CHAPTER 16

1845 Words
SINABI NG AKIN KA C16 Sa isang Eklusibong condo unit ay naghahantay sa loob si Master Ryo. Nakasuot lamang siya ng satin na robang kulay pula at boxer shorts. Kampante etong nakahiga sa kama habang inaabangan ang pagdating ng kaniyang special na bisita. Sa labas ng pintuan ng condo unit na kinaroroonan ni Ryo ay may dalawang makikisig na bantay ang nakatayo. Kasalukuyan nilang kinakausap at sinusuri ang isang maganda at sexy na babae. Napaka-iksi ng suot nito na at masyadong mapangakit. "Sorry miss pero kailangan ka mona naming kapkapan bago ka makapasok sa loob trabaho lang." "Sure, sige lang. " Ang nakangiting sagot ng babae. Pagkatapos kapkapan at maseguring wala etong dalang anomang armas ay pinatuloy na nila eto sa loob. Pumasok ang babae patungo sa kinaroroonan ni Master Ryo. "Honey andito na ako." Ang malanding saad ng babae. " Mabuti dahil matagal na kitang hinahantay." "Ikaw naman, para na-late lang ako ng sampong minuto eh nagtatampo ka kaagad. Alam mo namang napaka traffic sa pilipinas eh. Hayaan mo susulitin ko naman promise." Sabay lapit sa lalaki at sumampa sa kama. Pagapang ng lumapit eto kay Ryo at Parang sinasadya din nitong ipakita ang luwa niyang dibdib. "Sandali." Pigil ni Ryo sa babae. "Bakit?" Pagtatakang tanong naman nito. " Gusto ko monang maghubad ka sa harapan ko. Gusto kong makita ang kabuuan mo." "Okay, kong 'yan ang trip mo. Ikaw ha gusto mo yatang tingnan kong makinis ba talaga ako o may mga peklat sa katawan." "Ganon na nga. Mahal ang ibinayad ko sayo gusto ko lang makaseguradong hindi ako lugi." Seryosong wika ni Ryo. Nakasandal siya sa headboard ng. kamang iyon. Nakangiti namang pinagbigyan siya ng babae. Hinubad nito ang suot na maiksing damit at lumantad sa mga mata ni Ryo ang kabuuan nito. Wala etong suot na bra tanging panty lang ang mayroon eto. Panty na lace at t-back pa. Makinis, maputi, at sa tantiya ni Ryo ay hindi bababa sa bente sais ang edad nito. Kaakit akit ang taglay nitong kagandahan at alindog. Bumangon si Ryo mula sa kama at naglakad papalapit sa hubad na babae. Nagpaikot-ikot mona siya na tila sinusuri ng malapitan ang babae. Buong kompyansa naman ang babae na nakatayo ng hubad at sinusundan ng tingin si Ryo. "Hindi na ako magpapaligoyligoy pa black lily." Napatda ang babae sa sinabi ni Ryo. Lumingon eto bigla at kinarate si Ryo na maagap namang nakailag. Mabibilis na sunod-sunod na sipa at suntok ang kaagad nitong pinakawalan ngunit mabilis ding nakakailag si Ryo. Bale wala sa babae na nakahubad siya dahil patuloy etong umaatake kay Ryo. Ngunit nang bigwasan ng isang malakas na sipa sa sikmura ang babae ay tumilapon eto sa sahig. Namimilipit na tatayo na sana eto pero nakapasok na ang dalawang bodyguards ni Ryo sa loob bukod pa sa mga bantay niya sa labas. Nakatutok na sa babae ang mga baril nila at si master Ryo naman ay naupo sa gilid na bahagi ng kama. Sumenyas siya sa isa niyang tauhan upang ihagis sa babae ang damit nito. "Black lily magbihis ka mona. Gusto ko lang na makapagusap tayo sa paraang parehas tayong makikinabang. Hindi ikaw ang tunay kong sadya." "Wala pala bakit mo ako ginanito? " Ang sigaw nito na nangangalit. "Dahil ikaw ang makakapagbigay sa akin ng lahat ng impormasyon na kailangan ko." "At anong mapapala ko?" "Marami. Maraming marami. Miss Dahlia Montepaz a.ka. Black lily.. Alam kong nagulat ka at alam ko ang tunay mong pangalan. Alam ko din na may kapatid ka na iniingatan at iyon ang dahilan kong kaya napipilitan kang gawin ang mga bagay-bagay na labag sa iyong kalooban. Alam ko ang pangalan ng kapatid mo at kong saan siya nakatira at nagaaral." "Walang kinalaman ang kapatid ko sa ano pa man, huwag mo siyang gagalawin parang awa mo na." Bakas sa mga mata ng babae ang labis na pagaalala. "Kaya nga maguusap tayo ng maayos hindi ba. Makinig ka dahil ayaw ko nang paulit-ulit. Kaya kong ibigay ang mga bagay na hindi kayang ibigay ng boss mo ngayon. Makakalaya ka sa pagiging hired killer, pagbebenta ng katawan na alam kong napipilitan ka lang gawin. Mabibigyan kita ng bagong buhay, at mailalayo ko kayong magkapatid sa buhay na meron ka ngayon. " "Kalokohan, makapangyarihan ang boss ko at Hindi ko ilalagay sa kapahamakan ang kapatid ko. Patayin mo na lang ako dahil hindi ako magpapaloko sayo." "Katulad ng boss mo kaya ko ding gawin ang mga imposible." "Paano mo magagawa? Sino ka ba?" "Isa akong leader ng Mafia. Ano sapat na ba yan sayo black lily?" "Ano ba ang kailangan mo sa akin?" "Simple lang, sabihin mo sa akin kong sino-sino ang mga nagpapalakad ng Black Scorpions (Pangalan ng sindikatong kinabibilangan ni Black lily). Lahat ng alam mo sa sindikatong eto ay gusto kong malaman. Kapalit nito ay seseguraduhin ko ang inyong kaligtasan magkapatid." "At paano ko mapapatunayan na kaya mo nga kami ng kapatid kong proteksiyunan. Hindi mo kilala kong gaano kasama ang sindikatong 'yon, wala silang sinasanto at marami sila may mga posisyon sa lipunan." Dinukot ni Ryo ang kaniyang cellphone sa bulsa ng suot na pants at may kinontak "Winston ipasok mo siya dito." Nagtataka si Black lily pero hindi naman nagtagal ang kaniyang pagiisip. Nang bumukas ang pinto ay nakita niya agad ang kapatid niya kasama ni Winston. Hintatakot ang mukha ng kaniyang kapatid. "Ate." Patakbong lumapit eto sa kaniyang kapatid. "Linda...Anong ginawa nyo sa kapatid ko? Mga hayop kayo." "Relax. Wala pa kaming ginagawa sa kanya. Depende sa isasagot mo kong magugustuhan ko ba o hindi. Pero eto lang ang masesegurado ko sayo black lily. Lalabas kayo sa kwartong eto ng patay o lalabas kayo dito ng buhay patungo sa inyong kalayaan. Ngayon mamili ka." Seryoso at maawtorisadong wika ni Ryo sa kaharap na babae. Nananatiling nakaupo eto sa sahig. Saglit na nagisip si Black lily. Pero naisip din niyang makipagsapalaran sa taong kaharap niya ngayon na nangangakong bubuhayin sila at bibigyan ng kalayaang mamuhay ng maayos. Tulad nga ng sinabi ni Ryo dalawa lang ang kasasapitan nilang magkapatid ngayon, ang lumabas ng buhay o patay. Napagaralan na niyang mabuti ang taong kaharap, nagsasabi nga eto ng totoo isa etong mafia. Isa siyang hired killer kaya sisiw na din sa kaniya ang kumilatis ng antas ng isang tao. "Gusto ko lang monang malaman at maseguro kong paano mo kami bibigyan ng panibagong buhay." "Ang sagot... plastic surgery at bagong katauhan, kasama ang mga bago ninyong dokumento upang makapamuhay ng walang makakakilala sa inyo. Ipapadala ko kayo sa Japan doon makakapagaral ang kapatid mo at makakapagtrabaho ka. Bahay at trabaho wala ka ng proproblemahin pa. Magiging parte kayo nang aking malaking pamilya, pero hindi kita pipiliting gumawa ng labag sa iyong kalooban. Ngunit sa sandaling traydurin ninyo ako ay kamatayan ang inyong sasapitin. Maliwanag ba?" "K-kaya mong gawin 'yon? " Ang halos hindi makapaniwalang tanong ni black lily kay Ryo. "Ako si Ryo Hamada under boss ng White Mafia walang imposible sa isang katulad ko... Ano makikipagtulungam ka na ba sa akin?" Muling natahimik si Black lily tipong nagiisip etong mabuti. "Master Ryo Hamada, pumapayag na ako. Ibinibigay ko na ang buhay naming magkapatid sa iyong mga kamay." Ang sa wakas ay naging desesyon niya. "Good." Napangiti si Ryo. Eto na ang daan upang matagpuan at malaman niya kong sino ang pumatay sa kaniyang ama at kong bakit... Kinaumagahan pagkagising ni Hope ay masaya niyang tiningnan agad ang kaniyang cellphone umaasa na may text sa kaniya si Ryo. Ngunit laking pagkadismaya niya nang makitang wala etong text o miscall man lang. Ang masayang pakiramdam kanina ay biglang naglaho. "Ano ka ba Hope, Hindi isang ordinaryong lalaki ang boyfriend mo isang mafia at 'yan ang tandaan mo." Mahinang sabi niya sa kaniyang sarili. "Magmumukha naman seguro akong cheapepay nito kong tatawagan ko siya at tatanungin kong bakit hindi manlang niya ako kinokontak matapos may mangyari sa amin. Hmm!..Pero ako si Hope isang maunawaing partner sa aking minamahal na gangster he!he!he!..Ang swerte swerte mo talaga sa akin bebeko." Maarte niyang sabi na parang nababaliw. Pero napansin niya ang sariling may sinat siya at naghanap ng tamang gamot para rito. Batid naman kasi ni Hope kong ano ang dahilan nito at bilang nurse alam niya ang dapat gawin. Araw ng lunes alas otso ang oras ni Hope sa pagpasok sa hospital na kaniyang pinagtratrabahuan. Kahit may dinaramdam ay ginusto parin niyang pumasok sa trabaho. Bilang nurse ay masaya si Hope sa kaniyang tungkulin sa hospital. Naging abala naman ang dalaga sa kaniyang trabaho at nakalimutan na ang tungkol kay Ryo. "Hope." "Oh, bakit Margoux ?" "Nuod tayo sine mamaya." Si Margoux mula ng lokohin ng boyfriend at malaglagan ng anak ay hindi mo eto makikitaan ng kalungkutan. Parang walang anomang masamang nangyari sa kanya. Iyon nga lamang ay madalas etong nagsha-shoping at madalas tumatambay sa sinehan. Minsan nang sumama si Hope dito at ang trip na panoorin ni Margoux ay comedy ngunit hindi naman eto nanunuod sa halip ay natutulog lamang eto. Seguro eto ang kaniyang paraan upang makalimutan ang mapait na kaniyang naranasan. Naaawa si Hope sa kaibigan at sa kanya lamang eto sumasama. Hindi niya eto magagawang tanggihan sa tuwing nagyayaya eto sa kanya. "Sige basta ba libre mo eh tatanggi pa ba ako ." "Your the best talaga Hope. Salamat! Later ha, dont forget dadaanan kita sa house nyo." Ang masayang wika nito at iniwanan na si Hope. Saglit na pinagmasdan ang kaibigang palayo naaawa talaga siya dito dahil nagiisa lamang etong anak. Mayaman nga pero nagiisa. Hindi katulad niya na may apat na kuya's. Na nandiyan lamang sa tabi niya at segurado siyang karamay niya eto sa lahat, sa saya at kalungkutan man. Ipinagsasalamat ni Hope ang bagay na mayroon siya.. Natapos ang buong shift ni Hope sa hospital at nakauwi na siya ng kanilang bahay upang magpalit ng damit. Naghahanda siya sa date nila mamaya ni Hope. "Eto talaga ang tunay, Ang buong akala ko ay nakabingwit na ako ng lalaki iyon naman pala ay parang wala din." Tumunog ang cellphone ni Hope, dali-dali naman niyang pinuntahan eto kong saan naka-charges dahil lowbat. Ganon na lamang ang tuwa niya ng mabasa ang pangalan ng bebeko. "Hello." "Kumusta!" "Okay lang." "Sorry now lang ako nakatawag." "Aysus wala 'yon. Naiintindihan naman kita eh. Ang mahalaga tumawag ka na." Saad nito na tinatago ang kilig. "Hope." "Yes." "I miss you!" "I miss you too din naman." Malambing na tugon na parang nagpipigil maihi. "Gusto mo ba magkita tayo ngayon." "Ha?..a eh Hindi pwe-pwede." "Bakit?" "May date ako, ay este may lakad ako mamaya nakapangako na ako eh." "Sino? Babae o lalaki?" Halatang nagiba ang tono ni Ryo sa tanong na eto. "Naman. Alangan namang sa lalaki ako sasama. Syempre sa baba no, si Margoux iyong friend ko na tinulungan mo din sasamahan ko siyang manuod ng sine. Kawawa naman kasi siya gusto niyang maglibang. Ikaw naman selos ka kaagad eh alam mo namang patay na patay ako sayo. Magagawa ba kitang ipagpalit sa kahit sino dyan, syempre hindi ah at never mangyayari iyon." "Saan kayo pupunta at anong oras?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD