CJAPTER 22

1855 Words
SINABI NG AKIN KA C22 Nasa loob ng private room nang hospital si Hope kasama si Kent. Hindi niya talaga inaasahan na mangyayari eto kay Leon. Mula ng mahagip eto ng jeep ay hindi pa eto nagigising. Bali ang kanang braso at binti nito, at ngayon ay naka-semento. Maraming gasgas, pasa sa katawan at sugat. Meron din etong tahi sa ulo dahil napasama ang bagsak niya sa sementong kalsada. Nang mabasa ni Hope ang mensahe sa kaniya ni Fortune kaninang paggising niya ay nagulat siya. Ka-agad siyang nagpaalam kay Ryo na kailangan na niyang umuwi. Nang makarating ng kanilang bahay ay mabilis siyang naligo at nagpalit ng uniporme. Masyado pang maaga para sa kaniyang shift, pero talagang sadya niyang pumasok ng maaga sa hospital upang puntahan si Leon. Totoong nagalala siya para dito. Hindi man niya eto mahal pero bilang kaibigan at kakilala ng kanilang pamilya ay talagang nalulungkot siya sa nangyaring eto sa lalaki. May bahagi sa kaniyang konsensya na sinisisi ang kaniyang sarili dahil nga sa nangyaring eto sa binata. Lalo na nang sabihin ni Philip na lasing eto ng naaksidente at mukhang dinibdib ang pagka-basted. Naalala din ni Hope na mula nang bastedin niya eto ay hindi na niya nakikita si Leon sa kanila. "Tinawagan ko na ang kapatid niya sa Canada para malaman nila ang nangyaring eto kay Leon. Pero malabong makauwi daw sila. Matanda na at Naka- wheel chair na daw ang mother nila. Ang nagiisang kapatid naman ni Leon ay bagong panganak lang din. Kawawa naman si Leon, kailangang kailangan pa naman niya sila ngayon. Seguradong alagain siya, tingnan mo naman itsura niyan nakasemento ang braso at pilay pa. Paano kakain 'yan? Pupunta ng banyo? Nakakaawang nilalang...Masyado mo kasing sinaktan kaya nagkaganyan 'yan." "Kuya ah, ako talaga ang sinisi mo. Kasalanan niya, Kong bakit kasi uminom siya at naglasing eh, sa pagkakaalam ko ay hindi naman yan umiinom 'di ba nga." "Hope, kapag may problema ang tao sa alak kumakapit. Seguro gustong makalimot sa sakit nang kabiguan sa pag-ibig. Mahal na mahal ka kaya niyan. Iyong mga sugpo, alimangong malalaki, hipon, at basta mga seafoods na sarap na sarap kang kainin ay galing palagi sa kanya. Dinadala niya sa bahay. Eh bakit niya ginagawa iyon sa tingin mo? Sa ating magkakapatid ikaw lang ang mahilig 'don...Ke bait-bait ng tao sayo. Gwapo naman, tingnan mo nga pang model at artestahin naman si Leon. Ano pa ba ang kulang?" "Kuya Kent, ang kulang ay....hindi ko nga siya mahal. Wala akong nararamdaman sa kaniya. May mahal na akong iba. Hindi sapat ang perpekto sa akin Kuya, boring sa 'kin 'yon walang dating." "Ganon? Ang gusto mo pala ay maginoo pero medyo bastos, ganon ba?" "Hindi naman sa ganon....Kasalanan ko ba kong ang gusto ko sa isang lalaki ay 'yong matapang, humahawak ng baril, nakikipaglaban, nakikipagpatayan, iyong marunong sa karate ba o martial arts, at nakikipaghabulan sa mga kalaban." Halos parang tubig sa takure ang pagkulo ng dugo sa katawan ni Kent. Hindi niya akalaing ang mala-anghel niyang kapatid ay ganito pala ang gusto. Lumalaki ang kaniyang mga mata at butas nang ilong sa pagkagulat habang patuloy na nagsasalita si Hope. "Kong kagaya mo ba siya kuya Kent eh, 'di seguro ay napansin ko na siya noon pa. Alam mo bang idol na idol kita kasi ang astig mo kaya, kayong dalawa ni Kuya Winston, napaka- astig." "HA?" Napakamot na lang ng ulo si Kent. Parang binuhusan kasi siya ng malamig na tubig." "Mas astig kaya ako kay Kuya Winston 'no. Siya security guard lang, samantala ako Pulis." "Talaga lang kuya Kent. Kong alam mo lang, wala ka kay Kuya Winston at mas lalo na sa boyfriend ko ha!ha!ha!...Siya lang naman ay isa sa mga boss ng sindikato....sindikatong hinahanap hanap ninyong mga ka-pulisan pero 'di mahulihuli." Tahimik na sabi ni Hope. "Siya nga pala Hope sabi pala ng kapatid ni Leon na si Tessa kong pwede daw ikaw na lang ang kuhanin nilang nurse para kay Leon. Hanggang sa makahanap sila ng kamag-anak na magaalaga at makakasama diyan kay Leon. Dodoblehin daw ang bayad sayo." Napatingin si Hope sa kawawang si Leon. Isa siyang nurse kaya alam niyang talagang kailangan ng binata ng magaalaga sa kanya. Nakaramdam din siya ng awa dito, dahil talagang mag-isa lang eto sa buhay ngayon. Nagtataka siya kong bakit hindi pa eto sumusunod sa pamilya nito sa canada. Ganito ba niya kamahal ang pinas kaya hindi niya maiwan. "Payag ako kuya Kent. Tungkulin kong magalaga ng pasyente. Isa pa hindi na iba sa atin si Leon at para kahit dito man lang ay masuklian ko ang pagmammahal niyang ibinigay sa akin.".... ********* Laking gulat ni Ryo ng malamang nasa kaniyang pagaaring Club si Crizza. Magisa daw etong umiinom ng alak at mukhang lasing na. Papasok pa lamang siya sa loob ng club ng salubungin siya ng kaniyang katiwala doon. Pagpasok ni Ryo ay nakita niya agad si Crizza, pero may dalawang lalaking tila binabastos ang dalaga. Halata sa mukha ni Crizza ang pagpalag at pagiwas sa mga lalaki. Mabilis na pinuntahan siya ni Ryo at tinulungan eto sa dalawang lalaking bastos. Sumenyas si Ryo sa mga tauhan niya kaya naman kinasahan nang baril sa ulo ang mga eto bago kinaladkad palabas. "Salamat at dumating ka hu!hu!hu!" Sabay yakap ni Crizza kay Ryo. "Anong ginagawa mo dito at bakit umiinom ka magisa?" "R-ryo, gusto lang kitang makita. Gusto ko lang din na ecelebrate ang birthday ko...Nakalimutan mo na babirthday ko ngayon at hindi ba birthday ko din noon nang ibinigay ko sayo ang virginity ko....Alam mo bang ikaw lang hanggang ngayon ang lalaking minamahal ko. " "Stop it Crizza. Baka nakakalimutan mo ikaw ang nang iwan sa akin." "Alam ko naman 'yon. Pero ang pangako ko sayo na ikaw lang ang lalaking mamahalin ko ay tinutupad ko parin hanggang ngayon. Pero ikaw, kumusta ang pangako mo sa akin ha? Na ako lang ang babaeng mamahalin mo. Natupad ba? " " Crizza ipahahatid na kita, lasing ka na." "No....Mag-promise ka mo na sa 'kin...Tell me that you still care for me...Hindi mo ako iiwasan, kahit magkaibigan na lang tayo. Tell me that at uuwi na ako." Ang matigas nitong sabi. Kinapa ni Ryo sa kaniyang sarili ang tunay na nararamdaman para kay Crizza. Yes, he is still care for her. Hindi naman kasi ganon kadali ang burahin eto sa kaniyang buhay lalo na at eto ang una mong minahal. Kahit pagbalik-baliktarin mo man ang mundo ay may nakaraan sila. Maganda man o panget may maiiwang ala-ala. Nagpakawala mona ng malalim na hininga si Ryo bago sinabing "Okay,". Natuwa naman si Crizza at niyakap niyang muli eto... " H-hope...na-nasaan ako?" Sa wakas ay nagising na si Leon, hawak-hawak nito ang ulo niya at tila nagtataka sa paligid at itsura niya. "Leon, nagkamalay ka na." Natutuwang sabi niya at tinawagan ang doktor para pumaroon ng matingnan si Leon. "Leon, natutuwa ako at gising ka na ibig sabihin niyan magiging okay ka na. Nandito ka sa hospital, natatandaan mo ba kong ano ang nangyari sayo?" Inabutan niya ng maiinom na tubig ang binata. Uhaw na uhaw naman eto habang inaalalayan siyang painumin ni Hope. Pilit namang inaalala ni Leon ang nangyari." Umiinom akong mag-isa sa bahay at____ hi-hindi ko na maalala." "Nadisgrasya ka ng tumawid papunta sa amin. Ikaw ba naman tumawid ng basta-basta na may dumadaang mga sasakyan , kaya ayan ang nangyari sayo. Buti na lang kamo at hindi ka napuruhan, kong hindi baka pinaglalamayan ka na ngayon. Lasing na lasing ka ba naman, may balak ka bang magpakamatay, may kikitain ka ba sa kabilang buhay at nagmamadali ka..... Bakit ka kasi uminom eh hindi ka naman pala-inom. Nakita nila kuya Philip at kuya Kent sa bahay mo ang sangkaterbang basyo ng mga alak." Dakdak ni Hope, hindi niya kasi mapigilan ang sarili. Naaawa at naiinis siya sa naging kalagayan ngayon ni Leon. Ang totoo rin ay sinisisi niya ang kaniyang sarili. Hindi umimik si Leon. Tyempong pagpasok naman nang doctor at ginawa ang katungkulan nito.. Nakaalis na ang doctor at naiwan na silang dalawa. Naging tahimik ang kapaligiran parang nagpapakiramdaman kong sino ba ang unang magsasalita. Nakita ni Hope na gumagalaw si Leon, tila may gusto etong gawin pero hindi magawa. Kaya napilitan na siyang lapitan eto at tanungin. "Ano ang balak mong gawin?" "Makati, makati ang tagiliran ko 'hindi ako makakilos ang sakit ng katawan ko." "Eh talagang masakit 'yang katawan mo ibinangga mo ba naman sa katawan nang jeep kaya ayan napala mo....Ako na , ako na ang kakamot manahimik ka na lang diyan." Naiinis na wika ni Hope, pero nagaalala naman siya sa binata. Napangisi si Leon. "Sa may tagiliran ko makati talaga." "Dito ba?" "Baba pa." Natigilan saglit si Hope dahil ang tinutukoy ni Leon na dapat niyang kamutin ay ang bandang kapitan ng garter ng brief nito. Pero itinuloy din niya. Nakita niyang namumula eto at may pantal parang pinagkakagat nang langgam. Bahagya lamang niya etong kinakamot. Titig na titig naman si Leon sa kanya, hindi na yata nito alintana ang kating nararamdaman. "Aha, andyan ka pala. Anong meron ba dito at dito ka pa namahay ha? May asukal ba dito oh isa kang babaeng langgam ang swerte mo ah" Nakita ni Hope ang salarin na langgam at inalis niya eto sa balat ni Leon. " Buti pa ang langgam alam na matamis ako, samantalang ang iba dyan mapait na apdo ang tingin sa akin." "Drama yan?...eto na nga oh pumayag na nga akong maging private nurse mo. Baka sabihin ng iba diyan eh may pusong bato ako." "Talaga ikaw ang magaalaga sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Leon. "Oo nga. Nakiusap din ang kapatid mo na si Tessa kasi hindi daw sila makakauwi." "Alam ko naman na hindi sila pwedeng pumarito kahit nagkaganito ako. Sisisihin lang nila ako dahil, bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila sa Canada." "Eh bakit nga ba? Nagiisa ka lang dito." "Gusto mo ba talagang malaman ang sagot?" "Oo naman." "Dahil sayo." Hindi makapagsalita si Hope at napayuko sa pagiiwas nang tingin dahil sa nagulat sa sagot ni Leon. Hindi na kailangan pang magtatanong pa siya, dahil may kutob na siyang ang isasagot nito ay ang pagmamahal ng binata sa kaniya. Mukhang nakatulog nang muli si Leon, ng magangat ng mukha si Hope. Subalit malakas ang kaniyang pakiramdam na nakapikit lamang ang mga mata nito. "Gusto mo bang kumain, may sopas dito oh, alam ko kasing paborito mo 'to. Ang sarap pa naman ng pagkakaluto ko nito." "Sige nagugutom nga ako. Talaga ba ikaw ang nagluto niyan?" "Oo nga. Almusal namin eto sa bahay. Sabi kasi nila kuya Philip paborito mo raw 'to kaya eto dinalhan kita. "Paano ako kakain niyan baldado na ako. Sa totoo lang kanina pa kinakain ng mga bulate ko sa tiyan ang mga bituka ko. Mamatay na ako sa gutom nito wala kasing gustong magalaga at nagmamahal sa akin." "Aysus, drama yan?...Kahit hindi ka naman magdrama diyan ay aasikasuhin talaga kita. Oh eto nganga". Naupo si Hope sa tabi ni Leon at nagumpisa na etong pakainin. "Aba'y lakilakihan mo naman ang pagnganga ah, kong hindi ipapasok ko ang buong kutsara diyan sa ngalangala mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD