CHAPTER 19

1878 Words
SINABI NG AKIN KA C19 Sa loob ng sasakyan ay tahimik na nakatingin si Hope sa labas ng bintana. Kahit gusto niyang magtanong kong bakit nasa hospital eto kanina ngunit pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Masama parin kasi ang loob niya dahil tinawag siya nitong Anata kagabi. "Bakit?" Pambabasag na tanong ni Ryo, sa katahimikan nang dalaga. "Anong bakit ka dyan?" "Naninibago kasi ako sayo. Bakit tahimik ka? May problema ka ba?" "Problema, wala." Ang masungit na sagot ni Hope. "Kong wala lumapit ka dito sa 'kin." Napatitig si Hope kay Ryo, nagtatalo ang kaniyang isip at damdamin kong susunod ba sa utos ng kaniyang nobyo. Pero sa huli ay pinili niyang sundin eto at lumapit nga siya pero wala parin siyang ganang magsalita. Nang makalapit ang dalaga kay Ryo ay agad na kinuha nito ang kaliwang kamay ng dalaga. Inilagay niya eto sa kaniyang palad at ikinulong. Bahagyang pinisil eto ni Ryo habang nakatitig kay Hope. "Now tell me anong problema?" "Wala nga. Baka kayo ni Anata mo meron." Ang dumulas ma saloobin ni Hope. Saglit na hindi nakapagksalita si Ryo. Ginalugad sa kaniyang isipan kong ano ba ang ibig sabihin ng sinabi nito. Nang mapagtanto ni Ryo kong bakit nagkakaganito ang dalaga ay gumuhit ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. "Ah, so your jealous." "Mukha mo, selos ka 'dyan. Bakit naman ako magseselos eh alam ko namang akin ka na. Sila ang magselos sa akin." Naka ngusong sabi ni Hope, sabay bawi sa kaniyang kamay at pinag- krus ang mga braso sa kaniyang dibdib. Hindi niya magawang tingnan ang lalaki dahil ayaw niyang mabuking na talagang nagseselos nga siya. Nakatingin parin siya sa labas nang bintana ng sasakyan. Natatawa na lang si Ryo sa dalaga. " Kaya dapat galingan mo at bakuran mo ako ng maayos sa gandang lalaki ko na 'to maraming naghahangad sa akin." Natatawang dagdag ni Ryo. Umepektibo naman eto kay Hope dahil biglang napalingon siya at hinampas-hampas sa dibdib si Ryo. "Ah, ganon ba ha?" Pati mga tauhan ni Ryo na nakaupo sa harap ng sasakyan ay natawa. Ganon din naman si Ryo. Huminto sa paghampas si Hope nang makita si Ryo na tumatawa at talagang masaya ang awra ng mukha nito. Masaya siya sa nakikitang kasiyahan ng lalaki, batid naman kasi niyang hindi talaga eto pala-ngiti at pala-tawa. May napagtanto si Hope sa kaniyang sarili na kapag pala mahal mo ang isang tao ay kasiyahan mo na rin ang makitang masaya siya. Kaninang umaga noong nakita niya si Ryo sa hospital na humahangos at parang pinagbagsakan nang langit at lupa ay kumirot ang kaniyang puso. Subra talaga siyang nagalala para dito. Kanina nang makita niya eto ay pinipigilan lamang niya ang kaniyang sariling lapitan eto at yakapin, tanungin kong anong nangyari at damayan kong ano man iyon. Bigla niyang kinabig ang ulo ni Ryo papalapit sa kanya at niyakap niya eto. "Masaya akong makita kang masaya. Mahal kita Ryo mahal na mahal." Nalaglag ang luha sa mga mata ni Hope ng sambitin niya ang mga katagang eto. Hindi eto inaasahan ni Ryo. Mahigpit niyang niyakap si Hope at hinimas-himas nang kaniyang daliri ang batok nang dalaga. " Alam mo bang wala kang dapat ipagalala kay Anata. Dahil ikaw 'yon, ang aking anata. Anata means, my love, my darling, my everything, my woman, my partner, my wife, my world, my heart, and my body and soul naiintindihan mo ba? Sa Japan Anata ang tawag nila sa kanilang mga asawa. Sa narinig ay kumalas sa pagyakap niya kay Ryo. Napatitig si Hope at kusang lumapit ang kaniyang labi sa labi ng lalaki na tinugunan naman nito. Maalab ang halikan na iyon na puno ng pagmamahal. Ang halik na iyon ay mabilis na nag-vibrate sa buong sistema nila. Hindi alintanang may kasama sila sa loob ng sasakyan na iyon. Kaya paniguradong busog ang mga mata nina Peter at Josh na kinikilig pati. Unang kumalas sa halikan na 'yon si Ryo. Kapwa tila hinihingal, Ikinulong niya sa kaniyang palad ang mukha ng dalaga at pinakatitigang mabuti. Tila naguusap ang kanilang mga mata na sila lang dalawa ang nakakaintindi. Muli ay niyakap ni Ryo ang dalaga at binulungan. " Ihahatid na kita sa inyo baka kong ano pa ang magawa ko sayo.". "Ayaw ko pang umuwi. Hindi ako natatakot sa kong anong balak mong gawin sa akin. I'm Yours." Matapang na tugon nang dalaga na nakangiti." "Peter deretso sa bahay." Utos ni Ryo, sa kaniyang driver. "H-hindi ah. Talagang totohanin. Binibiro lang naman kita 'di ka na mabiro. Anong palagay mo sa akin easy to get? Kumain mona tayo bago mo ako ihatid sa amin. Alam mo bang gutom na gutom ako. Kasalanan mo kasi kong bakit wala akong ganang kumain kanina." Pagpapanik na sabi ni Hope na pilit tumatawa. Bumuga nang hangin si Ryo sabay sabing "okay.". "Alam kong patay na patay ako sayo, pero ayaw ko namang magsawa ka ng mabilis sa akin. Parang pagkain lang 'yan kasi, kong papanayin mo ang pagkain nang manok darating ang araw ay mananawa ka. Alam kong lokaret akong babae, pero naiiba ako sa mga dati mong naging babae Ryo...Kahit na namamasa na ang panty ko ay kailangan ko paring magpigil..Hope maging matapang ka, kaya mo 'yan." Laman ng isipan ni Hope na ibinalik muli ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Kailangan niyang iwasan ang ka-gwapuhan ng nobyo upang hindi ma-tukso dito. Kinuha naman muli ni Ryo ang kamay ng dalaga at hanggang sa makarating sa kanilang destinasyon ay hindi niya eto binibitiwan. Dinala siya ni Ryo sa isa na namang fine dining restaurant. Pang-mayaman o pang-high class na restaurant nanaman. Gentle man ang peg ni Ryo dahil inihanda mona nito ang uupuan ni Hope. Malambing naman na nagpasalamat ang dalaga. "Anong gusto mong kainin my Anata?" "Pasta lang ako kahit ano okay na ako 'don." "Shrimp Alfredo linguine and red wine please.". "Oh my ghad naman, 'wag mo akong tingnan ng ganyan naaalala ko 'yong ano eh." Ang sabi ni Hope sa kaniyang sarili habang kumakain at napapasulyap kay Ryo. Nakita niya kasi etong nakatingin sa kanya habang kumakain ng pasta. Lumabas kasi ang dila nito dahil sinimot ang sauce sa labi nito.Tyempong ginagawa eto ni Ryo ay nakatingin siya sa dalaga. Pangalawang beses na nasulyapan na naman ni Hope si Ryo ay hinihigop naman nito ang isang pirasong pasta. Nakapagpapaalala kasi kay Hope ang ginawang pagkain sa kanya noon ni Ryo. Hindi tuloy niya magawang kumain ng maayos dahil kong ano-ano kasi ang pumapasok sa kaniyang isipan. "Anong nangyayari sa'yo Hope? Bakit parang umiinit ang katawan mo? Kaylan ka pa naging malibog?...Sabagay hindi ka naman masisisi dahil kong ganyan ba ka-gwapo, ka-hot, at ka-yummy ang jowa mo aba'y talagang maglalaway ka. Naku po! Hope patawarin kang babae ka." "Hope, okay ka lang ba? Hindi ba masarap ang food?" "N-no I'm okay. Masarap naman, look oh uubusin ko na nga eh." Pagkakaila niya. Itinuon na lamang niya ang buong atensiyon sa kinakain ng 'di na sinusulyapan si Ryo. Nagtagumpay naman siya dahil sa wakas ay naubos na ni Hope ang kaniyang pagkain. Pagkatapos ay inabot ang kopita na may lamang red wine at ininom, inubos niya eto ng isang lagukan lang. Ginawang tubig lang. Ganon talaga seguro kapag nakikipaglaban ka sa sarili mo. Kanina pa tapos kumain si Ryo at wala kasi etong ginawa kong hindi ang tingnan si Hope habang kumakain. Batid eto ni Hope, na kahit hindi siya tumitingin ay tagostagusan sa kaniyang pakiramdam. "Alam kong maganda ako pero, wala naman segurong kikidnap sa akin para bantayan mo ako. Pati yata pagsubo ko ay binibilang mo." Pabirong litanya nanaman ni Hope, nais lamang niyang basagin ang katahimikan. Sinalinan muli ni Ryo ng alak ang kopita ni Hope. Dahan-dahan ng umiinom ang dalaga, ninanamnam sa kaniyang dila at lalamunan ang lasa ng red wine. "Well, I like you more, when you eating. Lalo kang gumaganda at sumasarap sa paningin ko." Ang naka-ngiting wika ni Ryo na nakatitig sa kanya. 'Ahu!ahu!" Nasamid si Hope sa kaniyang iniinom. Namula ang kaniyang mukha. Hindi rin niya inaasahan ang biglang pagtayo nito sa kaniyang kinauupuan at lumapit sa dalaga. Hinimas-himas nito ang kaniyang likuran. "Relax my Anata. Makakaasa kang your safe, for now. Kahit na you look so f*****g beautiful tonight." Bulong ni Ryo kay Hope. Nanindig ang balahibo sa katawan ng dalaga ng maramdaman ang mainit na hininga ng lalaki sa kaniyang tenga at batok. "T-take me home na." Ang salitang lumabas sa bibig ni Hope... Nasa bahay na si Hope at nakahiga sa kaniyang kama. Inihatid siya nito malapit sa kanilang bahay. Siya rin naman ang may kagustuhang huwag siyang ibaba mismo sa tapat ng kanilang bahay. Hindi pa kasi siya handang ipagtapat sa mga kapatid ang tungkol sa kanilang dalawa ni Ryo. Habang nasa sasakyan kanina papunta sa kanilang bahay ay nagpaalam eto sa kanya na mawawala siya ng isang lingo. Mag-out of town daw eto dahil may aasikasuhin. Masaya naman siya dahil nagpaalam naman eto sa kanya. Ma's na feel niya ang pagiging magkasintahan nilang dalawa. Subalit nalungkot din si Hope dahil isang lingo niya etong hindi makikita. Sinabihan na lamang niya si Ryo na magiingat eto at mag-text sa kanya o tumawag.. Inabala ni Hope ang kaniyang sarili sa trabaho sa hospital at pagsama-sama sa kabigang si Margoux. Ika-sampong araw na ang nakakalipas ngunit wala man lang text at call sa kaniya si Ryo mula ng umalis eto. Hindi naman niya matanong si Winston dahil hindi naman eto kasama ni Ryo sa pinuntahan nito. Ma's lalong hindi rin niya pwedeng matanong eto ng tungkol sa binata dahil mabubuking silang dalawa. Isang gabi namamahinga si Hope sa kaniyang silid, kakauwi lamang niya sa kanilang bahay galing sa trabaho sa Hospital. Kinatok siya ng kaniyang Kuya Philip at sinabing may bisita siya sa baba. Biglang kinabahan ang dalaga sa pagaakalang baka si Ryo ang tinutukoy na bisita ng kuya Philip niya. Nagmamadaling bumaba ng bahay si Hope, suot ay ternong pajama na spaghetti straps at short lang. Pero laking pagkadismaya niya ng makita kong sino ang kaniyang bisita. Si Leon. Bihis na bihis eto at ang guwapo sa suot nitong damit. May sariling taglay din etong s*x-apeal. May dalang bouquet of red roses at isang box nang chocolate. "Hi, Hope good evening." Bati nito sa kanya. "Hope, Pormal ka nang liligawan ng best-friend ko oh." Wika ni Philip na Naka-ngiti. "Hope, Kong may lalaki kaming gugustuhin para sa'yo ay boto kaming lahat kay Leon. Alam naming mapapabuti ka sa kanya...Sige na at mag-usap na kayong dalawa diyan lalabas mona kami." Sabi naman ni Winston na naroroon din. Si Kent lang ang wala dahil nasa duty na eto. Napilitang harapin ni Hope ang bisita. Kahit hindi niya eto tanungin kong ano ang sadya nito ay alam na niya. Gaya ng sinabi ng kaniyang mga kuya's manliligaw eto. Hindi siya makapaniwalang totoo talagang may gusto eto sa kanya. "Hope, para sayo." Atubiling inabot ni Hope ang daladala ni Leon para sa kanya. Subalit pagkatapos kunin ay inalapag lamang niya eto sa center table. "Alam kong nagtataka ka at alam ko ding asar ka sa akin... Sorry! kasi palagi kitang inaasar. Alam mo ba kong bakit ko 'yon ginagawa?" Bungad nitong panimula. Hindi naman sumagot si Hope, nananatiling nakatingin siya sa sahig at Hindi sa magagandang bulaklak..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD