CHAPTER 8

1905 Words
SINABI NG AKIN KA! C8 "Kumusta na si Margoux kuya Winston?" "Ayos na siya nagpapahinga na. Iyon nga lamang ay tuluyan nang nawala sa kanya ang kanyang ipinagbubuntis. Umalis na rin ako duon dahil dumating na ang kanyang magulang. Pagkatapos kong ipaalam ang nangyari sa kanya ay nagpaalam na ako. Napagkamalan pa nga ako ang boyfriend ng kaibigan mo... At Hindi pa tayo tapos mag-usap magaling na babae. Hintayin mo lang akong makauwi diyan sa bahay at malalagot ka sa akin. Paano kong hindi kami dumating sa tamang panahon? Naisip mo ba 'yon Hope?" "Sige na kuya Winston salamat. Inaantok na kasi ang baby sister mo, kailangan ng mag-beauty rest para lalong gumanda. I love you so much! kuya Winston, Da best katalaga. Goodnight, stay cool, stay handsome,stay awesome and I love you again! bye." Napailing-iling na lang si Winston habang binababa ang kanyang cellphone. Hindi pa siya tapos sa kanyang sasabihin pero wala na siyang magagawa pa dahil pinutol na ng kapatid ang kanilang pag-uusap nag off na eto ng tawagan. "Pambihira, paano pa kaya ako makapag-asawa nito kong sayo lang Hope, ay matutuyuan na ako.". ******* Halos dalawang buwan ng pagkagaling sa trabaho ay deretso na umuuwi ng bahay si Hope. Hindi rin siya gumagala kasama ng mga kaibigan. Naging taong bahay siya at tumutulong sa gawaing bahay. Sa madaling salita ay naging mabait siya sa mata ng kanyang mga kuya. Sa loob ng dalawang buwan ay hindi siya naging pasaway. Pabor naman eto sa mga kapatid ni Hope, na nakikita siya palagi sa bahay. Wala silang pinoproblema kong nasaan at anong oras siya uuwi. Ang hindi nila alam ay may tinatahing plano na naman eto sa kanyang utak kong paano mapapasakanya si Master Ryo. Sa lagay ba naman ay titigil na siya syempre hindi. Naka program na kaya sa kanyang isipan ang pangtatarget kay Master Ryo, lahat ay kanyang gagawin maging asawa lamang siya nito. Napag-alaman niya kay manang Sita na sa araw na eto araw ng sabado si Ryo, ay pupunta sa bago nitong pag-aaring Night Club sa Makati. Niyaya niya ang kanyang mga kaibigan na mag clubbing sa araw na iyon. At dahil naging mabait siya sa kanyang mga kuya kaya wala sa isip nilang tatakasan sila ngayong gabi ni Hope. Pang-umaga eto sa kanyang shift sa hospital. Ang hindi nila alam dalawang araw ng pinupuslit ni Hope ang kanyang mga gamit para sa clubbing na eto. Umalis siya kaninang umaga na daladala ang kanyang heels na sapatos dahil kahapon ang naipuslit niya ay ang kanyang black mini dress na binili pa niya online. Wala talaga siyang balak na magpaalam, dahil seguradong hindi nanaman siya papayagan ng kanyang mga kuya. Na aalis siya ng gabing iyon at pupunta sa club. Kulang na lamang ay isipin niyang balak siyang pagmadrehin ng mga kapatid sa subrang higpit nito sa kanya. Lumaki naman silang magkakapatid sa siyudad ,pero parang idolo yata ng kanyang nga kapatid si Maria Clara. Bawal magsuot ng maikling damit, kagaya ng shorts, at sleeveless. Kaya naman ingat na ingat siya sa binili niyang damit para sa gabing eto. Hindi na nga niya eto pinagkaabalahan pang sukatin sa takot na mabisto siya ng mga kuya niya. Subrang ingat na ingat talaga siya dahil hindi niya papalagpasin ang pagkakataong iyon, ng makita si Ryo. Alam niyang iniiwasan siya nito at nahirapan siyang alamin kong saan eto naroroon kapag wala eto sa kanyang bahay. Kahit ang mga naging malapit sa kaniya na mga tauhan ni Ryo, sa mansion ay walang masabi sa kanya kong saan eto pwedeng matagpuan. Kong hindi nga lamang aksidenteng narinig ni Manang Sita ang usapan nila Ryo at ng kanyang mga tauhan na pupunta eto sa bagong pag-aaring negosyo ay baka walang pag-asa na makita niyang muli eto. Halos araw-araw ay tumatawag si Hope kay manang Sita sa pagbabakasakaling may impormasyon eto. Kaya subra syang naging masaya nang sa tumawag sa kanya si Manang Sita at masayang sinabi ang magandang balita.. "This is it Hope, kailangan mapa OO mona si Master Ryo." Ang sambit niya sa kanyang sarili habang on the way na siya sa bahay ni Alexa isa sa kanyang mga kaibigan at kasamahang nurse. "Ayyy! Pak! Pak na pak! ka dyan ghurl." Tuwang tuwa na napasigaw si Alexa ng makita niya si Hope. "Hindi ko alam na masyadong napaka-ikli ng naoerder ko dapat pala ay large." "Hindi ah. Bagay na bagay nga sayo ohh, super duper sexy ka dyan." "Gusto ko ngang maging sexy pero hindi ganito subrang ikli naman ng haba nitong damit na to. Ta mo oh, parang tinakpan lang ang puwetan ko nito. Masyadong revealing na nga ang likod ko pati ba naman legs ko. Kahit hindi na ako tumuwad eh makikitaan na ako." "Ghurl, okay lang yan. Hindi ka lamg seguro sanay. Pero bagay na bagay sayo, kasi maganda ka at may panglaban ka na body, Hindi ka papakabog at naseseguro kong magbibilang ka ng lalaki ngayong gabi." "Oy, subra sya oh. Grabe ka naman magbibilang talaga seryoso?" "Ha!ha!ha!...Oo nga makipagpustahan pa ako sayo if ever na ma zero mamaya." Sinipat muli ni Hope ang kanyang sariling replica sa harap ng whole body mirror sa tapat niya. Maski siya ay halos hindi niya makilala ang kanyang sarili dahil mukha siyang artista. Hindi man siya komportable sa suot niyang iyon dahil, mas sanay ang kanyang katawan sa mga over size na mga damit at pajama. Eto pa lamang ang pangalawang beses niyang pagsusuot ng maikling damit. Ang una ay noong aatend sana siya sa birthday party ni Marquox sa isang Resto Bar, pero napornada dahil nahuli siya ng kanyang kuya. At hindi niya pinagsisihan ang pangyayaring iyon dahil doon ang simula na nakilala niya si Master Ryo. "Sige na nga e-carry ko na 'to. Para sayo my Master Ryo ng buhay ko gagawin ko ang lahat mapasakamay ko lang ang matamis mong Oo. Kailangan ngayong gabi ang umpisa nang ating relasyon bilang magnobyo at magnobya. Sa ayaw at sa gusto mo mapapasa akin ka ngayong gabi." "Oh, natahimik ka na dyan Hope, halika na at nagbobosina na si Thirdy sa labas, andyan na ang sundo natin. Huwag ka nang mahiya dyan sa suot mo, isipin mo isa kang Goddes ngayong gabi paminsan-minsan lang yan. "... "Kumusta naman dito wala bang nangyayaring kaguluhan dito?" "Meron naman Master Ryo, pero normal lang naman. Hindi naman kalakihan at kayang-kaya naming e-handle." "Mabuti kong ganon. May mga kasama akong bagong kaibigan dalhan mo kami ng maiinom at ng masarap na pulutan." "Hades, masarap ang mga pagkain namin dito seguradong babalikbalikan mo." "Basta sinabi mo maniniwala ako. Ikaw pa ba? alam na alam ko naman na mataas ang taste mo sa lahat...By the way bro. Naaalala mo ba si Crizza ang kaklase natin noon na pinakamaganda sa buong campus noong highschool?" "Oo naalala ko sya bakit ba?" "So naalala mo? Sabagay makakalimutan mo ba sya eh, hindi ba naging kayo non." "Naging kami nga pero hindi ba't bigla siyang nawala sa Campus at mula noon sabay na wala na kaming kontak sa isat-isa. "Na meet ko siya kahapon sa isang kasalang dinaluhan ko. Kasal kasi ng pinsan ko kahapon at nagkataong kamag-anak pala niya ang naging asawa ng pinsan ko. So ayon nagkamustahan at sa hinaba-haba ng aming usapan nabanggit ka nya. Alam mo bang tinanong niya sa akin kong nasaan ka na at ang sab...." Nahinto ang pagssalita ni Hades, dumating kasi ang mga waiter. "Excuse me Sir, eto nang mga drinks nyo and foods enjoy. " "Ituloy mo Hades, anong sabi mo?" "Eh, di sinabi ko ang totoo na magkikita tayo ngayon. Inalok ko pa nga siyang pumunta dito kaya baka nandito na iyon nasa tabi-tabi lang. " "Bakit naman niya gustong makipagkita pa sa akin eh iniwanan nga niya ako noon hindi ba?. Iba ako noon at iba na ako ngayon." "Well, iyan ang hindi ko alam. Pero mukhang seryosong hinahanap ka nya...Mahal mo pa ba siya?" Naitanong eto ni Hades kay Ryo, dahil mag bestfriend silang dalawa noon at hanggang ngayon. Kilala nila ang isat-isa at bukas sa kanya ang pagiging Mafia ng kaibigan. "I think past is past, at wala na kaming dapat pang pag-usapan pa. " "H-hello!" "Speaking of the devil andito na pala sya...Crizza." Isang babaeng mala porcelana ang kutis Sa isang tingin ay masasabi mo nang may lahing dugong banyaga eto. Sa isang tingin din ay masasabi mong napakaganda niya, na para bang isang dyosa na bumaba sa lupa. Kulang na lang ay pakpak para masabi ding isa siyang anghel. "Can I join you?" "Ofcourse Crizza, come here. Kong kasing ganda mo ba ang uupo sa tabi namin tatanggi pa ba kami he!he!he!" Lumapit at naupo si Crizza sa tabi ni Master Ryo. Isang simpleng ngiti ang ibinigay ng dalaga kay Ryo, ng magtama ang kanilang mga mata. Tahimik at lumagok lamang ng alak sa kanyang hawak-hawak na baso si Master Ryo. Sinasadya niyang hindi makita o lingunin si Crizza, kahit na amoy na amoy nito ang mabangong amoy na nanggagaling sa kanya. "Ryo, kumusta." Hindi eto tinugon ni Ryo. Para namang may dumaang mga anghel sa kanilang harapan at biglang naging tahimik walang gustong magsalita. Seryoso lang na umiinom ang binata na hindi nililingon ang babae. Binigyan ni Hades, si Crizza ng alak na maiinom at tahimik na ininom naman nito eto at panaka-nakang tumitingin siya kay Master Ryo. Halatang gusto niya etong makausap. Nagulat silang tatlo nang biglang humahangos na pumasok ang isa sa mga tauhan ni Master Ryo, sa VIP room na pinagpwepwestuhan nila. Dali-dali etong lumapit kay Master Ryo, at may ibinulong. Dahilan upang biglang mapatayo eto. Mabiilis na lumabas ng VIP room at sumama sa kanyang tauhan. "Sinabi nang bitawan nyo ako ano ba? kong hindi ay talagang magsisisi ka." Nagpupumiglas man si Hope sa kamay ng dalawang lalaking nakahawak sa kanyang magkabilang palapulsuhan ay talagang hindi siya nila binibitiwan. "Babe ,naman pakipot ka pa eh. I can pay, how much do you want? Say it babe. And I promise hinding-hindi mo ako makakalimutan titirik ang mga mata mo sa akin ha!ha!ha!" "Hanggat maaga lumayo na kayo sa akin dahil hindi ako kagaya ng iniisip nyo. At baka ikaw ang tirikan ng mga mata sinasabi ko na sayong bastos ka. Magsisisi kang talaga ikaw din." "Hindi mo ba alam kong sino ako ha? Wala akong kinakatakutan. At wala pang babae ang tumatanggi sa akin. Lalo na isang babaeng kagaya mo. Wag ka nang makipaglaro babe alam ko naman bubukaka ka rin sa akin at magmamakaawang ipasok ko ang akin. " Ang buong pagmamayabang at nakangising demonyo na wika ng lalaking nasa harapan ni Hope. Kong makatitig eto sa kanya ay parang isang asong ulol na naglalaway. Pero isang malakas na tadyak sa sikmura ang biglang natanggap niya. Isang malaking lalaki ang humarap sa kanya at nang tumalikod ay mabilis na pinagsasapok ang dalawang lalaking may hawak-hawak kay Hope. Walang iba kong hindi si Master Ryo. Na noon ay salubong ang makakapal na kilay na parang isang mabangis na leon handang sagupain at sakmalin ang kanyang target. Pahatak niyang kinuha ang braso ni Hope papalapit sa kanyang katawan. Pinasadahan niya mona eto ng tingin mula ulo hanggang paa bago tinanggal ang kanyang suot-suot na coat at isinuot eto kay Hope. "YOU!" Ang galit na wika ni Master Ryo, habang nanlilisik ang mga mata nito kay Hope. " WHAT ABOUT ME HUH?" Ang ganting sabi naman ni Hope na sinalubong ang mga matang galit ni Master Ryo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD