SINABI NG AKIN KA C5
"Ibang klase pare, bilib din ako sa fighting spirit ng babaeng 'yan. At napaka-swerte naman talaga ni Boss Ryo, halos lahat ng mga magagandang babae ay nagkakagusto sa kanya. Mapapa sana ol ka na lang talaga."
"Oscar, Hindi na dapat pang pagtakhan 'yon. Sa gandang lalaki ni Sir Ryo, at mayaman pa wala ng hahanapin pa ang mga babae sa kanya. Pero sana din ay maisipan na niyang magkaruon ng sariling pamilya. Nagkaka-edad na rin siya. Kailangan niya ng tagapagmana."
" Fredo, malay mo naman, baka nga hindi natin alam may anak na pala si Boss Ryo, itinatago lang para sa kaligtasan niya. Sa dami ba naman ng mga babae niya ni isa walang magbubuntis imposible."
Nagdedebatihan ang dalawang guard sa mansion ni Ryo, habang nakatingin kay Hope na nasa ilalim ng malaking puno. Dalawang oras na siyang naghahantay duon. Tinitiis ang lamig at ang buhos ng ulan na ngayon ay medyo pahapyaw-hapyaw na lamang.
"Papasukin na ba natin siya dito kawawa naman basang-basa na malakas ang ulan at hangin." Ang wika ni Oscar.
"Oscar, Hindi mo ba nakikita isa siyang sundalong palaban. May sarili siyang laban na gusto niyang harapin at patunayan. Nakikita ko sa kanya kakaibang babae siya. Hindi siya basta-basta lang, maniwala ka." Ang wika naman din ni Fredo habang nakatingin sa kinaroroonan ni Hope.
"Eh, anong ibig mong sabihin ngayon Fredo, na siya na ang katapat ni Boss Ryo, ganun ba?"
"Oscar, Basta may kakaiba akong nararamdaman sa babaeng iyan. Gusto mo pustahan tayo ,isang buwan kong suweldo sayo na. Kapag mali ako ng inaakala. "
"Aba'y hindi ako uurong diyan. Sige. Kapag hindi siya ang pinakasalan ni Boss Ryo, akin talaga ang isang buwan mong sahod."
"Pero, kapag tama ako, isang buwan mo din na sahod ay magiging akin."
"Deal." Ang sabay na sabi ng dalawa.
"Oscar, ayan na ang sasakyan ni Boss."
Makikita na sa di kalayuan ang sasakyan ni Ryo. Huminto eto sa tapat ni Hope. Si Fredo naman ay lihim na nangiti sa nakikita.
"Ma'am Hope, Anong pong ginagawa mo diyan?" Ang tanong ni Peter, na nakadungaw sa bintana upang tanawin si Hope. Basang-basa na eto dahil sa tubig ulan. Na kahit may payong ay hindi maiwasang mabasa dahil sa lakas ng hangin.
Nang makita ni Hope ang sasakyan na pumarada sa tapat niya ay nangangatog siyang kumilos. Tinungo ang sasakyan at kinatok upang pagbuksan siya.
Nang bumukas ang pintuan ay dali-dali naman siyang pumasok at naupo sa tabi ni Ryo, na salubong ang mga kilay at hindi maipinta ang pagmumukha.
"Are you Damn?" Ang pagalit na singhal nito sa kanya.
"R-ryo ,my hubby, hinantay kasi kita dito sa labas . Yong mga Guards mo masyadong masunurin hindi talaga nila ako pinapasok sa loob."
"I mean why you're here?"
"I miss you that's all. Bakit kailangan ba may reason para makita ka?."
"Oh, Crazy!"
"Crazy in love with you." Iniharap ni Hope and kaniyang basa at nilalamig na mukha sa mukha ni Ryo. Tinitigan nya eto sa kanyang mga mata na nakangiti.
Kinuha naman ni Ryo, ang mukha ni Hope at inilayo sa kanyang mukha. Napilitan tuloy maupo ng maayos si Hope, habang halatang nilalamig. Senenyasan naman ni Ryo ang kanyang driver na si Peter na pumasok na sa loob ng mansion.
Pagdating sa loob ay naunang lumabas si Ryo, at derederetso eto sa loob ng bahay.
"Halika na sa loob Ma'am Hope. " Ang wika ni Josh, ang personal assistant ni Ryo. Atubili pa kasi si Hope kong bababa ba o hindi. Umaasa kasi siyang babalikan siya ni Ryo at yayayaing pumasok na.
Pero talagang nilalamig na siya kaya bumaba na si Hope at sumunod na sa loob ng bahay.
Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay sinalubong agad siya ni Manang Sita. May dala-dala na etong makapal na Roba at mabilis na isinuot kay Hope.
"Umakyat ka na sa kwarto mo at maligo. Iinitin ko lang ang sopas para mainitan 'yang sikmura mo."
"Kwarto ko po Manang Sita?"
"Oo. Duon sa tinulugan nong kwarto. Bilin ni Sir sabihin ko daw sayo na maligo ka at bigyan ng mainit. Sya pa nga nag-abot sa akin nyang roba na suot mo."
"Ay talaga po. Sige po aakyat na ako sa kwarto ko." Ang masayang wika ni Hope. Nagmamadali etong umakyat at tinungo ang kuwartong dati niyang ginamit.
"Hello again nandito na naman ako ulit. Na miss nyo ba ako?. Mamaya na tayo mag-bonding aking kama kailangan ko monang maligo baka magkasakit ako eh."
Habang naliligo si Hope ng maligamgam na tubig ay hindi niya mapigilan ang mapangiti at bumungis-ngis.
"Ryo my Hubby, pakipot ka pa eh. Alam ko naman na type mo din ako. Hindi nga ba't babaero ka. Marami kang babae. At isa din akong babae . Bata, maganda at virgin. Lalaban to hanggang dulo maging akin ka lang mahal ko..
"Knock!knock!"
"What the fu..?"
"Hubby, Basa na kasi ang mga damit ko wala akong maisuot pwedw bang pahiramin mo ako ng t-shirt mo."
Si Hope na ikinagulat ni Ryo. Naka-suot lang kasi eto ng bathroom robe. Nakalugay ang magulo at basang buhok niya.
"Crazy!" Ang naiinis na sabi ni Ryo at salubong na naman ang kanyang mga kilay.
Subalit sa halip na matakot sa kanya si Hope ay itinulak lang ng mga kamay ni Hope ang dib-dib ni Ryo na nakaharang sa pintuan. Napa-urong si Ryo at walang kahirap-hirap na nakapasok ang dalaga sa loob ng silid niya.
Napahawak sa kanyang batok si Ryo habang tinitingnan ang babae na nakatayo sa harapan niya.
"Alam ba ng mga kuya mo na pumunta ka dito?"
"Hindi."
"What? Why?"
"Dahil hindi nila ako papayagan."
"Iyon naman pala bakit pumunta ka dito? At bakit naligo ka sa ulan at nagtiis ka ng lamig."
"Pumunta nga ako dito kasi na mimiss kita. 'Yan ang sagot ko sa una mong katanungan. At sisihin mo iyong dalawang Guards mo sa gate, ang hihigpitbkasi. Ayaw talaga nila akong papasukin dito sa loob. Dapat bigyan mo sila ng increase kasi talagang maasahan sila. Sinusunod ka sa kong anong ibinilin mo. Ganyan ang tunay na Tauhan. Maasahan at tapat."
"Crazy!"
"Ikaw naman wala yon. Tanggap ko naman na baliw talaga ako sayo. Ano na papahiramin mo ba ako ng damit mo o dadimitan mo ako ng katawan mo." Ang malanding sabi ni Hope. Na ikinagulat naman ni Ryo.
"Ibang klase ka talaga. Alam mo ba 'yang sinasabi mo? Baka magsisi ka."
"Nope. Never. Baka ikaw ang magsisi kong pakakawalan mo ang isang tulad ko. Bata, maganda, sexy, at birhen. Kong sakali ikaw lang ang makakauna sa akin at ipinapangako kong ikaw din ang last ko. Ikaw lang ang tanging pahihintulutan ko sa aking buhay habang ako ay nabubuhay." Ang buong tapang na sabi ni Hope. Deretso ang mga mata sa mata ni Ryo.
Dalawamg dangkal lang ang pagitan ng kanilang mga katawan at mukha. Parehas silang nakatayo at naglalabanan na naman sa titigan. Maunang umiwas ay talo. At ang unang sumuko ay si Ryo. Sabay talikod kay Hope, na tinungo ang kanyang closets room.
Nag-umpisa siyang mamili ng maisusuot ng dalaga. Halos inabot siya ng ilang minuto sa kakapili dahil ang kanyang utak ay biglang natanggal yata ang isang turnilyo. Hindi siya nakapag-isip ng matino.
Nag-tatalo kasi ang kanyang pakiramdam ngayon. Kong ibang babae lamang si Hope kanina pa niya eto nilapang. Pero nagpipigil siya. Kapatid si Hope ng kanyang tauhan at itinuturing na kapatid na si Winston. Bata pa eto at inosente, Hindi nito alam ang kanyang sinasabi. Eto ang pilit na isinisik-sik ni Ryo sa kanyang isipan.
At nang sa wakas ay may mapili siyang t-shirt na kulay puti ay ka-agad niyang ibinigay kay Hope. Na umiiwas ng tingin sa dalaga.
"Eto oh. Pumunta ka na sa silid mo at magbihis. Baka naruruon na si Manang Sita sa room mo at ang mainit na sopas. Kainin mo na ng mainitan yang sikmura mo. Ipinaalam ko na din kay Winston na nandirito ka.
Humakbang ang mga paa ni Hope papalapit kay Ryo.Huminto siya sa harapan nito at ipinalupot ang kanyang mga bisig sa leeg ni Ryo na talaga namang nagpatigas lalo kay Ryo. Niyakap siya ng dalaga at isinandal nito ang mukha niya sa matipunong dib-dib ni Ryo.
"Hubby, Sige uuwi na ako. Sapat nang nakita kita at nayakap ngayon. Lagi ka sanang mag-iingat. ".
Matagal nang nakalabas ng silid ni Ryo si Hope, pero si Ryo ay nananatiling nakatayo pa rin sa kanyang kinatatayuan na nakatingin sa siradong pintuan.
Hindi parin magsink-in sa kanyang utak ano ba ang nangyayari. Isa siyang boss mafia leader pero bakit nagagawa ni Hope na baguhin ang kanyang sestema.
Sa kauna-unahang pagkakataon, palay na ang lumapit sa manok pero hindi niya eto matuka. Anong nangyari sa kanya. Naalala niya ang yakap sa kanya ni Hope, kakaiba sa lahat ng yakap na naranasan nya sa ibang babae. Yakap na hindi niya maaaring kalimutan sa buong buhay nya.
Dama nya ang kapayapaan at ang malakas na t***k ng kanyang puso.
"Ibang klaseng babae talaga ang kapatid ni Winston..Hope De Asis YOUR CRAZY."
Pagbalik ni Hope sa kanyang silid sa bahay ni Ryo ay naabutan niya ang isang tray na may mga pagkain. Na nakapatong sa side table ng kanyang kama. May isang basong tubig, Isang club sandwich, isang mangkong sopas, at paracetamol na gamot.
Nagbihis mona siya bago kumain. Napansin niyang wala na ruon ang kanyang mga basang damit. Pero naisip din ni Hope na baka kinuha na rin eto ni Manang Sita, dahil eto lamang ang pwedeng makapasok sa kanyang kwarto.
Habang si Hope ay busog na busog hindi lamang ang kanyang puso pati na ang kanyang tiyan ay may isang lalaking hindi mapa-kali sa kanyang silid.
Hihiga, babangon at maglalakad paikot-ikot sa kanyang kwarto na malalim ang iniisip.
"Pambihirang babaeng iyon anong palagay nya sa akin ka-level nya?. Baka akala niya porket pinapakitaan ko siya ng kabaitan ay talagang mabait ako. Mabait lang ako sa kanya dahil kaibigan ko si Winston at iyon lang ,'yon. Parang kapatid lang ang nararandaman ko sa kanya. Pinagpapasensyahan ko lang siya sa lahat ng kanyang ginagawang kalokohan sa akin. TAMA IYON NGA ANG TAWAG DUON.".
Kinaumagahan maagang umalis ng mansion si Ryo at nagbilin siya sa kanyang mga tauhan na ihatid si Hope sa bahay nito. Kaya malungkot na lilisan sa mansion ni Ryo si Hope. Umaasa kasi siyang makikita niya eto ngayong umaga at makakasama ng matagal-tagal. Day off niya kasi ngayon sa trabaho at planado na sana ang lahat.
Balak niya etong ipagluto ng almusal o pananghalian. Pero sabi ni Manang Sita ay maaga daw eto umalis at hindi daw talaga eto nagsasabi kong anong tiyak na oras eto uuwi ng bahay.
Pero sadyang matalino siya. Dahil si Hope ang tipo nga ng isang taong kapag may ginusto ay ginagawa ang lahat ng paraan. Hindi tumitigil hanggat hindi napagtatagumpayan ang bagay na kanyang ginusto.
Napilit niyang kunin ang cellphone number ni Ryo, mula kay Manang Sita. Hindi kasi maaring hindi alam ni Manang Sita, ang kontak ng kanyang amo. Dahil bukod sa amo nga niya si Ryo ay napag-alaman din ni Hope na si Manang Sita ay yaya ni Ryo mula pagkabata.
"Good morning Ma'am." Ang halos sabay na bati sa kanya ng dalawang Guard na sina Fredo at Oscar nang magkasalubong sila sa labas ng mansion ni Ryo. Sya ay pasakay ng kotse at sila naman ay papunta sa gate.
"Himala ha. Kaylan nyo pa ako naging Ma'am?. Baka akala nyo nakalimutan ko na ang ginawa nyo sa akin kahapon ha. Pero huwag kayong mag-alala hindi naman ako galit sa inyo. Basta tandaan nyo lang ang magandang mukha na 'to, dahil kapag ako pumunta ulit dito at hindi nyo ako pinapasok ay naku, malalagot talaga kayo UNDERSTAND?" Ang matigas at malakas na sa sabi ni Hope sa kanilang dalawa na naka Bow na sa kanya.
"YES MA'AM HOPE."
"GOOD."