CHAPTER 13

1909 Words
SINABI NG AKIN KA C13 "AKO?" "Oo ikaw." "Aye, bakit Kuya?" "Wala naman. Pinapaalalahanan lang ako ng boss ko na palagi kang bantayan dahil baka sa huli ay madisgrasya ka na nang tuluyan." "Wow, ha nagcacare ba siya sa akin?" "Ang turing sa akin ni Master Ryo ay parang kapatid na. Kaya ganoon na lamang siya sayo mag-alala, sa ating pamilya. Natatawa lamang ako dahil ipapahiram daw niya sa akin ang buntot pagi niyang latigo. Para daw pang disiplina sayo kapag gumawa ka na naman ng kalokohan. Natatawa ako kasi sabi niya, sa oras na tamaan ka daw noon lahat daw ng masamang espiritu dyan sa katawan mo na namamahay ay seguradong magsisipagalisan. " "Ano? Sira ulo iyon ah." "Gusto ko yang reaksiyon mo Hope. Dahil kong ganyan ka maka-react ibig sabihin ay takot kang mahagupit ng buntot pagi na latigo tama ba?" "Kuya naman syempre oo. Masakit kaya iyon, nurse ako at may mga nabasa ako tungkol diyan. May naging pasyente kaya kami na pinaghahagupit ng buntot pagi. Naku Kuya Winston halos madurog ang puso ko noon sa nakita kong itsura ng hagupit ng buntot pagi na iyan. Kaya pala ganoon na lang din ang takot ng mga aswang daw dyan. Subrang sakit daw niyan sa balat parang hinihiwa daw ang balat mo nyan." Habang nagkwe-kwento ay may kasamang panginginig ng katawan si Hope. Natatawa na lamang si Winston dahil dito pala takot ang kaniyang kapatid. "Hayaan mo kukunin ko kay Master Ryo ang buntot pagi niyang latigo. At huwag na huwag ka na talagang gagawa ng kalokohan dahil matitikman mo din ang masaktan. Seryoso ako Hope. 'Di bale nang ako ang manakit sayo huwag lang ang ibang tao. " Biglang nag-change mode ang awra ng mukha at tono ng pananalita ni Winston. Parang nagbabanta eto at seryoso talaga sa kaniyang tinuran. Hindi naman umimik si Hope at binalikan na ang kaniyang ginagawa sa kusina. Pero sinundan naman siya ni Winston doon. "Siya nga pala Hope maiba tayo ng usapan." "Ano yon kuya?" "Nabanggit mo na lang din naman... itatanong ko lang kong may sinagot ka na ba sa mga manliligaw mo?" "Naku ah! Ikaw kuya Winston tamang hinala ka dyan ha. Eh, bakit mo ba 'tan natanong? Bakit ba kuya sawa ka na ba sa akin at gusto mo na akong magasawa?" "Hindi naman. Gusto ko lang makilala at makilatis ng mabuti ang boyfriend mo kong meron nga." "Naku kuya sa ngayon wala pa, pero kapag napasagot ko na ng Oo hayaan mo ikaw ang unang-unang makakaalam pangako 'yan. Masyado pa kasing pakipot eh." "Hmm! Sige... ANO IKAW ANG NANLILIGAW?" Nagulat na tanong ni Winston. Tinatantiya pa nga niya kong tama ba ang pagkadinig niya. "Sinong nanliligaw?" Singit naman ni Kent na kararating lang mula sa labas. "Ako. Bakit masama bang manligaw ang mga babae? Nasa makabagong panahon na tayo wala na sa panahon ni Maria Clara." Buong pagmamalaking bida ni Hope na nakangiti pa sa dalawang kapatid. "Kita mo talaga etong kapatid natin kuya Winston, hindi ko alam kong ano ba ang nagawa nating pagkakamali at ganito eto mag-isip." Tiningnan lamang si Kent ni Winston at umupo sa sofa. "Siya nga pala Kuya Winston ipagluluto ko si Ryo ay este si Master Ryo ng meryenda o panghimagas man lang. Pasasalamat sa palagi niyang pagliligtas sa akin. " "Sige. Mabuti iyang naisip mo mamaya pagalis ko huwag mo kalimutang ipaalala sa akin baka kasi makalimutan ko." "Naku kuya Winston sasama ako sayo mamaya. Hindi ba mas ma-appreciate ni Master Ryo ang effort ko kong personal kong ibibigay sa kanya. May ibibigay din akong regalo sa kanya eh." "Sige kong 'yan ang balak mo. " "Thank you kuya. Sige na at maiwan ko na kayo magluluto na ako. Marami-rami din kasi ang lulutuin ko para sa ating lahat. " Tumalikod na nga si Hope at tumungo ng kusina at nagumpisa na siyang magluto ng biko. Si Kent naman ay umakyat sa taas sa kaniyang silid upang magpahinga. Si Winston naman ay nanood na nang palabas sa tv. Walang kamalay malay si Winston na siya ang magiging tulay sa pagiibigan ng dalawang nilalang. Ang isang pinakamamahal niyang bunsong kapatid at ang kaniyang boss na pinagkakautangan ng loob at nererespeto. Ngunit hindi niya pinangarap o inisip na eto ay maging asawa ng kaniyang kapatid. Nakaluto na nang pananghalian sina Hope at ang katulong nila. Niyaya na niya ang mga kapatid upang kumain. Si Fortune lang ang wala dahil umalis daw eto kaninang umaga. Nauna lang daw si Hope na umalis ng bahay kaninang umaga. Ang kanilang pananghalian ay sinigang na ribs ng baka na maraming gulay na sahog. Ka- partner ng patis na may siling labuyo at pinigaang calamansi. Masarap at masayang nagsalo-salo sila sa pagkaing niluto ni Hope. Makalipas ang ilang oras ay naiayos na ni Hope ang lahat ng dadalhin para kay Ryo. Bagong paligo na din siya at nagpaganda ng simple lang. Dahil kahit gustuhin man niyang kapalan ang kaniyang make-up ay hindi maari. Baka makahalata ang kaniyang kuya at hindi na siya nito isama pa. Suot niya ay bestidang kulay light blue na may short sleeves at hanggang taas ng tuhod ang haba. Hapit sa kaniyang maliit na bewang ang tabas nito. Makailang ulit niyang sinipat-sipat ang kaniyang imahe sa salamin bago nakontento. "Abah ang dalaga namin ke ganda at ke bango-bango naman talaga. Saan ang date natin ha?" Wika ni Fortune na galing kusina at may toothpick pa na nakaipit sa bibig. Nahuli etong kumain ng pananghalian dahil huli na etong dumating. "Dati na akong maganda at mabango. Wala akong date manghuhunting pa lang epag pray mo ako kuya Fortune na may mahipnotismo ako sa taglay kong kagandahan at alindog." "Ha!ha!ha!" Ang halos sabay sabay na tawanan ng magkakapatid si Winston lang ang masyadong pigil tumawa sa kanilang lahat. " Oh, sya mahal naming bunso pagbutihin mo ha. Naku bulag na talaga ang lalaking hindi lilingon sayo." "Tama ka diyan kuya Fortune. Hala at aalis na kami ni Kuya Winston pagpasensyahan nyo na at pansamantala monang mawawala ang isang magandang babae sa bahay nating mga De Sisa. Hayaan nyo uuwian ko kayo ng maraming pamangkin ha!ha!ha!" "BALIW!" Sabay na sigaw ng tatlo na sina Philip, Kent at Fortune. Sakay ng service na kotse ni Winston ay tinahak na nilang dalawa ang papunta sa mansion ni Ryo. Ganoon na lamang ang kaniyang kaba sa muli na naman nilang pagkikita ng lalaking kaniyang ginugusto. Kinakabahan nga siya dahil baka hindi siya nito pansinin dahil alam naman niya na mula ng kamuntikan na silang mag ano ni Master Ryo ay nagiiwas na talaga eto sa kanya. Hindi naman siya tanga para hindi eto maramdaman. Pero buo na talaga ang kaniyang plano tatanungin niya ng tapatan si Ryo tungkol sa kanilang dalawa. Pero alam naman niyang hindi eto magiging madali lalo na at nasa tabi lang si Kuya Winston niya. Nakarating na sila at nang makita ang kotse ni Winston mula sa cctv camera ng malaking bakal na gate ay bumukas na eto. Nakangiti naman ka-agad kay Hope ang mga kaibigan na niyang mga bantay doon. Nag-bow pa nga ang ilan sa kanya. Nagtataka namang napatingin si Winston dahil bakit nagbobow ang mga kasamahan niya kay Hope. Kawawang winston walang kamalay-malay. Sige na Hope hanapin mona si Master Ryo at ibigay mo na yang ibibigay mo." "Bakit kuya hindi ka ba sasama?" "Hindi na. Aalis na ako inihatod lang kita dito dahil may importante pa akong aasikasuhin na pinapagawa sa akin ni Master Ryo. Alam na niya na kasama kita ngayon at ipapahatid ka na lang daw niya mamaya sa bahay." "Ganon ba kuya, o sige magingat ka kuya ah." Bitbit ang isang paper bag na may lamang biko at munting regalo para kay Ryo. Masaya siyang pumasok sa mansion at tinanong sa mga nakikita niyang nagkalat na tauhan ni master Ryo sa bahay kong nasaan eto. Kailangan niya etong gawin ang magtanong dahil sa laki ba ng mansion at pagkadami-dami ng mga silid ay baka abutin siya ng ilang oras sa kakahanap. Napagalaman niyang nasa silid niya eto. Kaya naman agad siyang tumungo doon na masaya pero kinakabahan. Nang makarating sa harap ng pintuan ng silid nito ay kumatok siya, at inayos mona ang kaniyang sarili. Bumukas ang pinto at ang ilang araw na niyang gustong makita ay nasa Kanya nang harapan. "Bakit ka nandito?" Salubong ang kilay na tanong nito sa kanya. "Papasukin mo mona ako ah." "Okay pasok halika." "Ano halikan na?" "Crazy!" "Ikaw naman matagal ko nang alam 'yan. Inaamin ko naman na baliw na baliw talaga ako sayo no." "Bakit ka nga nandirito may kailangan ka ba? Sabihin mona at nang makaalis ka na." " Aray naman. Grabe ka naman sa akin. Ipinagluto pa naman kita ng biko....Para sa bebekong mahal ko." Sabay pakawala ng mapangakit na ngiti at papungay ng mga mata. Hindi naman nakasagot si Ryo at tumikhim mona eto bago sinabing " Masarap ba 'yan?" "Oo naman bebeko. Pero mas masarap ako dito." Muling pangaakit nanamang tirada ni Hope. Hindi talaga niya inaalis ang kaniyang mapupungay na mata sa mata ni Ryo. "Stop it!" "Alam mo bang na-miss kita ng subra subra. Hindi mo ba ako na mimiss ha bebeko. Ayaw mo ba sa akin? Bukod sa biko na pwede mong kainin ngayon ay nandirito ako sa harapan mo. Baka gusto mo din akong tikman?" Ang malanding wika ni Hope. "Hindi mo alam yang sinasabi mo Your crazy." Napataas ang tono ng pananalita ni Ryo dahil sa pagpipigil nito at sa hindi makapaniwalang ginagawa ng dalaga sa kanya. " Itinatapon ko na nga ang sarili ko sayo bakit hindi mo pa sunggaban. Sa akala mo ba madali lang para sa akin ang sabihin ang mga eto sayo. Alam ko nagmumukha na akong cheap na babae sa paningin mo, pero nagsisikap naman talaga ako para mapansin mo ah. Anong magagawa ko eh ikaw ang ginugusto ng puso ko. Sinusunod ko lamang ang t***k ng puso ko masama ba 'yon? Hu!hu!hu" Umiiyak na sabi ni Hope. "Hindi mo alam ang sinasabi mo Hope magsisisi ka lang." "Alam na alam ko. Ryo, kong hindi mo ako tatanggapin ngayon ......ngayon din ay ibang lalaki ang makikinabang sa akin. Hahanap ako ng lalaking tatanggapin ako at mamahalin. Sabihin mo lang ......na t-talagang a-ayaw mo sa a-akin at H-hindi mo na ako makikita pang muli 'di na kita guguluhin pa." "Anong sinabi mo paki-ulit? Hahanap ka ng iba? 'Yan ang huwag na huwag mong gagawin. Dahil from now on akin ka lang." Ang galit nitong sabi na halatang hindi nito nagustuhan ang tinuran ng dalaga. Hinapit ni Ryo sa bewang si Hope papalapit sa kaniyang maskuladong katawan. Walang sabi-sabing hinalikan at inangkin ang malambot na labi ni Hope. Nagulat ang dalaga ng bigla siya nitong kinarga papunta sa kama nito. Hindi naalis ang kanilang mga mata sa isat-isa hanggang sa mailapag siya ni Ryo sa kama. Kinubabawan siya ni Ryo at muling inangkin ang kaniyang labi. Hawak ang kanyang leeg na hinahalikan siya nito. " Pagsisihan mo ang paglapit mo sa akin ngayon at huli na para magbago pa ang isip mo Hope. Dahil hindi na kita pakakawalan ngayon." Tahimik at nakatingin lamang si Hope sa mukha ni Master Ryo. Sa puntong iyon ay batid na ni Hope na magtatagumpay siya. Lalo na at nakikita niya sa mga mata ni Ryo ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Halos ramdam niya at dinig ang paghihirap nito ng paghinga. Batid ng dalaga na kakainin siya ng buhay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD