Chapter 11

1506 Words
"Kailan mo pa nalaman?" tanong ko sa kan'ya ng umupo s'ya sa tabi ko. Nandito kami sa garden ng restaurant nakaupo sa isang bench. Pumunta ako rito para magpahangin at maikalma ang sarili ko ng sumunod s'ya sa akin dito at umupo sa tabi ko. "A month ago before Mom's birthday. You?" "Weeks ago before your Mom's birthday." sagot ko. "Nalaman mo rin ba ikakasal ka... sa'kin?" Nag-aalangang tanong ko sabay lingon sa kan'ya. "No, ngayon ko lang nalaman." sabi n'ya kaya tumingin ulit ako sa harapan namin. "Pareho lang pala tayo." namayani ang katahimikan sa'ming dalawa. "Nung... nalaman mong ipinagkasundo ka, anong---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na s'ya siguro dahil napansin din n'yang nag-aalangan ako sa pagtatanong. "Kung anong naging reaksyon ko? Naramdaman ko?" pagtutuloy n'ya sa itatanong ko. "Hmm." tumango bilang sagot. "Of course, I was shocked and confused. Dahil bakit may ganun silang pinag-usapan? Bakit nila tayo pinagkasundo? Wala ba tayong karapatan na piliin ang gusto nating mapangasawa? A lot of questions are on my mind, until now." napayuko na lang ako dahil sa narinig ko sa kan'ya. "And then, I remember our business, maybe, that's the reason why they want me to marry someone, because of business. Kaya pumayag ako, because I can't handle that fully. I dreamt of becoming an architect, that's why I'm pursuing it. And nobody can't stop me. Maybe she, you, can handle our family's business." he faced me. "But you're going to handle your mother's restaurant---" "I'm going to take Business Management after I graduated Culinary Arts, I also want to help my family in running our businesses." Both of our family own a real estate aside from their other business kaya siguro tutulong na lang din ako dun. "You? What do you feel when you learned about this?" he asked. Napabuntong hininga ako. "Mad... Shocked... Confused..." pagod na sagot ko at napa-iling. "Kahit nalaman kong ayon ang kahuli-hulihang hiling ni Mom, ayon pa rin 'yong naramdaman ko. Kasi feeling ko wala akong karapatan na mamili. Wala akong kalayaan, na para sa business lang 'yon. Pero na realize ko, did I ever do something for her? When did she wish or request something, that I give her that? Did she ask, wish or request something? No. The answer for all my questions were no. Ni isa, wala s'yang hiniling sa'min. Hiningi sa'min, wala kahit isa. Kasi s'ya 'yong bigay nang bigay basta sabihin namin. Kahit tinatanong namin noon kung may gusto s'ya, wala s'yang sinasabi. Basta makita lang n'ya kaming masaya, okay na s'ya. Kaya nung nalaman kong ito 'yong una at huling hiling n'ya, tinanggap ko na kasi may tiwala ako sa kan'ya kahit matagal bago ako makapagdesisyon." malungkot akong ngumiti. "Alam kong ito na lang din 'yong magagawa ko para sa kan'ya kahit wala na s'ya." Palihim kong pinahid ang luha na tumulo. "Kahit pala choice nating tumanggi magkakaro'n pa rin tayo ng rason para pumayag." sabi ko at nginitian s'ya ng malungkot. "Kasi 'yong mga rason natin, may malaking ambag sa'tin, kasi may kinalaman na ang pamilya natin sa rason kung bakit tayo pumayag." Napabuntong hininga na lamang ako ng maalala ang pinag-usapan namin ni Reo noong nakaraan sa garden ng restaurant. Pumunta lang ako rito sa garden ng school ayon na agad ang pumasok sa isip ko. Hindi pa kami nagkikita simula kaninang umaga. Hindi rin kami nagsabay kumain ni Ryzk ngayong tanghali dahil may gagawin daw s'yang mahalaga, ako naman ay walang ganang kumain dahil sa mga naiisip ko ngayon. Parang sasabog na nga ata ang utak ko sa kakaisip. Hindi ko na rin alam kung anong pwede kong gawin ngayong tanghali? Kaya pumunta ako rito sa garden baka sakaling mawala o mabawasan man lang ang mga naiisip ko ngayon. Napaatras ako ng konti ng may biglang sumulpot na coke in can sa harapan ko. Kaya napa-angat ako nang tingin at nakita ko si Reo na nasa harapan ko kaya napalunok ako at kinalma ng palihim ang sarili ko dahil sa pagbilis na naman ng t***k nang puso ko. "R-Reo... anong ginagawa mo rito?" muntikan na akong mapapikit nang mautal ako sa pagbanggit sa pangalan n'ya. Inilapit n'ya ulit sa akin ang hawak n'ya kaya kinuha ko na ito. Umupo s'ya sa tabi ko at nagbukas rin ng coke in can na hawak n'ya na hindi ko man lang napansin. Umiwas ako nang tingin at tumingin na lamang ako sa harapan ko at binuksan ang binigay n'yang coke at ininom ito. "Wala naman. Gusto ko lang magpahangin." sagot n'ya sa tanong ko. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" "Same reason. Busy si Ryzk e." Sagot ko. "Alam mo ba kung anong pinagkakaabalahan ng kapatid ko?" "Yes, the officers of our class are having a meeting about the booth that we're going to make this upcoming Valentine's Day." kalmadong sagot n'ya. Atsaka ko lang naalala na next month na pala ang Valentine's Day, wala pa kaming plano tungkol do'n dahil hindi rin naman nagpapatawag ng meeting ang president. Siguro nga maganda na rin na magmeeting na kami tungkol do'n dahil mas maganda 'yong may plano na agad kami. Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong malapit na magsimula ang klase ko kaya tinignan ko si Reo. "I'll go ahead. Malapit nang magsimula ang next class ko." sabi ko. Napatingin s'ya sa akin kaya bumilis na naman ang t***k nang puso ko at nakaramdaman ako ng kung ano sa tyan ko. "Ihahatid na kita." nagulat ako sa sinabi n'ya kaya natataranta akong tumayo at umiling. "H-huh? H-hindi---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil agad s'yang tumayo at hinawakan ang palapulsuhan ko at marahan akong hinatak. Kaya napaangat ako nang tingin dahil sa tangkad n'ya. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko dahil sa pagtatama ng mata naming dalawa. Hulog na hulog na ba talaga ako sa taong 'to? Puso naman, 'wag ka naman gan'yan. Baka marinig ka na n'ya, kalma lang. "'Wag ka ng makulit, ihahatid na kita." sabi n'ya sabay hatak sa akin nang marahan kaya wala na akong nagawa kundi ang magpahatak. Habang naglalakad kami sa hallway ay nakatungo lamang ako at nakatingin sa paa ko o 'di kaya sa paa n'ya pero ramdam ko ang mga tingin nang mga estudyante sa amin kaya mas lalo akong tumungo dahil nahihiya ako at ayoko rin naman sa atensyon. Napansin kong tumigil s'ya sa paglakad kaya napatigil na rin ako at nakita ko na humarap s'ya sa gawi ko dahil nga nakikita ko ang sapatos n'ya kaya dahan-dahan akong nag-angat nang tingin at nakita kong nakatingin din s'ya sa akin ng malalim kaya umiwas ako ng tingin dahil sa mga tingin n'ya sa'kin. "Mabubunggo ka na sa'kin, nakatungo ka pa rin." mahina at mahinahong sabi n'ya. "Ba't ka ba nakatungo?" "Kasi... nahihiya ako." mahinang sabi ko. Napansin kong mas lalo kami nakakahakot ng atensyon dahil nasa gitna kami ng hallway tapos gan'to pa eksena namin. "Why?" "We're getting the students' attention... alam mo namang ayaw ko sa atensyon 'di ba?" mahinang sabi ko at pinilit tanggalin ang pagkakahawak n'ya sa'kin pero lalo n'ya lang 'tong hinigpitan pero hindi naman masakit. Inilapit n'ya ang muhka n'ya sa muhka ko kaya sa gulat ko ay napaatras ako. "A-anong... n-nababaliw ka na ba?" nauutal na tanong ko. Napangisi s'ya sa sinabi ko kaya naramdaman kong nag-init ang pisngi ko kaya tumingin ako sa ibang direksyon. "Cute..." nanlalaki ang mata kong tumingin sa kan'ya dahil sa sinabi n'ya kaya hinampas ko s'ya sa dibdib. Habang nag-aayos ako ng gamit ko para sa pag-uwi ay talagang yukong-yuko ang ulo ko dahil sa hiya. Pa'no ba naman kasi nung kumpleto na kaming lahat sa klase at wala pa yung next prof namin ay talagang nakatanggap ako nang pang-aasar sa kanila dahil umabot pala sa kanila yung eksena kanina sa hallway. Kaya hanggang ngayong uwian ay ramdam ko ang tingin nila na may pang-aasar kaya hindi ko sila tinitignan dahil ayokong makita nila ang namumula kong muhka. Pagkatapos kong mag-ayos ay agad kong lumabas at narinig ko ang tawanan nila kaya napailing na lamang ako at inayos ang salamin ko. Napatingin ako sa relos ko at nagmamadaling naglakad papuntang elevator. Pagkadating ko ay naghahabol pa ako ng hininga dahil sa paglalakad ko ng mabilis ay saktong namang bukas ang elevator at bigla na lamang nanlaki ang mata ko sa nakita. Reo and a girl clinging to his arm. Smiling at each other. Napatingin silang dalawa sa akin kaya napaayos ako at pumasok agad. Hindi ko alam pero nasu-suffocate ako sa loob kasama silang dalawa para ring pinipiga ang puso ko nang maalala ko yung nakita ko kanina. Palihim akong napailing at kinuha ang phone ko sa bulsa ko at nakita kong may natanggap ako text galing sa kanya kaya medyo nataranta ako ng konti mabuti na lang pareho silang papuntang parking lot. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay agad akong lumabas at nagpalinga-linga hanggang sa may narinig akong tumawag sakin. "Jael!" napalingon ako sa direksyon na ayon at nakita ko s'yang kumakaway sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD