CHAPTER 10

1964 Words
SINABI NG AKIN KA C10 "Boss saan tayo?" "Sa bahay nila Winston." "Bakit doon? Ayaw ko pang umuwi sa'min." "At saan mo pa gustong pumunta?" "Saan pa eh 'di sa bahay mo." "Baliw." "Oy, narinig ko 'yon ha. Bakit baliw lang lang naman ako sayo hindi sa ibang lalaki. Ikaw kasi masyado ka pang pakipot eh alam ko namang sa mga kamay ko din ikaw babagsak. Hindi naman kasi mahirap umamin he!he!he!" "Kong hindi ka tatahimik ipapatahi ko yang bibig mo." Singhal ni Ryo na pigil ang inis. "Grabe naman tahi talaga. At bakit ka ba kasi nagagalit diyan, hindi ba sabi mo hindi mo ako girlfriend. So anong ikinagagalit mo sa ginagawa at sa suot ko, bakit ka ba apektado ha?" "Hindi ka ba talaga tatahimik."Nangangalit na sabi ng lalaki at tinapunan ng masamang titig ang dalaga. "Hindi. Pero kong hahalikan mo ako ay tatahimik na ako. " Nanghahamong wika ni Hope at nakipaglabanan ng titigan kay Ryo. Kapwa nilang nadinig ang mga pigil na hagikhikan ng mga kasama nila sa loob ng sasakyan. "Anong itinatawa-tawa nyo d'yan ha? May nakakatawa ba?" Singhal ni Ryo. Kaya naman mabilis na tumahimik sila. Pero si Ryo ay nanggigil na hinila sa braso si Hope papalapit sa kanya. Syempre nagulat si Hope pero mas ikinagulat niya ang sunod na ginawa nito. Nang makalapit ang katawan ni Hope kay Master Ryo ay kinuha naman nito ang ulo ni Hope at walang babalang hinalikan niya eto ng madiin. Halik na tila parusa sa babaeng sumasagad ng kanyang pasensya. "Hmmph!." "Seguro naman tatahimik ka na." Sabi nito nang siya ay bitawan. Gulat man si Hope pero parang maamong tupa siyang sinunod ang gustong mangyari ng lalaki. Namumula ang kanyang mukha dahil sa samot saring pakiramdam na kanyang nararamdaman ngayon. Pagkapahiya, nagulat, masaya, naiinis siya bakit natigil ang halik na iyon at nagcracrave pa siya ng iba, ng mas higit pa dito. Kahit na masakit at dumugo ang kanyang labi sa pagsibasib sa kanya ni Ryo. "Bakit ba ang harsh mo sa akin?. Alam mo bang sinadya ko talaga ang pumunta doon dahil sayo. Nalaman kong pupunta ka doon kaya pinagplanuhan kong maigi ang pagtakas sa mga kapatid ko makita lang kita. Alam ko namang iniiwasan mo ako hindi ba? A-at etong suot ko talagang sinadya ko eto, dahil eto ang secret weapon ko para lumabas ka. Alam ko kasi hindi mo ako matititiis kapag may nambastos sa akin. Lahat gagawin ko makita lang kita masama ba 'yon. Gusto ko lang namang ipaglaban at patunayan sayo na gusto talaga kita at mahal kita kaya lahat ay gagawin ko hu!hu,!hu!." Hindi eto inaasahan ni Master Ryo na maririnig niya eto sa isang babae. Isang babaeng sincere sa kanya. Pero nagtatalo parin ang kanyang isipan kong dapat ba niya etong paniwalaan o hindi. Maraming babae ang gumagawa ng paraan para mapansin niya at ilang beses na din niyang nadinig ang salitang mahal siya ,pero batid niyang pera ang habol ng mga eto sa kanya. Hindi niya nararamdaman ang pagkaseryoso ng mga eto sa kanya hindi tulad kay Hope. Natatakot din ang mga eto kay Master Ryo at sa pagiging Mafia boss nito. Sa kilos at pamamaraan ay naiiba si Hope sa kanila. Si Hope na sa kabila na alam niyang isang mafia si Ryo, ay hindi mo man lang mababakasan ng pagkailang o natatakot eto sa kanya. Tumingin si Ryo kay Hope na tahimik na umiiyak, nakatingin eto sa ibaba at nilalaro ang mga daliri sa kamay. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Kumain ka na ba?" "O-oo kumain naman na ako ng pulutan pero nagugutom parin ako." "Saan mo gusto kumain?" "Kahit saan basta kasama kita." Ang mabilis na sagot ni Aylah na nagniningning na ang mga mata at nakangiti na siya ngayon, kahit may mga luha pa sa mata at sa kanyang pisngi. Lihim rin na napangiti ang dalawang kasamahan nila sa loob ng sasakyan. Si Peter na personal driver ni Master Ryo at si Josh ang personal assistant naman nito. Dinala ni Master Ryo si Hope sa isang restaurant na pagaari nito na nasa loob ng isang five star hotel. Hindi niya kasi pwedeng dalhin si Hope sa kong saan-saan lamang. Hindi niya alam kong nasaan ang mga kalaban na kanyang iniiwasan. Kaya lahat ng galaw niya lalo na ang mga pinupunthan ay kailangan niyang magingat. Eto ang isa sa mga negatibong nararanasan ng nga nasa mafia world. Mailap sa kanila ang kalayaan at ang kaligtasan. Pumuwesto sila malapit sa salaming bintana na kitang-kita ang lahat na nasa labas ng gusaling iyon. Maganda ang view dahil makikita mo din ang maraming nagkikislapang bituin sa langit at ang bilog na buwan. Ang mga nagkikislapang mga ilaw sa ibaba na buhay na buhay na mula sa mga sasakyan, gusali, kabahayan at sa kong ano-ano pa. "Ano ba ang gusto mong kainin?" "Ikaw sana eh, pwede ba?" Ang pilyang sagot ni Hope na mapangakit ang pagkakatitig kay Ryo na noon naman ay seryoso sa kaniyang pagtatanong. "HOPE. Kakain ka ba o iuuwi na kita." Ang saad nitong hindi mawari kong naiinis ba o nahihiya. "Ikaw naman 'di ka na mabiro syempre kakain no. Pero ikaw na lang ang magorder ng kakainin ko kasi pangmayaman naman yata ang mga menu dito. Ngayon lang ako nakapunta dito at makakain kaya ikaw na lang kahit ano basta parehas tayo." Pinakinggan naman si Hope ni Ryo at kinuha na ang menu list sa waiter na nasa harapan na nila at naghahantay ng kanilang oorderin. "For the main course Salmone Alla Grigllea and Tagliata. For soup lobster bisque. Tiramisu for desserts, and lime Daiquiri cocktails for our drinks." "Sinasabi ko na nga ba eh, buti na lang nakinig ako sa sinasabi ng inner side ko. Ano kaya ang mga pinagoorder nito ang naintindihan ko lang ay ang tiramisu alam kong cake din un. Pero syempre kahit ano pa yan ay kakainin ko, inorder yata yan ng aking future hubby my loves he!he!he!" Bulong sa sarili ni Hope habang pinagmamasdan ang lalaking kaniyang tinatarget. "Ano Hope may idadagdag ka pa ba? " "Naku wala na ah, diet ako. Okay na yan." Pagkakaila niya dahil hindi "Sure ka?" "Oo nga. " Nakaalis ang waiter naiwan ang dalawa nagkakahiyaang magkatinginan. Pero syempre hindi makakatiis si Hope na hindi magsalita siya pa ba." "Ahm, Ryo my loves first date ba natin 'to?" "Anong first date? Pinapakain lang kita dahil sabi mo gutom ka." "Aysus, ikaw naman kunyari ka pa. Alam ko naman nagcacare ka sa akin kasi loves mo din ako hindi ba?" "Hope, makinig ka. Oo nagcacare ako sayo, iyon ay dahil sa kapatid ka ng aking tauhan na tinuturing na kapatid. Huwag kang magisip ng kong ano-ano dahil iyon lamang iyon." Anito sabay inom ng tubig. "Sa palagay mo din ba ay isa akong bata na hindi alam ang pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Sige dahil nabanggit mo yan lilinawin ko sayo... Ryo my loves, Iba ang nagcacare sa kapatid ng isang kaibigan at sa babaeng natututunang pahalagahan." Seryosong sabi ni Hope na nakatitig sa mga mata ni Ryo. "Excuseme me Sir/Ma'am, here's your foods." Pangiisturbo naman ng waiter. Isa-isa niyang inilalagay ang mva pagkain sa mesa. Sa amoy at itsura pa lang ay nakakagutom nang talaga. "Ano? Isda at beafsteak lang pala. Hanep din sa mga pangalan eh. Pero infairness ha ang ganda ng pagkakaayos sa plato. Ngayon masusubukan natin kong talagang worth it ang magandang pangalan nyo." Natatakam at namamanghang wika ni Hope. Dahil first time lang talaga niya nakita ang mga eto. At segurado din siyang mamahalin at kalidad ang mga pagkain na nasa kanyang harapan. Sa isang katulad niya ay masuwerte nang maranasan ang makakain ng ganitong klaseng pagkain. Nagtataka nga lamang siya dahil marami namang mga kainan diyan bakit dito pa siya ni Ryo dinala. Napangiti siya dahil naisip niya na baka special treatment siya para kay master Ryo. "Paborito mo ang seafoods hindi ba? This is for you , Salmone Alla Grigllea." Ang tinutukoy nito ay ang isdang salmon na inihaw o grilled na may ginisang escarole. Ang escarole ay kahalintulad ng pechay at lettuce. "Kita mo na talagang pakipot ka pa eh huling-huli ka na nga aytututoth!" "Anong ibig mong sabihin?" "'Yan oh. Bakit alam mo na mahilig ako sa sea foods. Ikaw ha nalaman mo eto sa kuya Winston ko 'no. Ikaw naman kasi hindi mo na lang Aminin na gusto mo na din ako, na mahalaga ako sayo. hindi naman kasi mahirap sabihin iyon hindi ba?" Ngingiti-ngiting anito. Hinuhuli ang mga mata ng lalaki na mailap na tumingin sa kanya. "Ang daldal mo. Kumain ka na lang o aalis na lang tayo." Pagiiwas ni Ryo sa makulit na si Hope. Tahimik etong kumain at iniiwasang tumingin sa dalaga. Kumain na lang din si Hope, dahil para sa kanya, alangan namang biglang iwanan nila ang mga masarap na pagkaing nasa harapan na nila. Hindi niya pwedeng sagarin ang pasesnya ni Ryo, dahil tulad niya naipagtanong tanong na din ni Hope ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanyang tinatarget na maging asawa. Napagalaman niyang subrang mainisin daw eto. Bossy at ayaw ng maingay. Pa misteryoso at wala din daw etong seryosong karelasyon. Kaya natakot si Hope na baka gawin ang banta nitong iwan ang pagkain at umalis na sila. Sayang naman ang pagkakataong eto na makatikim ng ganitong klaseng pagkain. Pero habang tahimik at sarap na sarap siyang kumakain ay nagulat na lamang si Hope ng biglang dumukwang eto sa kanya. Napatingin naman siya dito bigla at napatulala. Iyon naman pala ay papahirin lang ang sauce ng kaniyang kinakain sa ibabang labi niya. Nagulat man pero kinilig siya sa inakto ni Ryo. Napangiti siya at nagpa thank you dito. "Act like a lady Hope." Tipid biting komento. "Thank you and I love you!" Sukling komento naman ng pilyang si Hope. Nagkunyari namang walang narinig si Master Ryo at nag pokus sa kanyang pagkain. Napapangiting itinuloy din ng dalaga ang kanyang masarap na pagnamnam sa kaniyang pagkain.. Natapos ang kanilang masarap na pinagsaluhang dinner. Masaya si Hope dahil hindi lamang ang kanyang tiyan ang nabusog syempre kasama na roon ang kanyang puso. Tinotoo din ang unang sinabi nito na ihahatid siya nito sa kanilang bahay at laking gulat ni Hope ng makita niyang nasa harapan ng bahay ang apat niyang mga kuya's. Nagbabanta ang kulog at kidlat sa mga mata ng mga eto. "Paktay ako nito tiyak sasabog na nanamn ang tenga ko." "Winston, next time itali nyo na 'yang kapatid nyo. Dahil sa oras na ako muli ang makahuli diyan, ay seseguraduhin kong ako na ang magpaparusa sa kanya. Na seguradong hindi nyo magugustuhan ang magagawa ko." Pagkasabi nito ay sinirado na niya ang binatana ng sasakyan at umandar na ang kotse. Naiwan si Hope na alanganing papasok sa loob o tatakbo. "PASOK." Halos sabay sigaw ng apat na kuya. Kaya naman mabilis na pumasok ng bahay si Hope. Kasunod niya sa likuran ang apat na kuya at tangka na sana siyang aakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, na kong saan naroroon ang kaniyang silid. Ngunit pinigilan siya ni Winston. " At saan ka pupunta magaling na babae UPO." Muling sigaw nito at tinuro ang sofa na ibig sabihin ay umupo doon si Hope. Napipilitan namang sinunod ng dalaga ang utos ng nakakatandang kapatid. Para siyang maamong nilalang na hindi makabasag pinggan. Ingat na ingat sa kanyang kilos at pagbukas ng bibig. Sa mga oras na iyon ay batid ni Hope na nasa Angry modes ang mga kapatid niya. Hindi makakabuti sa kanya ang sumagot. Ngunit sa mga salubong na kilay ng mga eto at nakakapasong mga titig nila ay wala pa man din ay parang gusto na ni Hope na maiyak. Pero nasa isip niya na wala siyang maling ginawa, dahil ang lahat ng iyon ay dahil sa kanyang minamahal..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD