SINABI NG AKIN KA C11
"Ano nanaman etong pinaggagawa mo ha Hope?. Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo."
"Hindi ka talaga titino hanggat hindi ka napapahamak ilang beses ba namin sasabihin eto sayo. Iniingatan ka namin dahil ayaw naming mapahamak ka, pero ano.....ano eto, ikaw mismo ang naghahanap ng ikapapahamak mong babae ka." Gigil na sabi ni kuya Kent.
"Wala kaming kamalay-malay dito na may nangyayari nanaman pala sayo. Ang buong akala namin ay nasa loob ka ng kwarto mo, ayon naman pala eh, tinakasan mo na kami. Bakit ka ba nagkakaganyan ha Hope? Nag drudrugs ka na ba?" Sabi din ni Philip na mataas ang tono at nakapameywang pa eto.
"Kuya naman drugs talaga eh no."
"At sumasabat ka pa.......At talagang huwag na huwag Hope na gagawin mo yan. Hindi ka naman dating ganyan ah. Sinusunod mo pa kami dati, pero ngayon parang naiiba ka na. Nagrerebelde ka na ba sa amin at nagkakaganyan ka ha? Saan kami nagkulang sayo ha? " Saad naman ni kuya Fortune.
"Mga kuya naman malaki na ako at hindi na bata. Tama na ang masyado ninyong pagprotekta sa akin. Porket ba isa akong babae e mahina na ako, nagkakamali naman kayo dyan."
"Pasalamat na lang ako at nakita ka ni Master Ryo, dahil kong hindi baka kong ano na ang nangyari sayo. Hala umakyat ka na sa silid mo at sana maintindihan mo kong bakit kami nagkakaganito sayo. Nagiisa kang babae sa ating pamilya at mahal na mahal ka namin. Tayo-tayo na lang magkakapatid at masaya naman tayo kahit wala na ang ating mga magulang. Sana lang, ang tanging kahilingan ko lang, ay ang maging ligtas kayong lahat. Na buo tayong lima at maayos. Lalong-lalo ka na Hope, alam mo namang ikaw ang bunso namin ang nagiisang prinsesa namin ng mga kuya mo. "Seryosong wika ni kuya Winston.
"Mga kuya's hindi ko babaguhin ang sinabi ko. Huwag nyo akong ismolin dahil sa babae ako. Seneseguro ko sa inyo na kaya kong protektahan ang sarili ko. Hindi ako ganoon kahinang babae na katulad sa iniisip nyo. At hindi nyo ba naisip na hindi habang buhay ay kaya nyo akong protektahan at pangalagaan. Lahat tayo balang araw magkakanya-kanya ng buhay, magkakaroon ng sariling mga pamilya hindi ba?. Kaylan ko pa matutunan ang mga bagay-bagay na dapat kong matutunan at maranasan na ako lang ang makakagawa at hindi kayo. Sa lagay ba eh, kahit na may sarili na akong pamilya asawa't anak ay pakikialaman nyo pa rin ba ako. Ganyan ba kababa at kahina talaga ang tingin ninyo sa akin hu!hu!hu!.." Hindi mapigilang umiyak ni Hope sa harapan ng kaniyang mga kapatid. Basta ang alam lang niya ay kailangan niyang ipabatid sa mga eto ang kanyang tunay na saloobin. Hindi na siya bata at nasa hustong gulang na para magdesesyon sa kanyang sariling tatahaking buhay. At ang pinili niyang tahakin ay ang daan papunta sa buhay at sa puso ni Master Ryo.
Natigilan ang mga kapatid ni Hope kaya sinamantala na lamang niya ang umakyat sa kanyang kwarto. Doon ay nagiiyak siya dahil hindi naman niya gustong sumagot-sagot lalo na ang saktan ang mga damdamin ng mga kuya niya. Naiintindihan naman niya sila, pero maninindigan parin siyang tama lamang ang kaniyang sinabi. At kailangan malaman nila ang kong ano ang nasa kanyang saloobin na alam niyang tama.
"Masyado na ba tayong sumusubra sa kanya Kuya? Ang tanong ni Philip.
"Kong ayaw niyang pakialaman eh 'di hayaan natin siya. Tulad nga ng sabi niya malaki na siya. Seguro nga nasasakal na siya sa atin o 'di kaya ay sawa na sa mga mukha natin." Sabi ni Kent na may himig pagtatampo.
"Hayaan na lang natin siya. Seguro nga tama siya. Naging over protective tayo sa kanya at nawalan ng tiwala sa kakayahan niya. Isa siyang De Asis at walang mahina sa ating pamilya. Eto seguro ang kanyang ipinaglalaban. Tama nga din siya sa sinabi niyang hindi sa habang panahon ay naroroon tayo para pangalagaan at subaybayan siya. Magkakaroon din siya balang araw kayo ng kanya-kanyang sariling pamilya. Aaminin ko ang bagay na eto ay talagang nakalimutan ko na. Isang araw magkakawatak-watak din tayong magkakapatid. Hindi pwedeng magsama-sama tayong limang magkakapatid na kasama ang inyong mga asawa't anak dito sa iisang bubong. " Natahimik ang lahat dahil narealize nilang tama nga pala ang sinabi ni Hope. Ang akala nila ay sila ang matatanda kaya alam na nila ang lahat pero sa huli ay ang nakababatang babae na bunso pa nilang kapatid ang magpapamulat sa kanila ng katotohanan.
"So, ibig mo bang sabihin kuya Winston mali tayo at tama si Hope." Saad ni Fortune.
"Oo. Marahil tama nga siya. Hindi habang buhay ay proprotektahan at aalagaan natin siya. Sa ngayon hayaan na lang mona natin siya. "
"Kong 'yan ang pasya mo kuya Winston." Ika ni Kent..
**********
"Ohhh! M-master ahhhh!"
Nakatuwad na tinitira ni Master Ryo si Laura. Madidiin ang kanyang paglabas pasok sa pagkakababae ni Laura, Ang kaniyang paboritong bed warmer. Isa etong artista at model na may pamatay na hubog ng katawan. Lalong lalo na ang malaki nitong didbib na gustong-gusto ni Master Ryo na umuuga habang kaniya etong binabayo ng ganito.
Nakaposisyon sila sa tinatawag na dogstyle habang sige ang lalaki sa pagpapasarap sa p********e ni Laura. Halos tumirik naman ang mga mata ng babae sa hatid din na kakaibang ligaya sa ginagawa sa kanya nito.
"Ahhhhh!" Impit na ungol ni Master Ryo nang siya ay labasan na. Hinugot niya ang kanyang sandata sa lagusan ni Laura at pagkatapos ay dahan-dahan na tinanggal ang condom dito.
Tumihayang humiga si Laura at sinadyang ibukaka ang kaniyang harapan. Buong pangaakit na muling inaakit si Ryo. Bagama't lantad na lantad sa mga mata ni Ryo ang p********e ni Laura sa kanyang harapan ay iniwasan niya eto. Bumaba siya ng kama at tumungo sa banyo upang maligo.
Nairaos na niya ang init ng kaniyang katawan kaya wala nang dahilan para tumabi pa siya kay Laura. Bigla niyang tinawagan si Laura para dito. Pagkahatid niya kay Hope sa bahay nito ay kaniya nang kinontak ang babae.
Habang naliligo ay rumehestro sa kaniyang balintataw si Crizza at mapakla siyang ngumiti.
"Ano ang kailangan mo Crizza? Nakalimutan na kita bakit kailangan mo pang bumalik at ipaalala sa akin ang nakaraan."
Naalala ni Ryo ang huling tagpo nilang dalawa noong sila ay kasalukuyang nagaaral sa koleheyo. Long time crush niya si Crizza mula ng masilayan niya eto sa loob ng campus. Noon ay hindi pa niya alam na isa siyang anak ng Mafia. Inilayo kasi siya ng kaniyang ina sa tunay nitong ama. Dahil ang rason ng kaniyang ina ay ayaw niyang maranasan ang buhay na mayroon ang kaniyang ama.
Noon din niya napagalaman ang katotohan sa kanyang pagkatao, nang mamatay ang kaniyang ina dahil sa malalang karamdaman. Ang akala niya ay ulila na siyang lubos, pero sa huling lamay ng kaniyang ina doon sumulpot ang kaniyang ama na si Hataru Hamada. Nagpakilala etong siya ang kaniyang ama.
Doon din niya napagalan ang lahat-lahat tungkol sa kanyang mga magulang. Masasabing parang pinilit lamang ng kaniyang mafia na ama ang kaniyang ina upang maging asawa nito. Ipinambayad kasi eto ng utang, bilang kabayaran sa pagkakautang ng pamilya ng kaniyang ina sa kaniyang ama na si Master Hataru.
Ang sabi kay Master Ryo ng kaniyang ama ay hindi daw siya minahal at tinaggap ng kaniyang ina. Sa kabila daw na ginawa naman niya ang lahat at eto lamang ang babaeng minahal niya ay hindi parin siya tinanggap at minahal nito. At nang dahil sa pagmamahal na iyon ay pinalaya niya eto.
May kakayahan si Master Hataru na hanapin sila at kunin sila saan man sila naroroon na magina. Subalit hindi niya eto ni minsan pinuntahan at pinilit na sumama pang muli sa kanya. Sabi ng ama ni Ryo sa kanya hindi daw niya kayang makita ang minamahal na malungkot at natatakot sa piling niya.
Sa kabila daw na malayo silang magina ay nakamasid lang daw siya sa malayo. Ang pagmamahal na eto at karanasan ng kaniyang ama ay malaki ang naging epekto sa pagkatao ni Master Ryo.
Nangako siya sa kaniyang sarili na hindi kelanman ipipilit ang kaniyang sarilo kaninoman. Hindi rin siya magaanak sa sinomang babae na hindi siya mahal at tanggap. Si Crizza ay ang unang babaeng minahal niya at naging kasintahan. Subalit nang malaman nitong isa siyang anak ng mafia ay nakipaghiwalay eto sa kanya. Ayaw daw ng mga magulang nito sa kanya. Inalok niya din si Crizza na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan. Ngunit hindi niya makakalimutan ang isinagot nito sa kanya.
"Ryo, sorry..Hindi ako handang makipagsapalaran sa magulo nyong mundo. Hindi ko bibigyan ng sakit ng ulo at kahihiyan ang aking mga magulang. Pasensya na pero ayaw ko na sayo at alam kong hindi ako magiging masaya sayo. Ayaw kong magkaanak ng isang mamatay tao o gumagawa ng mga bagay na labag sa batas. Tapos na tayo Ryo sorry!" Ang mga katagang eto ay kaylanman ay hindi niya makakalimutan. Mahal na mahal niya si Crizza at alam niyang mahal din siya nito. Dahil siya lang ang unang lalaki nito sa buhay at nakakuha ng pagkabirhen nito. Hindi lamang siya ipinaglaban ni Crizza at eto ang bagay na hanggang ngayon ay ikinagagalit niya.
Nagsimula siyang maglaro at gamitin ang mga babae. Umiwas na rin siya na magseryoso at magmahal sa kaninomang babae. Upang maiwasan ang masaktang muli. Tanggap na niya sa kaniyang sarili na walang tatanggap sa kanyang pagkatao bilang myembro ng isang orginasasyon sa mundo ng mga Mafia.
Na kong saan ikaw ang batas, pumapatay, nakikipagpatayan at labanan ng magagaling, malalakas at matatapang. Matira ang matibay ika nga.
Napakasaya niya noon dahil sa dinamidami ng manliligaw ni Crizza ay siya ang sinagot nito. Mayaman ang pamilya ni Crizza at siya noon ay mahirap lamang. Ang kaniyang ina ay isang ordinaryong nurse sa isang pangpublikomg hospital.
Kinainggitan siya ng mga kapwa niyang lalaki sa campus. Dahil nasungkit niya ang isa sa mga tinitingala at pinapantasya sa kanilang paaralan. Masayang masaya siya nang maangkin din niya ang p********e nito. Hindi lang isa, kong hindi paulit-ulit na nagpaligaya siya sa taglay na alindog ni Crizza na inihandog nito sa kanya. Kaya hindi talaga makapaniwala si Ryo na iiwan siya nito.
Pero ngayon bakit bigla etong sumulpot kong kelan hindi na masyado pang iniinda ni Ryo ang sakit ng nakaraan na dulot ni Crizza.
"Hon hindi ka pa ba tapos diyan naiihi na ako eh." Sigaw ni Laura sa labas ng pinto na nagpabalik ng diwa ni Ryo.
Nagmamadali namang kinuha nito ang tuwalya at ipinunas sa kaniyang ulo at katawan. Kumuha pa siya ng isang tuwalya ng hotel na iyon at ipinambalot naman niya sa kaniyang pang-ibabang bahagi bago binuksan ang pintuan ng banyo at lumabas.
Hindi na siya nagulat nang niyakap siya ni Laura at hinalikan sa labi. Nakahubad parin eto na parang ipinagyayabang ang kaniyang taglay na perpektong katawan. Sinusubukan nitong painitin siyang muli.
"Laura stop. I need to go now. I will send your allowance later on okay sige na akala ko ba naiihi ka na go."
"Master Ryo, mahal kita! mahal na kita!" Ang seryosong sabi nito na nakayakap sa kanya.
Nabigla si Ryo sa narinig, hindi niya eto inaasahan at muli siyang sinunggaban ng halik ni Laura.