SINABI NG AKIN KA C4
"Sa susunod na ulitin mo pa yan Hope ,makikita mo poposasan na kita at ikukulong ng magtanda ka. Alam mo bang buong gabi ako naghanap sa'yo ha babae ka. Halos lahat ng Resto Bar dito sa Maynila pinuntahan ko at ginalugad ko mahanap lang kita." Ang sabi ni Kent.
"Pasensya na Kuya Winston nakalusot sa amin si Hope. Sadyang matigas talaga ang ulo niyan. Ang buong akala kasi namin ay wala na sa kanyang isip ang pumunta sa party ng kaibigan niya kagabi....Wala eh, pwedeng maging artista ang kapatid natin. Ang galing umakting napaniwala kami." Ang sabi naman ni Philip na masama ang titig sa kapatid na nakaupo sa sofa.
Walang ka kibo-kibo si Hope, at nakayuko. Isang maamong tupa siya ngayon na nakikinig sa kaniyang mga Kuya. Kong alam lang ni Hope na inaway ni Kuya Philip niya ang girlfriend nito ng dahil sa kanya. Kong hindi daw eto nag-asal bata na nagpabili ng french fries sa kanya sa isang fastfood chain kagabi eh sana daw hindi nakatakas si Hope. Hindi siya umalis kagabi ng bahay.
"Oh ano ngayon ha Hope, dahil sa katigasan ng ulo mo kamuntikan ka nang ma-rape at baka patayin ka pa ng mga gagong 'yon. Wala kaming kamalay-malay dito sa bahay na pinag-pyestahan ka na pala. Buti na lang talaga nakita mo ang Boss ni Kuya Winston. Kong hindi ay baka nagtagumpay sila sa masamang balak nila sayo. Ulitin mo pang gawin 'yan kong swertehin ka pa." Ang sabi naman ni fortune na halatang galit pero subrang nag-alala sa kapatid.
"Akala ko nagtanan ka na eh. Sabi ko nga sa kanila baka sa kagustuhan mong maging malaya ay naisipan mong mag-asawa bigla. Ang sabi ko nga din sa kanila uuwi ka din kapag may anak ka na." Ang sabi ulit ni Fortune.
"Tanan? Paano naman ako magtatanan kuya Fortune eh, wala naman akong boyfriend pa. Masyado ka namang advance mag-isip. Syempre kailangan mo monang magtanim at kapag hinog na saka lamang aanihin. Walang instant ngayon. "
"Anong tanim-tanim na naman 'yang pinagsasabi mo Hope? Anong kinalaman 'non sa pagtatanan na sinasabi ko."
"Kuya , simple lang naman. Ang pag-aasawa ay hindi ganon kadali iyon. Hindi nabibili sa tindahan sa kanto na kapag kailangan mo ng ka-tanan ay bibili ka na lang. Kailangan dumaan mona sa proseso. Una, syempre iisip ka, ano ba ang feel mong itanim, anong klaseng buto ganon. Pipili ka mona kong sino ang gusto mong lalaki iyong feel mo syempre."
Seryosong nakikinig ang mga kapatid ni Hope sa kanya. Para siyang isang gurong nagbibigay ng lecture sa kaniyang mababait na mga estudyante. Lahat ay tahimik at nakatingin lamang sa kanya.
Secondly mga kuya's , syempre kapag may napili ka nang buto ay itatanim mo na yon hindi ba? At syempre kapag may itinanim ka kailangan alagaan mong mabuti paghirapan mo hanggang sa pwede ng anihin. At lastly kapag hinog na ang bunga o ang relasyon nyo anihin mo na. Magtanan o pakasal kayo ay pwede na. Tama ba mga Kuya's kong minamahal?"
Nagkatinginan ang mga lalaking kapatid ni Hope. Hindi kasi nila kinakaya ang takbo ng utak ng kapatid. Nasa sala silang lahat, at ka-uuwi lang nilang dalawa ni Winston. Halata sa tatlo ang mga walang tulog. Hindi rin pumasok si Fortune sa trabaho dahil nga kay Hope. Alas 8:00 am na ng umaga kasi ng dumating sina Winston at Hope sa kanilang bahay.
At duon lang sila nakahinga ng maluwag ng makita siya at kasama si Winston. Nanermon naman agad si Winston sa tatlong lalaking mga kapatid at sinabi ang nangyari kay Hope.
"Excuse me mga minamahal kong kuya's , tapos na ba kayo? Kailangan ko na kasing mag-ayos para pumasok sa trabaho eh. Malalate na kasi ako."
Nagkatinginan ang apat na Kuya ni Hope at sabay-sabay na bumuntong hininga. Tanda na sumusuko na sila. Hindi nila kaya ang pag-iisip ng kanilang kapatid.
Tumayo si Hope mula sa pagkakaupo sa sofa at isa-isang nilapitan ang mga kapatid. Niyakap ni Hope sila isa-isa at humingi ng sory.
"Kuya Philip, sory! and I love you so much!...Kuya Kent, sory! And I love you so much din..…..Kuya Fortune, sory! And I love you so much din. Salamat sa pag-aalala, nagkamali ako. Sorry talaga." Humupa na ang inis ng mga kapatid ni Hope. Malambing kasi si Hope sa kanila at alam din nila na hindi nila kayang tiisin ang kapatid.
"Sige na pumunta ka na sa kwarto mo, at magbihis. Isasabay na din kita babalik pa ako sa Trabaho ko." Ang sabi na lang ni Winston.
*****
"Honey, ahhhh! f**k me more ohhh! s**t ahhh! Your so good ahhh!" Ang malanding ungol ng isang babae. Habang dinadama ang kahabaan at p*********i ni Ryo.
Lagapakan ng mga balat at mga makamundong halinghing ang maririnig sa kwarto ni Ryo. Nasa malapit nang tagumpay si Ryo sa pakikipagtalik kay Laura. Mabilis at madidiin ang kaniyang ginagawang paglabas masok sa p********e ni Laura, na nuon naman ay tirik na tirik na ang mata sa subrang sarap na pinapalasap sa kanya ni Ryo. Subrang higpit ng pagkakakapit niya sa leeg ng binata.
"Ahhhhh!" Ang mahabang pagpapakawala ng ungol ni Ryo ng siya ay labasan ng kaniyang katas. Hingal na hingal na umalis sa ibabaw ni Laura at nahiga ng maayos. Binabawi ang lakas at normal nang kaniyang paghinga. Sumiksik naman agad sa kaniyang katawan si Laura.
"Honey, I love you!" Ang sambit ni Laura sa leeg ni Ryo. Nakapikit lamang si Ryo at nakatulog..
Lumipas ang mga araw nasa harapan si Ryo ng kaniyang mga pinagkakatiwalaang mga tauhan sa isang silid sa mansion na itinalaga niya para sa ganitong pagpupulong. Eto ang kaniyang opisina sa loob ng bahay. Bukod sa Hamada Enterprises Company.
"Boss Ryo, Nakausap ko na si Mr.Wang at pumayag naman siya sa offers mo. Payag na din siyang magkita kayo mamayang gabi sa paradise Club mga 10:00pm."
"Bakit sa Paradise Club na naman. Marami namang iba bakit duon ulit? Ano sa palagay mo Winston ang dahilan?"
"Sabi ng Spy natin duon, wala naman daw dapat na ipag-alala. Baka sa isip niya bakit pa lalayo kong may sarili naman siyang lugar. Ayon sa Spy natin parang gusto ka daw maging kaibigan ni Mr.Wang. Bukod sa tatlong luxury cars na bibilhin niya sa'tin."
"Ganun ba sige, sabihin mo darating ako. Ihanda ang mga tauhan nating sasama mamaya at mag-lolook up satin."
"Okay boss."
"Rambo, kumusta naman sa pabrika okay ba ang lahat duon?" Si Rambo ang isa ding pinagkakatiwalaang tauhan ni Ryo. Hawak nito ang pabrika na pagawaan ng mga tela at sinulid. Isa sa mga negosyo ni Ryo.
"Boss Ryo, may kaunting problema lang. May mga nasirang makinarya kanina, pero kumuha na ako ng mga kapalit. Luma na rin naman ang mga iyon kaya seguro bumigay na."
"Seguro nga. Sige na Dissmis, kailangan ko ng pumasok sa opisina. Maraming nakatambak sa akin na trabaho duon.
Nag-bow ang mga tauhan ni Ryo sa kanya kabilang sina Winston at Rambo bago lumabas ng silid na iyon. Habang sabay na naglalakad palabas ng mansion ang dalawa ay humabol naman si Josh sa kanila. Ang personal assistant ni Ryo.
"Ano bang nangyayari kay boss Ryo? Panay ang patawag ng mga babae nya sa akin. Halos araw-araw nagpapalit at hindi mabakante. "
"Bakit kami naman ang tinatanong mo hindi naman namin kasama si Boss Ryo, sa loob ng bente kuwatrong oras. May mga pinapagawa din sa amin kaya palagi din kaminga nasa labas. Lalo na ako bantay sa pabrika. Malay ba namin kong ano ang tumatakbo sa isipan non. Ikaw ba Winston alam mo ba?" Saad ni Rambo.
"Hindi ko alam, at wala akong pakialam. " At tuloy-tuloy lang si Winston sa paglalakad. Ganito naman talaga ang ugali niya.Tahimik at seryosong tao. Mahilig din mapag-isa at hindi mahilig sa mga kasiyahan. Pero ganon pa man magaling eto magtrabaho malinis ika nga ni Ryo at maasahan. Siya ang tipong kahit pahirapan at patayin ay hindi magsasalita o hindi ka ipagkakanulo.
"Eto talagang si Winston hindi na nagbago. Palibahasa walang babae sa buhay. Kaya seguro walang kulay ang mundo niya. Hindi naman seguro siya bakla no?" Ang hirit
"Ha!ha!ha!.Gago, Madinig ka niyan lagot ka ang sambit naman ni Josh..
******
"Sinabi na ngang nakapasok na ako sa loob at diyan pa nga ako natulog. Kapatid ako ni Winston De Asis. At kilala ako ng Boss nyo. "
"Miss, umalis ka na lamang ng maayos dito para sa ikabubuti mo sige na."
"Bakit ba kasi ayaw nyo akong papasukin ha? Sinabi ko naman ang pangalan ko pati ID ko pinakita ko naman ."
"Miss Hope , Hindi kami basta-basta nagpapasok dito ng walang sinasabi sa amin si Boss Ryo. Kahit si Ma'am Laura nga ay hindi basta-basta pwedeng pumasok 'yon dito ng hindi sinasabi ni Boss Ryo. Kaya kahit kapatid ka pa ni Winston hindi pa rin pwede. Sige na umalis ka na bubuhos na ang ulan at umuwi ka na din sa inyo gabi na."
Nasa harapan ng malaking Gate ng mansion ni Ryo si Hope, umaasang makakapasok siya sa loob. Hindi naman niya kasi akalain na super higpit pala sa pagtanggap ng bisita dito.
Hindi na siya nakipagtalo pa at tumingala sa langit. Tama nga naman sila gabi na at tila may malakas na ulan na babagsak.
"Hindi maaari. Dalawang linggo ko nang hindi nakikita ang Hubby ko at eto lamang ang paraan para makita ko siya. Hindi ako maaaring sumuko hihintayin ko siya.
"Mga Boss, baka may payong naman seguro kayo ano, pwede bang ipahiram nyo sa akin mona hahantayin ko na lang dito ang boss nyo. Seguro naman hindi bawal 'yon."
"Ano?_ pambihira ka naman. Bukod nga sa gabi na ay uulan pa ng malakas. Umuwi ka na lang."
"Mga kuya hindi ako pwedeng sumuko sa laban ng hindi ko sinusubukang lumaban. Atin-atin lang 'to ha , Alam nyo ba kong bakit ako nadirito ha?"
"Bakit nga ba?"
"Secret lang natin eto mga bosing ah. Kasi gusto ko siyang ligawan at mapa-ibig sa akin . Paano ko siya liligawan kong hindi ko alam kong saan ba siya nagpupunta. Kaya heto naisip ko mas maganda kong dito sa mismong bahay ko siya ligawan." Ang buong kompyansyang sabi ni Hope sa dalawang guard sa Gate.
"Ha!ha!ha! " Hindi mapigilan ng mga guard ang tumawa sa mga sinabi ni Hope.
"Hey,hey,hey,..Ano pong nakakatawa duon aber?"
" Nakakatawa ka kasi. Unang -una maraming babae si Boss Ryo, lahat magaganda at sexy. Pangalawa napaka inosente mo masyado, hindi mo alam kong sino ba talaga si Boss Ryo. Ibibigay mo ang sarili mo sa kanya magiging sayang ka lang. Dahil laruan lang kay Boss Ryo ang mga babae ,parausan lang ng init ng katawan. Naiintindihan mo ba?."
"Kapatid ka kamo ni Winston kaya alam din yan ng kapatid mo."
Natahimik si Hope at naglakad papunta sa malaking puno sa gilid ng gate. Hawak ang payong na ipinahiram sa kanya ng mga Guard ay nag-iisip siya.
"Hindi , papatunayan ko sa kanilang lahat na kahit maraming babae si Ryo ay Akin lang siya. Ako ang tanging babaeng makakapasok sa kaniyang puso. Dahil ako si Hope De Asis ay may isang salita. IM YOURS RYO HAMADA, TAKE IT OR LEAVE IT."