SINABI NG AKIN KA C15
Nagising si Master Ryo sa kaniyang pagkakaidlip at nakita niya ang maamo at magandang mukha ni Hope na nakayakap parin sa kanya. Napangisi siya dahil eto lamang ang ikalawang babae sa buhay niya na hinayaan niyang tumabi sa kanya at yumakap pagkatapos nang pakikipagtalik.
Ang una ay si Crizza ang kaniyang first love at first girlfriend noon. Masyadong masakit nang iwanan siya nito dahil subra niya etong mahal. Kaya nangako siya sa kaniyang sarili na hindi na siya magmamahal muli dahil ayaw na niyang umasa at masaktan. Isa siyang Mafia kaya batid ni Ryo na ang mga katulad niya ay kinakatakutan, iniiwasan, kriminal at walang kapayapaan at katahimikan sa piling niya. Dahil eto din ang sinabi sa kanya noon ni Crizza.
Kaya magmula noon ay naging parausan na lamang sa kanya ang mga babae. Hindi naman sila lugi sa kanya dahil ibinibigay naman ni Ryo ang lahat nang hilingin nila. Pera, trabaho, posisyon at kong ano-ano pa. Naglagay siya ng mataas na pader upang hindi siya magkagusto at umibig muli sa sinomang babae. Ngunit iba ang babaeng katabi niya ngayon na kahit alam nitong isa siyang Mafia ay sige parin ang lapit sa kanya.
Pinakatitigan ni Ryo si Hope hindi siya makapaniwalang nakalagpas eto sa mataas na pader na kaniyang iniharang sa mga babae. Kanina lamang umaga ay hindi niya napigilan ang sarili na tawagan si Winston upang itanong o kumustahin ang dalaga na ikinagulat din niya. Huli na nang mapagtanto niyang ano ang karapatan niya para kumustahin ang kapatid ng kaniyang tauhan.
Ang totoo niyan palagi nang laman ng kaniyang isipan si Hope sa mga nagdaang araw. Naiisip niyang baka tumakas nanaman eto sa mga kapatid at kong saan-saan nanaman nagsusuot. Natutunan na niyang magalala sa dalaga na hindi niya napapansin. Baka napapahamak nanaman eto at hindi nila alam, natatakot siyang may mangyaring masama sa dalaga at hindi niya eto matulungan. Tinitinggnan din niya madalas ang tracking device na nakakabit sa kanilang cellphone na dalawa, at kapag nakikita niyang nasa lugar eto ng bahay nila Hope at sa Hospital na pinagtratrabahuan nang dalaga ay doon lamang siya nakakahinga ng maluwag. Subra siyang nagtataka at naninibago sa kaniyang sarili, dahil datirati naman ay laman lang nang kaniyang isipan ay ang kaniyang mga trabaho o mga kakompetensya sa negosyo at misyon.
Hindi siya makapaniwalang nasa tabi lang niya ngayon ang dalaga, nakayakap na mahimbing na natutulog. Halos hindi rin makapaniwala si Ryo na nakuha niya ang p********e ni Hope na sa kaniya eto ibinigay. At muli sa ikalawang pagkakataon ay nagkaroon nang kulay ang buhay ni Ryo.
"Susugal ako sayo Hope, sana sa pagkakataong eto hindi ako mabigo. Wala sa sariling hinawi ni Ryo ang hibla nang buhok ng dalaga na tumatakip sa kaniyang mukha. Hindi rin niya napigilan ang sariling haplusin ang mukha nito.
Nagising si Hope at parang namamalikmata lamang siya. Dilat na dilat siya dahil sinisino niya mona kong tama ba ang nakikita niya. Baka kasi nananaginip lamang siya.
"Baby, you need to go home now. Baka hinahanap ka na ni Winston sa inyo. Gusto mo bang malaman at abutan niya tayo nang ganito."
Doon lamang natiyak ni Hope na totoo ang nakikita niya at totoong nagtalik sila dahil kapwa silang dalawa na hubad at nasa silid siya nito.
"Aye, oo nga pala si Kuya." Biglang kumalas si Hope sa pagkakayakap kay Ryo. Pero nang siya ay aalis na sana sa kama ay bigla siyang kinabig ni Ryo pailalim sa kanya.
Gulat man ay napatulala si Hope sa mga mata ni Ryo. Hindi rin niya inaasahang hahalikan siya nitong muli. Halik na punong-puno nang kahulugan, naghahatid nang kakaibang ligaya sa kanilang mga puso.
"Akin ka na ha?"
"Ohm." Ang tangong tugon ni Ryo sa dalaga at ngumiti eto.
"Okay, magbihis ka na at ipapahatid na kita sa inyo. May gusto ka ba at ibibigay ko."
"Wala. Ikaw lang ang gusto ko. " Pagkasabi nito ni Hope ay niyakap niya si Ryo at hinalikan eto sa pisngi. Hindi umimik si Ryo pero masaya ang puso niya masayang masaya...
Nakaalis na si Hope sa mansion ni Ryo kaya naghanda narin siya para umalis. Ganado siyang magtrabaho ngayon at tamang tama naman dahil makikipag meeting siya sa isang mahalagang tao na matagal na niyang tinatarget. Isa etong taong makakapagturo sa kanya kong sino ang tunay na mastermind sa pagpatay sa kanyang Ama na si Hataru Hamada.
Si Hataru Hamada ay isang tahimik na negosyante na namimili nang mga paluging mga negosyo at mga lupain, na pinapatayuan niya ng mga bagong gusali o 'di kaya naman ay gagawing mga farm. Sa kabila nang pagiging isang negosyante nito ay nakatago ang isa pa niyang katauhan bilang isang underboss mafia nang sindikatong White Mafia. Sa mundo ng mga White Mafia's ay subrang ingat nila, masyado silang tago at mahirap silang makilala. Kong hindi ka kabilang sa kanila ay hindi mo malalaman na ang taong kaharap mo pala ay isang White Mafia. Ngunit sa kabila nang pagiging isa nilang Mafia ay naiisahan parin sila ng iba.
Masuwerte nga lamang si Ryo dahil bago eto namatay ay nakilala mona niya eto at nakasama nang higit sa dalawang buwan. Matalino ang kaniyang Ama dahil pinanatiling tinago siya nito maprotektahan lamang siya. Mula ng makilala ni Ryo ang kaniyang ama ay hindi sila nagsasama sa iisang bahay, may sariling bahay na tinutuluyan din si Ryo. Magtagpo at magsama man silang mag-ama noon ay patago lamang.
Isang gabi ay nakatanggap si Ryo nang tawag mula sa isa sa pinagkakatiwalaang tauhan nang kaniyang ama at ibinalitang patay na eto. Pinatay siya ng isang hired killer na babae.
Napakasakit nang malaman niyang patay na ang kaniyang Ama. Hindi manlang nagtagal ang kanilang pagsasamang dalawa na mag-ama. Ngunit naipakita naman nito sa kanya na mahal na mahal siya ng kaniyang ama at ang kaniyang Ina. Naawa lamang siya sa kaniyang ama dahil hindi eto sinuklian nang kaniyang Ina. Namatay etong walang tumanggap at nagmahal sa kaniyang tunay na pagkatao.
Nakaligo at nakapagbihis na si Ryo, at hawak-hawak niya ngayon ang isang baril na hindi niya nakakalimutang dalhin sa tuwing lalabas siya nang bahay...
Sa bahay ng mga De Asis ay parang baliw na tumatawa mag-isa si Hope. Kasalukuyan silang kumakain sa lamesa nang hapunan. Sila lamang tatlo, si Philip at Fortune. Si Kuya kent niya ay nag-duty na panggabi parin kasi eto. Si Winston naman ay paneguradong hindi nanaman eto uuwi.
Sa kabila na alam na ni Hope ang trabaho ng kaniyang kuya ay nananatili etong tikom ang bibig sa iba pa nilang mga kapatid. Tinanong nga siya ni Winston kong galit daw ba siya at kong ikinahihiya daw ba niya eto. Tinanong din siya ni Winston kong alam na din ba eto ng mga kapatid nila.
Ang sagot ni Hope ay " Kuya, bakit naman ako magagalit saiyo o bakit kita ikahihiya nang dahil isa kang myembro nang mafia. Nang dahil diyan sa trabaho mo ay nabuhay mo kami ng maayos, naiaalis mo kami sa lansangan, nagkalaman ang aming mga sikmura, nakapag-aral at nakapagtapos kami nang dahil diyan. Nauunawaan ko ang lahat kong bakit mo kinagat ang trabahong 'yan Kuya. Mamimili pa ba tayo, sino ba tayo sa lipunang eto? Hindi ba?. Ang mahalaga ay kong ano ka, hindi ang klase nang kong anong trabaho meron ka Kuya Winston. Mas mabuting sila na ang makatuklas din o ikaw ang magsabi sa kanila, pero segurado din naman akong pareparehas lang kami na ganito ang sasabihin sayo. Mahal ka namin kuya ,mahal na mahal ka naming lahat tandaan mo 'yan. Kong sino man ang maging kalaban mo ay kalaban ko din."
"Hope napapano ka?" Nagaalalang sita ni Philip.
"H-ha?"
"Bakit tumatawa ka nang ganyan panay ang ngiti mo at bungisngis." Saad naman ni Fortune.
"Sus, wala ah. Magsikain lang kayo diyan ang sarap ng lechon oh ang sarap he!he!he!."
Nagkatinginan naman sina Philip at Fortune. Pritong tilapia at pakbet ang ulam nila sa lamesa walang lechon. Napailing-iling na lang ang dalawang lalaki habang kumakain at pinagmamasdan si Hope. Sumusubo at ngumunguya naman eto pero parang iba ang iniisip, parang na-hepnotismo o nanuno yata.
"Hope pakiabot nga ng Lechon." Wika ni Fortune.
Kumilos naman si Hope at dinampot ang sandok nang ulam at iniabot kay Philip.
"HOPE ANO BA?" Napasigaw tuloy ng 'di oras si Philip. Nagulantang naman si Hope kaya napatingin sa kapatid.
"Napapano ka ba ha? Mula nang umuwi ka dito hindi na maalis-alis 'yang ngiti mo, baka mapunit nayang labi mo kakangiti mo. Ayan nga parang namamaga at may sugat pa nga. Nahipan ka ba nang masamang hangin sa labas at nagkakaganyan ka."
Impit na-tawa lamang ang isinagot ni Hope. Paanong hindi mamaga at magkakasugat ang labi niya eh nalamog sa laplapan kanina ang kaniyang labi. May sugat nga ang labi niya dahil nakagat niya eto kanina nang madiin nang ma-virgin siya ni Ryo.
"Oy Hope sumagot ka? Ano bang nangyayari sayo ha? Nagaalala na kami sayo."
"W-wala kuya Fortune....Pero gusto nyo ba talagang malaman?" Ang masayang tanong ni Hope.
"Kaya nga kami nagtatanong sayo hindi ba?" Inis na sabi ni Philip.
"Okay sabihin ko na nga...Ohmm! Kasi ganito 'yon NAKAKITA AKO NG NAG-IIYUTAN... HA!HA!HA!" Ang lakas ng tawa ni Hope sabay karipas nang takbo papunta sa taas nang bahay. Naiwan namang natulala ang dalawang magkapatid na lalaki.
"Siraulong 'yon." Wala sa sariling nabigkas ni Philip. Pagkatapos ay natawa silang dalawa ni Fortune. Na napatawa na lamang sa inaakalang kalokohan nang kapatid. Wala silang kamalay malay sa totoong ginawa ni Hope.
Sa silid ni Hope ay nananatiling nakaapak parin ang dalaga sa cloud nine. Ginugunita ang nangyari sa kanilang dalawa ni Ryo. Sa kaalamang kanya na ang lalaki ay napakasaya niya. Naiisip niya ang pagkain sa kanyang bulaklak nito kanina. Na kahit iniinda niya ang sakit na dulot nang pagangkin sa kanya ni Ryo ay masaya siya.
"Masarap pala talaga ang magmahal at masarap ang s*x ha!ha!ha!...lalo na kapag mahal mo at kasing yummy nang bebeko. Aye..from now on I will call him bebeko, hi!hi!hi...hmm! Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?"
Kinuha ni Hope ang kaniyang cellphone at binuksan eto. Una niyang tiningnan ang location ni Ryo at nakita naman niyang wala eto sa location ng mansion nito.
"Wala ka pala ngayon sa bahay alas onse na ah. Busy ka ba at wala ka man lamang text sa akin. Di bale promise ko sayo magiging maunawain akong girlfriend mo. Papatunayan ko sayo na ako ang babaeng karapatdapat sayo mahal ko....Iyong babaeng nakita ko si C-crizza ba 'yon, alam kong may gusto din iyon sayo. Pero sorry na lamang siya dahil akin na si Ryo ko....maglaway na lang kayo no."
Ibinalik ni Hope ang kaniyang cellphone sa pinagkuhanan nito kanina at tumungo siya sa kaniyang tokador at kumuha ng tuwalya, ternong pajama at panty at pagkatapos ay lumabas ng kaniyang kwarto upang tumungo sa banyo. Wala kasi silang banyo sa kani-kanilang kwarto, isa lamang sa ibaba at isa sa ikawalang palapag ng kanilang bahay.
Pagpasok ni Hope sa banyo ay naghubad na eto at tumapat sa shower. Ngunit napaihi mona siya bago man niya buksan ang pihitan ng shower. Halos mangiyak ngiyak si Hope at nanginginig ang kaniyang kalamnan ng sumirit ang kanyang ihi. Subrang hapdi ang kaniyang naramdaman napakagat labi siya sa pagpipigil at napahawak sa pader makakuha lang ng lakas.
"Ahhraaaykuu!... Totoo talaga na masakit ang ma-virgin pero masaraaap kasi ehhhh ahhraaaykopuu!"......