaban at hinalikan sa kaniyang pisngi. Kamuntikan pang sa labi niya eto dumapo. Pagkatapos siyang mahalikan ay hindi pa inilalayo ni Hope ang kaniyang mukha sa lalaki. Masaya siyang nakangiti kay Mr.Ryo, habang ang mga mata niyang bilugan ay hindi inaalis sa magandang mata din ng lalaki. Nagkatitigan silang dalawa, parang may nagaganap na labanan kong sino ang unang kukurap ay siyang magiging talo. "Ahm, Boss, andito na si Winston." Sabay pa ang dalawa na tumingin sa gawi ng taong nagsalita. Si Peter iyon, ang personal driver ni Mr.Ryo. Nakaupo eto sa harapan ng manibela. Pumasok si Winston sa loob ng sasakyan at naupo sa harapan ng sasakyan katabi ni Peter. "Kuya Winston?" "Hope?" "ANONG GINAGAWA MO DITO?" Ang halos sabay nilang tanong sa isat-isa. ************** "Pasensya na Boss Ryo. Medyo may pagka-pilya kasi ang kapatid kong iyon. Hindi ko nga din alam paano siya napunta sa lugar na iyon. Ang pag-kakaalam ko ay nasa bahay siya at natutulog na dapat. "Alam mo bang muntik ng mapahamak ang kapatid mo. Kong hindi niya ako nakasalubong paano na?" "Iyon nga ang ikinagagalit ko Boss. Hindi ko alam kong ano ang aking gagawin, kami ng aking mga kapatid sa oras na may nangyaring masama sa kanya. Salamat talaga at nakita mo siya." Nakauwi na ng bahay si Mr.Ryo, at kausap niya si Winston. Samantalang si Hope naman ay nakaupo sa isang tabi at nakatitig lang kay Mr.Ryo. Hindi niya alintana ang kaniyang galit na kuya Winston. "Hope....Hope." Ang tawag ni Winston sa kapatid. Ngunit hindi yata siya nito narinig. Kaya inulit niyang muli ang pagbigkas sa pangalan nito. At sa wakas ay nadinig na din siya ng dalaga. " Ano 'yon kuya Winston." "Alam mo ba kong ano etong ginawa mo? Muntik ka nang mapahamak ng hindi namin nalalaman. Alam mo ba 'iyon? Naku naman Hope matanda ka na mag-isip ka ng maayos." "Kuya Winston, tapos na. Nangyari na. At okay naman na ako hindi ba. Sa ganda kong 'to at bata pa, gusto nyong ikulong ako sa bahay. Syempre gusto ko din namam maranasan ang mga nararanasan ng ibang mga kasing edad ko. Malay mo bukas o sa hindi natin alam na araw, bigla akong mamatay. Eh, 'di pagsisihan ko sa kabilang buhay kong bakit hindi ako naging matapang na gawin ang nga bagay-bagay na gusto ko. Walang nangyaring masama sa akin. Kaya cool ka lang. Sige ka alalahanin mo wala ka pang girlfriend." "Pambihira ka talagang babae ka, kong ano-ano yang tumatakbo sa isipan mo. Dapat ang pangalan mo ay hindi Hope, dapat pala Hopeless. At paano naman napunta sa pagkakaruon ko ng girlfriend ang usapan natin Hope? At anong kinalaman 'non." Halos kita na ang ugat sa leeg ni Winston habang senesermunan ang kapatid. Si Mr. Ryo naman ay tahimik na nakikinig sa usapan ng dalawa habang kunyari ay abala sa kaniyang cellphone. Pinipigilan nito ang tumawa. "Kuya, simple lang. Dadami ang kulubot mo sa noo, gusto mo bang mapagkamalang lolo. Ikaw din, ma's lalong walang magkakagusto sa'yo. Sayang ka naman kuya Winston. Baka tuluyan ka nang hindi makatikim ng tinatawag nilang, teka ano ba 'yon?...ah, alam ko na. Luto ng langit. Oo iyon nga." Napatawa na ng tuluyan sa tabi si Mr.Ryo. Pero nang mapansin siya ng magkapatid ay inihinto ang pagtawa. "Bukas mo na siya ihatid Winston. Malalim na ang gabi. Maraming kwarto sa itaas pwedeng matulog duon ang kapatid mo. " Pagkasabi nito ay iniwanan na niya ang magkapatid at umakyat na eto sa kaniyang sariling silid. "Halika nga ditong babae ka. Ikaw talaga ang sanhi kong bakit ako maagang mamamatay. Mamamatay ako sa konsomisyon sayo. Napaka-loko mo. Kong ganyan ka ng ganyan baka wala rin magkagusto sayo, at kong meron man baka isauli ka ka-agad sa amin." "Kuya Winston. Lahat tayo ay may tadhana. Kong iyon talaga ang nakatakdang mangyayari sa buhay ko ay wala akong magagawa. Tadhana ko iyon eh. Kaya, be happy lang dapat tayo hanggat kaya natin. Find your own happiness ika nga. And kuya saan ba ang magiging room ko dito? Tara puntahan na natin at ako ay biglang inantok na." Naghikab na si Hope. Pinagmasdan siyang mabuti ng kaniyang kuya Winston. Hininto na lamang niya ang panenermon sa kapatid, at hinimas-himas ang ulo nito. Napayakap naman si Hope sa kaniyang kuya at naglambing. "Ang bango-bango talaga ng kuya Winston ko. Swerte ng magiging girlfriend mo kuya ang macho mo kasi eh." "Ows, kanina lang sabi mo wala nang magkakagusto sa akin, ngayon naman swerte nang magiging girlfriend ko alin ba talaga ang totoo diyan." "Both. He!He!he!" Ang natatawang sagot ni Hope. "Halika na at dadalhin kita kay Manang Sita, siya ang mayordoma sa mansion na 'to. Siya ang maghahatid sayo sa kwartong tutulugan mo. Nasa kaniya din kasi ang susi. " "Kuya napakayaman palang talaga ng Boss mo ano. Hindi lang siya mayaman, napaka-gwapo din nya. May asawa na ba siya at mga anak?" Ang madaldal na tanong ni Hope sa kapatid habang papunta sa kaniyang magiging silid. " Wala pang sariling pamilya si Boss Ryo." "Ah ganon ba. Eh, Kuya girlfriend mayruon na ba? Sa itsura niyang iyon seguradong madaming nakapila tama ba?" "Hindi ako nakikialam sa pribadong buhay niya. Pero ang masasabi ko lang sayo ay hindi siya kulang sa babae. Ibig kong sabihin kong kinakailangan niya ng babaeng magpapainit ng kaniyang kama ay maydarating agad-agad sa kanya. Sinabi ko na yan sa'yo dahil nurse ka naman , Hindi ka na inosente pagdating sa bagay na eto. Isa pa kilala kita. Alam kong hindi mo ako titigilan hanggat hindi nasasagot ang mga tanong mo." Natahimik na si Hope at hindi na nagsalita pa hanggang sa makasalubong nila sa ika-tatlong palapag ng mansion ang mayordomang si Manang Sita. "Oh, Winston siya ba ang kapatid mo? Aba't maganda palang talaga ang lahi nyo. Maganda siya, maamo ang mukha.". "Opo, Manang Sita. Siya si Hope ang nag-iisa kong kapatid na babae. Dito daw siya matutulog sabi ni Boss Ryo. Bukas pa niya kasi kami pinapayagang umalis." "Oo, sinabi na sa akin ni Sir Ryo. Ipinahanda ko na ang silid mo Hope. Halika sumunod ka na sa akin." "Hope, mauna na ako at may aasikasuhin pa ako dapat. Nahinto lang ng dahil sayo sige na sumama ka na kay Manang Sita." "Okay kuya magkita na lang tayo bukas ng umaga." Tumango naman si Winston, at iniwanan na ang kapatid kay Manang Sita. "Manang Sita, sure ka bang dito ako?" Ang paniguradong tanong ni Hope. Nang mabuksan kasi ang isang pintuan na tinapatan nila ay namangha siya sa itsura. "Oo naman. Eto ang sabi ni Sir Ryo dito ka daw. Nagtataka nga ako dahil eto ang pumapangalawang pinakamalaki at pinakamaganda na kwarto sa mansion na 'to eh.' "Talaga po? Eh, Kaninong silid po yong first kay Ryo ba? At saan po ang silid niya dito? Ang dami kasing pinto." "Oo. Ang master bedroom ay ma's malaki lang ng konti dito. Ang kwarto ni Sir ay ayan katabi lang ng kwarto mo." "Talaga po?" Ang masayang nasambit ni Hope. "Alam mo bang mula ng itinayo ang bahay na'to wala pang gumagamit nitong kwarto. Kahit kay Ma'am Laura ay hindi eto pinapagamit ni Sir Ryo sa kanya. "Ma'am Laura? Sino po siya Manang Sita? kapatid niya?" "Naku hindi Hope. Si Ma'am Laura ay isa sa nga babae ni Sir. Pero siya yata ang pinaka-paborito ni Sir Ryo, kasi siya ang palaging nandirito." "Ah." Ang nasabi lang ni Hope. Medyo nawalan siya ng gana ng malaman ang tungkol kay Laura. Napansin naman eto agad ni Manang Sita. Ngumiti tuloy eto ng palihim. "Iwan na kita hope at babalik na ako sa aking pagtulog. Goodnight ." "Opo, Goodnight din po. Salamat." Parang nalanta ang katawan ni Hope, kaya napahiga na lamang siya sa malambot na kama. Tumingala sa magandang kisame. "Marami na siyang babae sa buhay, at may Laura na paborito pa niya. Samantalang ako, Hindi ko alam kong saan ako magsisimula. Hindi ko alam kong paano ko makukuha ang kaniyang pagtingin. Pero hindi ako magpapatalo.Tapos na ang panahon ni Maria Clara. Panahon na ng makabagong melenyo.Tama. Ang sabi nga eh, Kong may gusto ka abutin mo, kuhanin mo. Dahil hindi eto kusang lalapit sayo. Dapat mong paghirapan at pagsikapan na makuha. Walang nananalo sa labanan nang hindi lumalaban." Biglang bumangon si Hope sa pagkakahiga, pinuntahan ang salamin na nakita niya sa loob ng kwartong iyon. Pinagmasdan ang sariling replika at sinuri ang kaniyang mukha at body shape at pagkatapos ay ngumiti. "Huh! May panlaban ka naman pala Hope De Asis. Well, umpisahan na ang iyong misyon. " May ngiti sa labing lumabas ng kwarto si Hope. Pumunta sa katabing kwarto at kumatok. Ilang katok ang kaniyang ginawa ng magbukas eto. Pero para namang nakakita ng multo si Hope ng humarap sa kanya ang lalaking pakay. Biglang nanigas sa kinatatayuan at nauhaw. "Yes, Hope may kailangan ka?"Ang seryosong tanong ni Ryo, habang hawak ang pintuan, at nakaharang ang kanyang hubad na katawan. Tanging boxer shorts lang ang suot nito. "HOPE. Sabi ko anong kailangan mo?" Madiing tanong ni Ryo na nakatitig sa dalaga. "Huh, ah, eh a-ano kasi." "Ano?" "MWUAH!...Goodnight! " Ang nakangiti at mabilis na ginawa ni Hope. Nagmamadali etong umalis sa harapan ni Ryo at pumasok ng kaniyang kwarto. Naiwang gulantang naman si Ryo, sa ginawa sa kanya ni Hope. Napahawak pa siya sa kanyang labing hinalikan ng dalaga at napangiti at umiling-iling. "Ibang klase tssk!tssk!" Sa kwarto ni Hope, ngiting wagi naman eto, at hindi pa natutulog. Yakap-yakap ang isang unan na iniimagine niyang si Ryo. Sabagay hindi naman siya masisisi kahit sino yatang lumagay sa kaniyang sitwasyon kanina lamang ay seguradong hindi na kailangan pang matulog. Daig pa niya ang nanalo sa lotto. Nakahalik na nga siya, nasilayan pa niya ang sumisigaw na muscullar hunk body ni Ryo .Broad shoulders, well developed chess, narrow waist and hips. And muscular arms and legs. Samantalang sa kwarto din ni Ryo, ay hindi rin siya makatulog. Okupado ng kapatid ni Winston ang kanyang isipan. Mula nong makita niya eto, at mabangga siya ni Hope. Nang mag-tama ang kanilang mga mata, at ang nakakagulat na asal nito sa kanya. Sa bawat pagpikit ng kaniyang mga mata ay ang magandang mukha ng dalaga ang nakikita niya. Nakangiti eto at nakikita din niya ang mapula-pulang labi nito na parang kaysarap angkinin. Pinilig-pilig niya ang kaniyang ulo. At sa bahay naman ng mga De Asis ay nagkakagulo dahil natuklasan nilang wala duon ang kapatid na si Hope at hindi rin eto makontak pati na si Winston. Alalang-alala na ang magkakapatid, hindi rin sila nakatulog dahil sa paghahanap. Hindi rin naman kasi sinabi ni Winston sa mga kapatid nila na nakita at nasa kanya si Hope. Gusto niya silang turuan ng lek'syon dahil nalusutan sila. Galit siya dahil kamuntikan ng may mangyaring masama sa nag-iisa nilang kapatid na babae dahil sa kapabayaaan ng ibang mga kapatid na nasa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD