SINABI NG AKIN KA C12
"Laura, Hindi ako nagsinungaling sa'yo nang sabihin kong magiging parausan lamang kita. Pumayag ka kapalit ng pagtulong ko sa industriya na gusto mo hindi ba? Hindi ako nagkulang sa'yo, tinupad ko ang naging pangako ko sa iyo, plus binibigyan pa kita ng extra allowances. Ulitin mo pang sabihin 'yan at madali kitang palitan."
"A-alam ko naman pero, gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal na kita. Kong ayaw mo anong magagawa ko. Ayaw kong itapon mo ako. Sige masaya na ako at kontento na sa ganito hanggat kailangan mo ako." Lugo-lugong wika ni Laura.
Tinapunan lamang siya ng tingin ni Master Ryo at nagbihis na eto at nagmamadaling lumisan...
Dumaan ang mga araw nagtataka si Hope kong bakit ang kaniyang mga kuya ay hindi na siya ngayon masyadong pinakikialaman. Pero naging pabor naman eto sa kanya dahil naisip din niya na baka naunawaan na ng kaniyang mga kapatid ang gusto niyang iparating sa kanila.
Linggo ng umaga ng araw na iyon. Maaga siyang gumising para ipagluto ang mga kapatid at kagabi din ay umuwi si kuya winston niya. Limang araw din etong hindi umuwi ng bahay nila. Pagkatapos niyang magluto ay naligo naman siya upang magsimba. Hindi niya kinakalimutang magsimba tuwing araw ng linggo.
At hindi rin porket na itinuturing siyang isang prinsesa ng kaniyang mga kapatid ay hindi na din siya marunong sa mga gawaing bahay tulad ng pagluluto. Lahat silang magkakapatid ay sanay at marunong magluto. May kanya-kanya din sila ng schedule na araw ng pagluluto depende sa araw ng kani-kanilang day off. Kapag hindi sila available o hindi kayang magluto sa araw ng kanilang schedule ay kailangang sabihan nila ang nagiisa nilang katulong sa bahay.
Si kuya Winston lang ang hindi nagluluto sa kanila dahil napaka bussy nitong tao at silang apat ay ayaw nilang pagtrabahuin pa eto sa bahay. Sabi ng apat na magkakapatid marami nang naitulong sa kanila ang kanilang kapatid na si Winston, halos tumanda na eto sa pagsasakripisyo para lang sa kanila. Kaya naman kapag umuuwi ng bahay ang kanilang nakakatandang kapatid, na minsanan lang din nauwi ng bahay ay natutulog at kumakain lamang eto. Hindi na nila eto pinapagawa nang kong ano pang gawaing bahay.
Malapit lang naman ang simbahan sa kanilang lugar isang sakay lang ng jeep at naroroon na siya. Balak din niyang mamalengke dahil mayroon nanaman siyang binabalak. Binabalak na ipagluto si Master Ryo. Ang kaniyang napiling ibibigay na pagkain sa kaniyang tinatarget ay biko. Mamimili din siya ng iba pa nilang mga pangangailangan sa bahay.
Ganito si Hope kapag sumusuweldo ay hindi niya nakakalimutang mag-grocerry at mamalengke ng mga pagkain. Kapag napunta naman siya sa mall ay hindi rin niya nakakalimutang bilhan ng kahit tigiisang damit ang kaniyang apat na kuya. Sadyang likas na mabait, maalaga, maalalahanin at sweet talaga si Hope. Kaya naman mahal na mahal siya ng mga eto.
Napag-alaman ni Hope na mamayang alas dos daw ng hapon babalik ang kanoyang kuya Winston sa trabaho, sa mansion ni Master Ryo. Mamaya pagkagising ng kanyang kuya ay plano niya etong kulitin upang isama siya doon. Eto lang ang paraan para muling makapasok siya sa bahay ni Ryo at muling makita eto.
Sabi nga 'di ba, kapag gusto may paraan. Mula ng makilala niya si Ryo ay wala nang ibang laman ang kaniyang utak kong hindi ang kong papaano niya eto makukuha bilang kaniyang boyfriend at magiging future na asawa. Kalabisan at hindi seguro maganda sa mata ng iba, ngunit buo na talaga ang kanyang pangarap at pasya na si Master Ryo na talaga ang lalaking para sa kanya.
Kahit naman may mga ibang lalaki na umaaligid o nagpapahiwatig sa kanya ng pagkagusto sa kanya ay talagang hindi niya makita. Wala siyang nararamdamang anomang excitement at t***k ng puso para sa kanila. Na hindi katulad sa nararamdaman niya sa tuwing nakikita at nakakasama niya si Master Ryo.
Masaya siya, malakas ang t***k ng puso niya at hindi maipaliwanag na pakiramdam sa tuwing naglalapit ang kanilang mga katawan. Iyong tipong pakiramdam na naghahangad siya na yakapin eto at halikan. Na hindi niya nararamdaman sa mga manliligaw niya.
Binilinan ni Hope ang kanilang katulong na siya na ang bahala sa almusal ng mga kapatid niya at sabihing magsisimba siya para naman hindi siya hanapin ng mga eto.
Simpleng t-shirt at pantalon lang ang kaniyang suot ng lumabas ng bahay. Mula sa kanilang bahay ay tapat na ng kalsada na daanan ng mga sasakyan. Kaya talagang literal na jeep lang ang kailangan niyang sakyan para makarating sa simbahan.
Nakita din niya ang tatlong tauhan ng kaniyang kuya sa harapan ng kanilang bahay na nagkukumpuni ng sasakyan at motor sa tapat ng kanilang bahay, na kong saan ay ang pagmamay-aring talyer din mismo ng kaniyang kuya Philip. Tulog pa eto dahil nagpuyat pa eto kagabi, matapos lamang ang gawain sa ginagawang sasakyan na suv na kinakailangang matapos agad.
"Sisa, san ka pupunta?" Papansing tanong ni Leo na kaibigan ni kuya Philip niya kay Hope. Ugali na nitong tumambay sa kanilang talyer kahit na ang bahay nito ay katapat din lamang ng kanilang bahay. Kalsada lamang ang pagitan. Isa etong ehenyero at ang pamilya nito ay nasa Canada.
" Oy Leon ikaw pala. Kay aga-aga eh nambwebwesit kang damuho ka." Asar na sagot naman ng dalaga kay Leon. Naiinis kasi siya kapag may tumatawag sa kanya ng Sisa. Ang pangalang Sisa kasi ay ang isa sa mga character ng Noli Metangere, na isang babaeng baliw.
"Okay kong ayaw mo namang tawagin kitang Sisa eh 'di, cigarette na lang ha!ha!ha!" Ang masayang pangaasar nito sa kanya. Kong hindi lamang eto bestfriend ng kuya Philip niya eh nungkang pansinin niya eto at hayaang magpakalat-kalat sa nasasakupan ng kanilang bahay.
" Ewan ko sayo humanap ka ng kausap mo."
"Ikaw naman Hope, nagagalit ka kaagad diyan kay Leon. Eh nagpapapansin lang yan sayo ano ka ba." Pakikisaling sabi naman ni Mang Kanor na isa sa mga tauhang mekaniko ng kaniyang Kuya Philip.
"Mang Kanor ah, issue ka. Marites ka rin ba?" Sigaw naman ni Hope sabay talikod at mabilis na sumakay ng jeep dahil tamang-tama na may jeep na huminto sa harapan nila na nagbaba ng sakay nito. Narinig pa ni Hope ang malakas na tawanan ng mga eto.
"Langya kayo. Kapag naging asawa ko talaga si Ryo makikita nyo. Dadalhin ko lahat ng bodyguards niya sa harapan nyo at tingnan ko lang kong makuha nyo pang pagtawanan ang pangalan ng pamilya namin. Kong bakit naman kasi sa dinamidami ng ipapangalan sa aming magkakapatid ng aming mga magulang ay napili pa ang pangalan ng sigarilyo. Ke bantot na nga ng apelyedong De Sisa eh dinagdagan pa. Tuloy minsan ay napapaisip ako na baka may lahi talagang tililing ang pamilya namin. Bakit ba kasi Ma, Pa." Ang laman nang kaniyang isipan habang nasa byahe.
Ewan ba niya at hindi siya masanay sanay sa mga ganoong pangaasar sa kanya. Bata pa lamang siya ay nakadikit na talaga sa kanilang magkakapatid ang mabantot na alyas na ganon sa kanila. Pamilya daw sila ng mga sigarilyo at Sira-ulo. Sino ba naman ang hindi masasaktan at maasar.
Huminto ang jeep sa tapat ng simbahan at nagsipagbabaan na ang lahat ng nga pasaherong gustong bumaba kasama na si Hope. Naglakad siya papasok sa simbahan pero sinalubong naman siya ng dalawang batang nagtitinda ng mga sampaguita at siya ay inalok ng mga eto. Bumili si Hope sa dalawang bata para hindi magkainggitan ang dalawa. Pinasubrahan din niya ang kaniyang pinambayad at sinabing sa inyo na pambaon nyo, magaral kayong mabuti ah. Masaya naman ang dalawang bata na nagpasalamat sa kanya.
Nagbalik sa kanyang ala-ala noong siya ay bata pa. Katulad ng mga batang eto ay nagtitinda din silang magkakapatid ng sampaguita, at basahan upang mabuhay noon. Ang kuya Winston naman nila ay nagkakargador sa palengke dati. Nagbago lamang ang kanilang buhay ng makilala ni Winston ang boss nito na si Master Ryo. Simula noon ay naging maayos na ang kanilang buhay.
Naglakad na muli si Hope papasok sa simbahan at tamang-tama lamang din ang kaniyang dating dahil pasimula na ang misa.
Naupo siya sa bakanteng upuan at tahimik na nakinig ng misa ng pari. Nang matapos magsimba ay tumuloy na si Hope sa palengke. Nag tricycle lamang siya mula sa simbahan. Nagumpisa na siyang mamili at halos tagaktak na ang kaniyang pawis dahil sa init ng panahon. Pero hindi eto alintana para sa dalaga. Abala etong nakikipagtawaran sa kaniyang mga pinamimili.
Nakabili siya seguro ng pang isang linggo nilang ulam isda, karne, manok at mga gulay. Na halos mapuno ng daladalahin ang kaniyang dalawang kamay. Kong sa ibang babae na kasing ganda niya seguro ay baka maginarte lamang. Pero ibahin nyo si Hope dahil kahit subrang bigat na ng kaniyang mga daladala ay masigla parin etong naglalakad at parang hindi apektado sa bigat ng dala.
Ang mga taong nakaranas lamang ng hirap sa buhay at pagkagutom ang makakaintindi ng pagkatao ni Hope. Masaya ang kaniyang puso dahil segurado siyang hindi magugutom silang magkakapatid at makakakain ng masasarap hindi kagaya noon. Noon na isang monay lamang ang laman ng kanilang mga sikmura buong araw o di kaya'y lugaw na maraming tubig. Nakatira lamang din sila sa tabi-tabi, sa kahit saan basta pwedeng matulugan.
Kanina sa simbahan ay hindi niya nakalimutang magpasalamat sa lahat. Ipinagdasal niyang sana ay hindi na nila muling danasin ang buhay na mayroon sila dati. At ipinangako din niya na sa oras na magkaroon siya ng subra-subra sa buhay ay tutulong siya sa mga batang palaboy, na makikita sa mga kalsada. Eto ang isa niyang pangarap sa buhay ang may matulungang mga bata na naghihirap na makaahon sa ganoong klaseng pamumuhay.
Nang makauwi nang bahay ay laking pasalamat niya dahil wala na doon si Leon na itinuturing niyang tinik sa kaniyang lalamunan. Mula kasi nang makilala niya eto ay palagi siya nitong niloloko ng kong ano-ano. Tinulungan naman siya ka-agad ng kanilang katulong sa kanyang mga pinamili.
Habang abala si Hope sa kanyang ginagawa ay nadinig niya ang boses ng kaniyang Kuya Winston habang pababa ng hagdan . May kausap eto sa cellphone at himala dahil mukhang masaya ang timplada nito ngayon. Na datirati naman ay parang walang buhay makipagusap sa mga kausap sa kaniyang tawagan.
"Oy si Kuya Winston may nagpapangiti na sa kanya, aba eh kaylan mo naman balak ipapakilala 'yan sa amin? Maganda ba? Mabait? " Ang panggugulat nitong tanong na kaniyang pinuntahan talaga upang maniktik.
"At paano mo namang nasegurong babae etong kausap ko."
"Naku kuya naman, kaylangan pa bang itanong yan? eh kilalang kilalala kita. Last na ngumiti ka ng ganyan eh noong pinansin ka ng crush mo na dati nating kapitbahay hindi ba?"
"Ako'y tigiltigilan mo ha Hope. Hindi babae ang kausap ko gusto mong malaman kong sino?"
"Eh sino nga ba?"
"Si Master Ryo at ikaw ang pinaguusapan namin."
Napanganga si Hope. Hindi niya inaasahan iyon..