CHAPTER 9

1831 Words
SINABI NG AKIN KA C9 "PUTANGINA! Sino ka? Nakikilala nyo ba ako ha?" Matapang at malakas nitong sigaw. Hindi naman nakapagpigil ang isang pinagkakatiwalaang tauhan ni Ryo. Kaya isang malakas na suntok muli ang dumapo sa sikmura nang lalaking nambabastos kay Hope. Muli etong napahawak sa kanyang tinamaang sikmura. Kahit kasi namimilipit na sa sakit bunga nang pagtadyak sa kanya kanina ni Master Ryo, ay matapang parin eto at nagsisigaw. Mabalasik ang mga matang dinuroduro pa si Ryo at mga tauhan nito. "Tangina mo tumahimik ka. Halika nga dito alam mo ba kong sino ang dinuduro mo ha, siraulo ka. " Saad nang isang lalaking malaki ang pangangatawan na tila eto ay isa sa mga bouncer doon. "f**k you! Anong paki ko kong sinong demonyo sya o kayo. Ako ang kilalanin ninyo, dahil anak ako ng isang Gobernador at malakas ang kapit namin sa senado mga ulol. Mga ulol kayo mali ang kinakalaban nyo, kaya bitawan nyo ako kong ayaw ninyong malintikan pang lalo." Sumenyas si Ryo, kay Rambo at sa isang kisap mata ay kinarate sa batok ang mayabang na anak daw ng gobernador. Ang ibang tauhan naman ni Ryo ay mabilis na tinutukan ng baril ang mga kasamahan nito. Mabilis na kumilos sila at binitbit ang mayabang na lalaki na anak daw ng gobernador, pati mga kasamahan nito ay kanilang kinaladkad palabas ng Club. Sa kong anong mangyayari sa kanila ay tiyak na hindi maganda. Ang mga naguumpukang osyosero ay biglang nagsipagalisan dahil isa sa mga tauhan ni Master Ryo, ang naglabas ng baril at itinutok sa kanila. Galit na binitbit ni Master Ryo si Hope sa loob ng VIP room ng bumalik siya dito. Bakas sa mga mata ni Crizza ang pagtataka ng makita si Hope. Titig na titig siya dito. Kong sa pa gandahan ang labanan ay ma's lamang si Crizza kay Hope kapag sa biglaang tingin. Ang ganda ni Hope ay pumapangalawa lang sa ganda ni Crizza kapag ipinagtabi silang dalawa. Pero kong tititigan mong mabuti ang mukha ni Hope ay tiyak siya ang mapipili mo. Ang ganda niya kasi ay hindi nakakasawa,.mapapatitig ka pang talaga sa kanya ng matagal. Samantalang si Crizza ,ang ganda niyang taglay ay tipong nakaka-umay. Pilit na pinapaupo siya ni Ryo, katabi niya sa bandang kanan. Pero sa kabilang side sa left side katabi din niya si Crizza. Pati si Hades ay nagtatakang nakatingin kay Hope. Nagiisip seguro eto kong sino sya. Lalo't nakita niya ang suot na coat or blazer ni Ryo. Napangiti eto at may kapilyuhang naisip. "Bro, gaano ba ako katagal na nawala at ang dami mo na yatang koleksiyon." Ang pabirong sabi ni Hades sa kaibigan. "Uminom ka na lang. Hindi ba niyaya mo ako ngayon upang uminom kaya, 'yan ang atupagin mo." "Pambihira. E sa lagay ba iingitin mo lang ako dito. Ikaw daladalawa pa yang mga naggagandahang chikas sa tabi mo. Baka pwedeng ipakilala mo ako sa kanya." Ang tinutukoy ni Hades ay si Hope. Malagkit ang pagkakatitig niya sa dalaga. "NO. She's not available." "What?..girlfriend mo?" "Hindi. " "Iyon naman pala Bro, ipakilala mo na siya sa akin." "I said she's not available." "Labo mo naman bro. Let her decide ..Hi I'm Hades Anderson, best friend ni Ryo, you are?" "Hope De Asis. Pero, taken na kasi ako. Sayang pogi mo rin sana, kong pwede lang sana dalawa ang puso ko ang saya sana...Ang kaso ay iisa lang eh, at pagmamayari na niya." Sabay tingin kay Master Ryo. Kalakip ang pilyang ngiti at nagpa cute pa ng mga mata. "Ah, Ikaw naman Bro, masyado kang malihim pero totoo ba girlfriend mo ang magandang dilag na 'to?" Kumuha ng yelo si Sanjo, mula sa ice bucket at inilagay sa kanyang wine glass na parang walang narinig. Inikot ikot mona nya ang yelo sa loob ng baso bago ininom. Act like a cool lang ang peg nya, na lahat naman ng mga mata ng kanyang mga kasama doon ay sa kanya nakatingin at naghihintay ng kanyang kasagutan. "Hindi pa. Pero one day mapapasaakin din sya at magiging kami masyado lang kasing pakipot." Ang hindi makatiis na sagot ni Hope. "Ow's! Really?..ha!ha!ha!" Nabiglang reaksyon ni Hades na nagulat. For the first time kasi ngayon lamang siya naka encounter ng babaeng mukhang hindi natatakot kay Ryo. Sa ikinikilos ni Hope at pananalita ay kaswal na kaswal lamang. "Yeah. Nagsasabi ako ng totoo. Alam kong maraming siyang babae sa ngayon, maraming naghahabol. Hindi ko naman siya masisisi dahil look at him, 'di ba mukha at katawan palang makalaglag panty na. Mahirap man para sa akin pero okay lang. Dahil alam ko at the end, I will become his queen. Hindi ba mahal ko?" Buong kompyansang sabi ni Hope at kinuha niya ang kanang braso ni Ryo at niyakap nya sabay tingin sa mukha nito at nagpacute. Hindi naman makapaniwala si Crizza at Hades naging malaking impact sa kanila si Hope. Nagtataka din silang parehas dahil hinahayaan ni Ryo si Hope sa inaasal at sinasabi nito. Lalo na si Hades dahil kilala niya ang kaibigan. Hindi eto basta basta pumapayag na may magsalita o pangunahan siya sa mga bagay na tungkol sa kanyang buhay totoo man o hindi. Kahit maraming naikakamang babae ang kaibigan ngunit napakailap niya sa mga eto. Hindi siya malapit sa sinomang babae, para kay Ryo kasi pangkama at parausan lamang sila at wala ng iba pang koneksyon. Hindi rin malambing si Ryo at ayaw nitong nilalandi siya ninoman. Istrikto si Ryo at kinakatakutan at wala sa bokabolaeyo nito ang mga walang kwentang bagay. Pero ang babaeng eto si Hope ay naiiba. Hinahayaan ni Ryo na gawin at sabihin, ang gusto nitong sabihin kahit masyadong vulgar. Eto lang din ang nakita nyang babaeng pinayagan o hinayaan niyang dumikit sa kanyang katawan o kumapit. Hindi nito sinaway si Hope at hindi niya iniwasan. Sa halip hinahayaan lamang niya etong mangunyapit at hawakan siya. Samantalang si Crizza ay hindi manlamang mahawakan kahit kamay ni Mastet Ryo. Nakatingin siya sa dalawa lalo na kay Hope. "Kakaiba ang babaeng eto. Anong meron sa kanya." Lihim na tanong ni Hades sa kanyang sarili. Bagama't nakangiti habang nakatingin sa dalawa ay nagkaroon ng palaisipan sa kanyang isipan. "H-hi! Im Crizza Valdez." Pagpapakilala nito kay Hope. Inilahad niya ang kanyag kanang kamay upang makipag shake hands sa dalaga na pinaunlakan naman nito. "Hi din, Ako si Hope De Asis. Maganda ka pero may sarili din naman akong maipagmamalaking kagandahan. Hindi ba Ryo?" Ikinagulat ng tatlo ang sinabing eto ni Hope. Halata namang nakainom na si Hope, kaya seguro matapang eto magpahayag ng tunay na naiisip. Unang bumitaw sa kanilang shake hands si Hope na hindi ngumingiti. "Bakit ka naririto? Alam ba ng mga kuya mong nandirito ka?" "He!he!he! Hindi. Tumakas lang kasi ako sa amin. Sa palagay mo ba papayagan nila ako kong sakaling nagpaalam ako. " "Kong gayon halika na at iuuwi kita." "Ano uuwi ka na Ryo? Iiwan mo na ako dito, este kami pala ni Crizza." Binalewala ni Ryo ang kaibigan at sa halip ay hinila niya ang braso ni Hope ng patayo. Ni hindi manlamang nito tinapunan ng pansin si Crizza. "Hindi mo ba talaga ako kakausapin Ryo kahit sandali lang." Ang hindi makatiis na wika ni Crizza. Nakatingin eto sa kanya na tila nagsusumamo. "Pasensya na Crizza may importante lang akong gagawin." Sabay tingin kay Hope. "Pwede ba kitang tawagan later?" "Hindi pwede." Ang mabilis na sagot ni Hope. "At bakit naman hindi pwede Hope? " "Simple lang.... dahil akin siya. Sorry to say this Miss Crizza or kong sino ka man. Master Ryo is mine, at ipaglalaban ko siya kahit anong mangyari. " Buong tapang na saad ni Hope na talaga namang napanganga sina Hades at Master Ryo. "Totoo ba Ryo?" Hindi makapaniwalang paninigurong tanong ni Hades kay Ryo. "Halika na at marami ka nang nainom." Pagiwas nito sa tanong ng kaibigan. "Nainom? Kulang pa nga eh, teka last na to." Mabilis na kumawala si Hope sa pagkakahawak sa kanya ni Ryo. Kinuha niya ang baso na may lamang alak at mabilis na nilagok lahat ang laman nito. Tangka pa sana siyang pigilan ni Ryo subalit huli na dahil mabilis si Hope. Wala nang nagawa pa si Ryo kong hindi kunin sa kamay nito ang baso at inilapag sa mesa. Ngingiti-ngiti naman si Hope habaNg nakatitig kay Ryo. "Sige na bro, iuwi mona si Hope mukhang marami na yata siyang nainom. Don't worry about Crizza ako na ang bahala sa kanya. " Pagkasabi nito ni Hades ay tumango lamang si Master Ryo, tanda ng nagpapasalamat eto sa kanya at sa pangunawa nito. Bitbit ang dalaga na noon ay wala nang balanse sa kanyang bigat kaya tuluyan nang inilayo ni Master Ryo si Hope sa lugar na 'yon. "Ano nanaman yang pumasok sa kokote mo ha? Ikaw talaga hindi ka titigil hanggat hindi ka napapahamak. Paano na lang kong wala ako doon at hindi ako dumating. Gustong gusto mo bang talagang nababastos ha? Tingnan mo yang suot mo." Bulyaw sa kanya ni Ryo, at pilit pinipigilan ang sarili sa subrang inis. "Bakit ka ba nagagalit at ano naman ang problema sa suot ko, bakit hindi ba bagay sa akin hindi ba ako sexy? Hindi ba ako maganda?" "Bakit nakalant.." "Ituloy mo na nahiya ka pa. Sige na nga ako na ang magtutuloy. Gusto mo bang sabihin na masyado akong sexy at maganda he!he!he!" Natatawang sabi ni Hope. kasabay ng paglapat ng kanyang kanang palad sa dibdib ni Ryo. Mapang-akit niya etong hinihimas ng dahan dahan habang nakatingin sa mga mata ng mafia Boss na noon ay lalong nagsalubong ang mga kilay. Nasa harapan sila ng sasakyan ni Master Ryo at nakasandal si Hope sa may pintuan. Ang mga tauhan naman ni Ryo ay hindi malaman kong titingin ba pahaharap o tatalikod. Lalo na nang makita nilang bumababa ang kamay ng dalaga papuntang ibaba ng katawan ni Ryo. "What the f**k! Anong ginagawa mo Hope are you insane?" Galit na saad ni Ryo, sabay pigil sa kamay ni Hope na dumadaosdos na paibaba ng kanyang katawan. Kong hindi niya eto napigilan baka kong saan eto makasuot. "He!he!he! Bakit ka ba kasi nagagalit ng ganyan lalo ka tuloy nagiging Hot. Alam mo bang gustong gusto ko kapag nagagalit ka sa akin. Alam mo ba 'yon? Kunyari ka pa kasi, ayaw mo naman talaga akong mapunta sa iba. Alam mo ba kong bakit ko eto ginagawa iyon ay dahil sayo....yes, dahil sayo nga. Kasi doon ko lang napapatunayan na nagcacare ka talaga sa akin tulad nito, importante ako sayo at love mo din ako pakipot ka lang he!he!he! aminin na kasi masyado mo naman akong pinapahirapan he!he!he!" "Crazy woman." Iginiya na lang ni Ryo si Hope upang makapasok sa sasakyan pero halata namang pinipigilan lang nito ang sarili sa gigil sa dalaga. Kong nagkataon na tauhan lang niya si Hope baka napagbuhatan na niya eto ng kamay. "Aray naman, dahan dahan lang naman. " "Pasok." Singhal ni Master Ryo na hindi naaalis ang salubong na kilay. "Oo na eto na nga oh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD