CHAPTER 18

1851 Words
SINABI NG AKIN KA C18 Nakaupo sa swivel chair si Ryo habang umiinom ng alak. Nasa kaniyang mansion na siya sa mga oras na iyon pagkagaling sa Resto Bar kong saan niya nakausap si Crizza. Nasa isipan niya ngayon ang dalawang babae na nakapasok sa kaniyang puso. Nasa punto siya ng pagtitimbang. Sinaktan siya ni Crizza ng malamang isa siyang Mafia. Minahal siya ni Hope kahit alam nitong Mafia sya. Nasaksihan din ni Hope kong paano kumilos ang mga katulad nila. Siya ang sumuyo kay Crizza noon hanggang sa maging kanya eto, Subalit siya naman ang sinuyo ni Hope makuha lamang siya ng dalaga. Napangiti si Ryo sa isiping eto. Sinagasa ni Hope ang kapahamakan para mapansin lamang siya nito. Mula nang una silang nagkita ay tila nagkakulay ang kaniyang boring na buhay. Sa ngayon masaya na siya mula ng dumating sa buhay niya si Hope. Kaya nilagok na niya ang lahat ng alak na laman ng kaniyang baso. Kasabay nito ang nabuo niyang pagpapasya... "Hope anong masasabi mo kay Leon?" "Anong masasabi ko eh 'di wala." "Gwapo naman si Leon, engineer, hindi ka magugutom sa kanya dahil maganda naman ang trabaho niya, at mabait naman. Huwag mong sabihing inis ka lang sa kanya pero ang totoo e gusto mo din siya tama ba?" "Aye, naku Kuya Philip kaylan ka pa naging parte ng community ng mga marites. Pwede ba kuya tigil-tigilan mo ako dyan sa kaibigan mong yan. Ngayon palang sasabihin ko na sa inyo hindi ko siya type." "Bakit naman Hope, Kong kami ang tatanungin boto kami kay Leon. Kilala na namin siya at alam na alam naming mapapabuti ang buhay mo sa kanya. Kesa naman sa lalaking hindi namin kilala ang pagkatao." Sambit ni Philip. "Teka nga bakit ba ipinipilit ninyo ang lalaking 'yan sa akin eh siya nga mismo walang sinasabi sa akin. Hindi ako type non , type lang ako non asarin kasi vitamins na niya ang makitang naasar ako. Magkakasakit ang lalaking iyon kapag hindi ako napagtritripan." Nasa sala ng bahay nila sina Philip, Fortune ar Hope. Nanunuod sila ng palabas sa tv. Nakasanayan na nilang umistambay mona sa sala pagkatapos kumain ng panggabihan. "Kuya Philip at kuya Fortune, naiintindihan ko naman kayo eh. Iniisip nyo lang palagi ang kabutihan ko at nagpapasalamat ako sa panginoon dahil binigyan ako ng apat na mabubuti at mapagmamahal na mga kapatid. Alam kong hindi ninyo ako hahayaang ma-bully ninoman. Pero sana magtiwala kayo at hayaan nyo ako sa pagpili ng lalaking mamahalin ko at gustong makasama habang buhay." Natameme na lang ang dalawang kuya. Aminado na silang wala talagang pagasa ang kanilang manok na si Leon. Kilala naman kasi nila si Hope. Matalino etong babae at matapang. Lokaret man madalas pero kapag nagbitiw eto ng salita ay segurado at may laman. Si Hope ang taong matibay ang paninindigan at paniniwala sa sarili. Wala silang magagawa kong hindi ang manahimik na dahil tinapos na ni Hope ang usapan. Biglang may ringtone ng text ang umingay. Dinukot ni Hope ang kaniyang cellphone sa bulsa at nang buksan at makita ay mabilis etong umalis sa sala papuntang silid niya. "Patulog ka na ba?" Text ni Ryo. "Hindi pa nanunuod pa kasi kami nila kuya ng movie. Pero andito na ako sa room ko ngayon. Ikaw anong ginagawa mo?" "I will call you, it's that okay?" "Oo naman." Tumawag si Ryo at mabilis namang sinagot ni Hope eto. " Nasa labas pa ako at may inaasikaso pa. Naalala lang kita, seguro namimiss kita at gusto kong marinig ang boses mo." Syempre kinilig naman si Hope "Aye, may seguro pa. Pwede mo namang sabihing miss mo na ako agad kahit nagkita naman tayo kanina. Eh bakit ka nga pala biglang umalis kanina ng 'di ka manlang nagpaalam sa akin. " "Ayaw ko lang makita ako ng friend mo. Gusto kong e-secret lang mona natin ang tungkol satin pwede ba?...Huwag kang magisip ng masama. Kailangan lang nating magingat dahil ayaw kong mapahamak ka. Kapag nabunyag na girlfriend kita at mahalaga ka sa akin baka gamitin ka nang mga kalaban ko laban sa akin. Ayaw ko na may mangyari sayong masama lalo na't wala ako palagi sa tabi mo. Naiintindihan mo ba Hope." "Oo naiintindihan ko bebeko. Ang akala ko kasi ay gusto mo akong esekreto kasi may inililihim ka sa akin." "Wala. Bukas pag-out mo sa work susunduin kita kaya huwag kang mangako sa iba dahil may pupuntahan tayo." "Sige.Saan naman tayo pupunta?" "Date, ayaw mo ba?" "Gusto ko ah." "Sige matulog ka na bye." "Hindi bye, goodnight my love." "Goodnight Anata." "Anata sino yon?" Pinutol na ni Ryo ang kanilang paguusap. Naiwang naiinis si Hope dahil ang akala niya ay ibang pangalan ng babae ang sinabi nito. "Okay na sana eh, ang kaso may ANATA pa. Ang layo naman ng Hope sa Anata no. Sino ba yang Anata na yan kasi." Mukhang hindi siya makakatulog nang maayos sa gabing eto.. "Hello mga kuya kong ubod ng popogi goodmorning." Bati ni Hope ng umagang iyon. "Goodmorning din sa aming magandang kapatid. Kumain ka na ng almusal nakakain na kaming tatlo. Bakit ba na-late ka ng gising ngayon? Nagbago na ba ang schedule mo sa work?" "Ah, eh hindi naman Kuya Philip ganom pa din ang scheds ko ngayon. Hindi pa naman ako late at if ever ma-late ako today okay lang 'yon. Ngayon pa lang naman ako malalate mula ng pumasok ako sa Hospital. " "Ano bang pinagpuyatan mo at mukhang may eyebag ka?" Tanong naman ni Kent. Rest day niya ngayon kaya present siya. "Ano kasi napuyat ako sa pinapanuod kong korean teleserye ang ganda kasi, Hindi ko na napansin ang oras umaga na pala." Naisip ni Hope na palusot na umepektibo naman sa mga kapatid dahil hindi na sila nagusisa pang muli. "Kumain ka na at ihahatid kita bago ako matulog." Wika ulit ni Kent. "Sige kuya Kent, buti naman dahil seguradong hindi ako malalate kasi nakamotor tayo. " Lumapit sa hapag kainan si Hope at naupo. Nagsimula siyang magdasal mona bilang pasasalamat sa pagkain na biyaya ng maykapal sa kanila ng umagang iyon. Ganito silang magkakapatid minsan naaalalang magdasal mona o magpasalamat sa taas bago magsimulang kumain. Pero madalas ay wala ng dasal-dasal pa banat agad sa pagkain. Nang umagang iyon ay may masarap na sinangag na nakahain sa mesa. May longganisa, tuyo, sunny side up eggs, may pritong tilapia, talong at okra na kanilang paborito. Inabutan narin siya ng kapena may halong gatas ng kanilang katulong. Masasabing masarap ang mga pagkain ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay walang gana si Hope kumain. Para hindi mahalata ng mga kapatid ay sumubo naman siya kahit konti at inubos ang kape. Niyaya na ni Hope si Kent na nasa sala at nanunuod ng tv kasama sina Philip at Fortune. Papasok din si Fortune sa trabaho pero mamaya pa. Lumabas na silang magkapatid at naroroon nanaman si Leon nakatambay. May dala pang mug na umiimom ng kape. Kilala niya ang mug na hawak-hawak nito sa kanila iyon. Kaya alam na ni Hope na sa bahay nila nakikape ang binata. Nang makita si Hope ay tiningnan lamang siya nito. Himala din dahil hindi bumukas ang bibig nito upang siya ay asarin. Tuloy-tuloy ang dalawang magkapatid na sumakay ng motor pagkatapos makapaglagay ng helmet sa ulo. Nahuli din ni Hope na palihim silang sinusulyapan ni Leon. Sa isip ni Hope kong totoong may gusto talaga eto sa kanya ay parang lalo siyang lumayo ang loob dito.. Sa Hospital kong saan nagtratrabaho si Hope ay putok ang usapan tungkol sa isang lalaking isinugod sa kanilang hospital kanina lamang. Kakadating pa lamang ni Hope doon at narinig na niya ang usapang ganito sa mga kapwa niya nurses doon. Sabi sa usap-usapan ay natagpuan daw ang isang lalaki na nagaagaw buhay sa tabi ng basurahan. Duguan, maraming sugat sa katawan, mukhang pinahirapan daw mona ng husto bago putulan ng mga paa. Nagaagaw buhay parin daw eto hanggang ngayon na nasa operating room. Habang naglalakad siya sa pasilyo ng hospital na iyon ay kinikilabutan at naaawa siya sa lalaking iyon. Abala ang kaniyang isipan tungkol doon ng may makabanggaan siya sa pagliko sa pasilyong iyon. Laking gulat ni Hope ng mapagsino ang nakabanggaan niya. Dahil hindi niya sukat akalain na makikita niya si Ryo. Tila nagmamadali eto at hindi maipinta ang mukha. Naka hoodie lamang eto ng terno at kasunod ay dalawang bodyguard niya. Nang makita siya ng mga eto ay nagbow sila sa kanya ng saglit. "Ryo...A-anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Hope. "Hope, mamaya na tayo magusap. Nandirito ang isa kong tauhan kailangan ko siyang puntahan. " Pagkatapos sabihin eto ay nagmamadaling umalis eto sa kaniyang harapan. Bakas sa mukha ni Ryo ang labis na pagaalala. Naiwan si Hope na nagtatalo ang kaniyang isipan. Kong susundan ba si Ryo o pupunta na sa kaniyang gawain na naghihintay narin sa kanya. Nagaalala man siya sa kasintahan pero pinili parin niyang puntahan ang kaniyang trabaho. Oras na kasi iyon sa pagbisita niya sa mga pasyenteng nakatoka sa kanya upang bigyan ng gamot. Hindi rin eto pwedeng ipagpaliban dahil importante din eto. At pagkatapos 'non ay sasamahan pa niya si doktor Yton para mag assist dito. "Magkikita naman kami mamaya. Masasamahan ko siya after my work. Pero sa ngayon nakatali rin ako sa aking tungkulin." Ang nababahalang wika sa sarili ni Hope at napabuntong hininga na lamang.. "Winston, naipagbigay alam nyo na ba sa pamilya ni Adel ang nangyari sa kanya?" "Oo Master Ryo. Papunta na sila dito sa hospital." "Matinik din ang sindikatong iyon hindi basta-basta. " "Kaya nga. Wala pang isang linggong nagmamanman si Adel sa kanila ay nabisto na kaagad siya. Tama talaga ang sinabi ni Black lily na hindi basta basta ang sindikatong iyon, Ang black scorpion." "Sana nga lamang ay magtagumpay si Black lily sa ating ipinagagawa sa kanya. " Ang sabi ni Winston na katulad ni Ryo ay subrang mahalaga para sa kanya din ang misyong eto ni black Lily. Naging mabuti din kasi sa kanya ang yumaong ama ni Ryo. Eto talaga ang kumuha sa kanya sa kalsada bago siya ibinigay sa anak nitong si Ryo. Gusto niyang maipaghigante ang dating Amo na pinagkakautangan nang loob. " Pagsabihan ang ating mga tauhan na magdoble ingat. Hindi pa natin alam kong may nasabi si Adel sa kanila. Malalaman natin 'yan kapag nagkamalay na siya. Pero alam kong isang tapat na tauhan si Adel naniniwala ako sa kanya." Tyempong dumaan si Hope at ang kasama nitong doktor sa kinaroroonan nila Ryo. Nagkatinginan lamang silang tatlo, pero ang sulyap ni Hope ay nahati sa dalawang lalaking magkatabi. Kay Ryo at kay Winston. Nilagpasan ni Hope ang dalawa. "Dito nga pala nagtratrabaho si Hope." Wika ni Winston na hindi umimik. Kahit hindi naman nito sabihin ay matagal na niyang alam pati mga pangalan ng mga kaibigan ni Hope at mga back ground nila. Ang buong akala ni Hope ay hindi matutuloy ang pagsundo sa kanya ni Ryo ng gabing iyon. Pero nasa labas na siya ng hospital ng may pumaradang sasakyan sa tapat niya. Bumukas ang salamin ng sasakyan at nakita niya si Ryo, sumenyas etong sumakay siya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD