SINABI NG AKIN KA C23
Sa isang lugar kong saan ni sa iyong panaginip ay ayaw mong mapuntahan. Eto ang torture chamber ni Master Ryo. Nasa underground eto ng isang Antigong mansion. Dito niya dinadala ang mga taong kaniyang lilitisin at paaminin. Maraming ibat-ibang kasangkapan sa pagpapahirap ng isang nilalang. Ang lugar na 'to ay malayo sa mga kabahayan. At may mataas na pader na napapalibutan ng mga bobwire at kuryente. Kahit anong uri ng ibon kapag umapak ka sa bobwire ay tiyak maiihaw ka.
Sa harapan nila Ryo, Winston at mga tauhan ni Ryo ay may limang lalaking kapwa mga nakabitin patiwarik. Nakapalupot sa kanilang mga paa ang mga kadena. May mga hand cuffs ang kanilang mga kamay patalikod. Tanging brief lamang ang kanilang mga saplot sa katawan.
Nakaupo si Ryo, sa isang plastic na upuan at sa tabi niya ay naroroon si Winston sa kanang bahagi niya. Sa kaliwa naman ay si Josh at Rambo.
"Mga hayop kayo sino kayo?"
"Nakikilala nyo ba ako ha? Mga putangina nyo."
"Sino kayo at anong kailangan nyo? Kong pera lang ang kailangan nyo ay ibibigay ko."
" You f*****g asshole, sino ka? Makawala lang ako dito pagbabayarsn mo 'to ng mahal."
Eto ang mga sinasabi ng limang lalaking na nakabitin. Nagtatapang-tapangan pa ang mga eto kahit ganoon na ang kanilang kalagayan. Habang kalmadong lang si Master Ryo na hawak-hawak ang isang IPad. Tinitingnan niya dito ang mga pagkakakilanlan ng limang nakabiting lalaki at iba pa nilang mga impormasyon.
"Alam nyo ba kong ano ang laman nang mga takure na 'yan?" Tanong ni Master Ryo, sa mga eto. Dahil mga bisita ko kayo hayaan ninyong aliwin ko kayo."
"Ulol!" Ang sabi nang isang bihag.
"Oh, Mr, George Ang, ikaw ang unang tumahol oh sige ikaw ang uunahin ko. Madali lang naman 'to. Isang tanong at isang sagot lang ganon lang ka-simple...Ang tanong.......Sino ang nagpapatay kay Hataru Hamada? Alam kong kilala mo siya dahil galit ka sa kanya, dahil binarat ang Farmlot mo sa Nueva Ecija hindi ba? Noong panahong bagsak na bagsak ka...sagot Mr. George Ang."
"Wala akong alam sa tinatanong mo." Sagot ni Mr.Ang. Sumenyas ng kamay si Ryo at lumapit si Rambo kay Mr.Ang. Binubuhusan niya eto ng kumukulong mantika sa katawan ng pa-konti konti...Nagpalahaw sa sakit si Mr. george Ang. Ang mga kasamahan naman nitong kapwa nakabitin ay nagsimula nang matakot. Nagmumura na sila at nagsisigaw ang iba.
"Sinungaling ka Mr. George Ang...Dahil mula ng mamatay si Hataru Hamada ay biglang nag boom ang buhay mo. Nagtataka ako kong bakit naibalik sayo ang farm lot na nabayaran na ni Hataru Hamada..Sino ang tumulong sayo? Isa ba sa kanila? SAGOT." Baritonong tanong ni Ryo.
"O-oo may tumulong sa akin, si Mayor Samuel Lim, siya ang tumulong sa akin. Ipinakilala niya ako kay Mr. Toque."
"Mr. Toque...siya ba ang pinuno ng Black Scorpion?"
"Oo. P-pero hindi ko pa siya nakikita. T-tumatanggap lamang ako ng utos mula sa kanya sa pamamagitan ni Mayor Samuel." Ang nanginginig sa takot na sabi ni Mr.Ang.
"Mayor Samuel Lim. Isang mayor huh?..Sino si Mr. Toque? SAGOT?" Sigaw na tanong ni Ryo.
"Wala akong sasabihin sayo. Kong gusto mo akong patayin ay bahala ka." Ang matigas naman nitong sabi. Nasasalamin sa mga mata nito ang paninindigan at pagiging matigas....Nagtagis ang mga ngipin ni Ryo at itinaas niyang muli ang kaniyang kamay.
"Ahhhhhh,!!! Tang-ina mooo." Napasigaw sa sakit si Mayor, Samuel Lim. Nang siya naman ang binubuhusan ng kumukulong mantika sa kaniyang katawan. Nagpapalahaw eto sa subrang sakit na kaniya ngayong iniinda.
"Bruce, ayon dito ikaw naman ang humahawak sa mga hired killer ng Black Scorpion, ikaw ang nagrerecruit sa mga 'to. tssk!tsskk! Ayon dito sa record napakarami nyo nang naging kliyente at mga itinumba...Samakatuwid malaki ang kapangyarihan mo sa black Scorpion at imposibleng hindi mo pa nakikita ang leader nyo....Ngayon, Ituturo mo ba sa akin kong nasaan ang pinuno nyo?"
Hindi sumasagot ang tinatanong ni Ryo. Mukhang matigas din ang isang 'to. "f**k you!" Ang sa huli ay isinigaw nito.
"Ganon ba? Madali naman akong kausap." Wika ni Ryo at muling sumenyas.
Kumilos si Winston at sumalok ng tubig sa drum at isinaboy niya eto kay Bruce. Inihanda ang buhay na mga wire at ipinakita pa mona niya rito ang nagkislapang kuryente ng ipinagdikit niya ang mga eto.
"Sa ari mo siya punteryahin. f**k you pala ha" Utos ni Ryo. Nagwawala man at nagpipiglas si Bruce pero nakatikim parin siya ng kuryente sa katawan. Mangisay-ngisay siya at ng matapos ay tila lantang gulay siya sa naranasan. Kong sakaling palaring makaligtas siya seguradong kaylan man ay hindi na siya magkaka-anak pa. Ang kaniyang sandata ay isa nang baldado. Ikaw ba naman ang kuryentehin doon ay naku! baka tawagin mo na ang lahat ng demonyo.
Samantalang ang isa naman ay kusang kinagat ang kaniyang dila. Para seguro hindi na siya makapagsalita pa. Pero lalo lamang nagalit sa kaniya si Ryo. Tumayo siya mula sa pagkakauupo at kinuha niya ang pang-kuryente at siya na mismo ang kumuryente dito. Kinuryente niya eto sa loob ng kaniyang bibig habang panay ang tulo ng dugo sa sahig. Nangingisay eto nang nangingisay, sa bawat lapat ng labi ng kuryente sa kanya.
"Aamin na ako....aamin na ako..." Hintatakot ng natitirang isa....
Sa Hospital inaalalayan ni Hope si Leon para makapunta ng Cr. Hanggang sa loob ay talagang kailangan niya etong alalayang mabuti.
"Paano ako iihi nito? Y-yong brief ko."
Nahihiya man pero napilitang ibaba ni Hope ang brief ng binata ng hindi umaalma. Kong hindi lang siya nurse ay masagwa talaga eto, may malisya ba, at masasabing bastos. Pero isa siyang nurse at normal lang sa isang nurse ang makakita at humawak ng s*x organ ng isang lalaki. Lalo na kong maglalagay sila ng catheter sa ari ng pasyenteng kailangan lagyan nito.
Hindi naman sa kanya pinapahawak ni Leon ang kanya, nagpapatulong lang naman etong ibaba ang kaniyang suot na brief. Naiilang pero pikit matang ginawa niya.Tinulungan din niya etong maka-upo ng maayos sa toilet bowl. Lihim namang napangiti si Leon.
"Aray! Dahan-dahan naman. Baldado na nga ang tao. "
"Dahan-dahan naman ah, maarte ka lang. Ano masarap bang magpakalasing at madisgrasya?..Sige na lalabas na ako. Tawagin mo na lang ako kong tapos ka na diyan."
"Masarap. Kong sa ganitong paraan aty napansin mo ako. Masarap kasi nakatikim ako ng pagalaaga buhat sayo. Kahit seguro habang buhay na akong ganito basta nasa akin ka masaya na ako. Wala na akong nanaisin pang iba." Wika ni Leon sa kaniyang sarili ng makaalis si Hope.
Habang nasa banyo naman si Leon ay naisipan ni Hope na tawagan si Ryo. " Bebeko pasensya na namimiss lang kita."
"I miss you too! my Anata. Gusto mo bang ipasundo kita?"
"Sige...Kita na lang tayo mamaya I love you!"
"Okay, see you lat.."
"Hope, tapos na ako asan ka na?" Sigaw ni Leon na narinig ni Ryo sa kabilang linya.
"Who's that?"
"H-ha? Ah eh pasyente ko. Sige na babye na may bebeko." Mabilis na ibinaba ni Hope ang kaniyang cellphone at pinuntahan na si Leon sa loob ng banyo.
Samantalang naiwang nagiisip si Ryo. Para kasing hindi niya nagustuhan na may ibang lalaking tumatawag sa pangalan ni Hope. Pero inisturbo naman siya ng pagdating ni Winston.
"Master Ryo, nakapasok na sa loob ang spy natin."
"Good. Magpadala din ng mga back-up niya kong sakaling kailangan niya ng tulong. Madali siyang matutulungan."
"Okay master masusunod."
Tumalikod na si Winston upang umalis, subalit tinawag siyang muli ni Ryo." Uuwi ka na ba?"
"Oo sana. Bakit may ipagagawa ka pa ba?"
"Yes. Mayroon nga. Pumunta ka sa warehouse natin ng mga armas, asikasuhin mo ang rush order ni Mr. Ybanez. Nalalapit na ang election at kailangan na daw ng mga kliyente niya 'yan.
"Okay aasikasuhin ko."
"Pasensya na, kinakailangang itaboy mona kita dahil ayaw kong magkaproblema si Hope. Darating din ang araw malalaman mo din ang tungkol sa amin ng kapatid mo. Hindi ngayon...hindi ngayon Winston." ..
"Anong gusto mong kainin?"
"Ikaw."
Napangiti si Ryo. "Sa pagkakatanda ko ay hindi mo pa ako kinakain."
"Hoy, bibig mo. May mga kasama tayo dito ano ka ba."
"Pipi at bingi ang mga 'yan. Huwag mo silang intindihin sa akin ka lang dapat naka-pokus."
"Sayo naman talaga he!he!he!" Pinalupot ni Hope ang kaniyang mga kamay sa braso ni Ryo at humilig siya sa balikat nito..
"Pwede bang doon na lang tayo sa Bar mo magstay. Para maiba naman ang kapaligiran. Gusto ko iyong maingay, masaya at may alak na kasama ka. Pwede ba?" Lambing na pagpapaalam ni Hope. Saglit namang nagisip mona si Ryo. Pero sa huli ay pumayag din eto.
Dinala siya ni Ryo sa isang Bar na isa ding pagmamay-ari niya. Naupo sila sa harapan ng stage na kong saan ay kitang-kita ang bandang nagpeperform ng gabing iyon. Madilim, mausok, maingay, pero masaya.
Kasalukuyang kumakanta ang isang talented at sexy na babae sa entabladong iyon. Umiinom silang parehas nang beer at may masasarap na pulutan sa kanilang mesa. Hangang-hanga naman si Hope sa galing ng banda na nagpeperform. Pero bigla siyang nakaramdam nang inis ng mapansing tutok na tutok ang mga mata ni Ryo sa sexy na singer na iyon na hataw din sa paggiling nang balakang.
"Mata mo,"
"Ha? Ano 'yon?"
"Sabi ko ang mata mo baka tusukin ko 'yan. Kong makatitig eh iba 'din."
Napangiti si Ryo, at bigla siyang kinabig at walang sabi-sabing siniil siya ng halik sa labi. Halos hindi na makahinga si Hope, gustuhin man niyang umatras ay hindi niya magawa. Dahil hawak nang dalawang kamay ni Ryo ang kaniyang mukha.
"Magaling lang siyang kumanta hindi siya ang tinitingnan ko." Pagpapaliwanag ni Ryo sa dalaga.
"Sus! Marunong din naman akong kumanta....Wait kakantahan kita. Dyan ka lang."
Mabilis na umalis si Hope sa kanilang pwesto at tumungo sa entablado ng Bar na iyon. Nakita mona ni Ryo na nakipagusap mona eto sa mga myembro ng banda at hindi naman nagtagal ay may hawak na siyang microphone.
"Hi everyone good evening.. To my special someone out there, this song is specially for you."
?It's a beautiful feeling
What we got deep inside
We got a flame that will last forever
Together you and I?
?Such a rush of emotions
There's no way we can push it away
'Cause they'll never tear our love a part
Our bond will never break?
?Do you believe in the power
Of ever lasting love
We can make it if we stay together
Our love is just enoght?
?Promise me this forever
We'll always stay this way
We can start at the end of time
And do it all again?
?Oh, my love
I'm all yours
And there will never be another one
'Cause I'm eternally yours ?
?My heart's a flames
And it's burning in your name
Even through the sand of times
My love will always grow
And I won't let go......
Napanganga si Ryo nang marinig ang hindi inaasahang magandang boses ng kasintahan. Hindi niyat akalaing may talent pala eto sa pagkanta. Hindi nga din niya namalayang tumulo ang kaniyang luha. Tumagos sa kaniyang puso ang kantang inialay sa kanya ni Hope.
"Hope I'm so lucky....papatayin ko ang sinomang aagaw sayo sa akin. AKIN KA LANG." Ang nakakatakot na wika ni Ryo.