Chapter 12

1605 Words
"Kuya Peter!" nakangiting tawag ko sa kan'ya habang kinawayan s'ya at tumakbo sa pwesto n'ya. "Hi, baby!" nakangiting sabi n'ya sa akin pagkalapit ko kaya mas lalong lumaki yung ngiti ko. Binuka ko ang dalawang braso ko at tumalon papunta sa kan'ya kaya agad akong sinalo ni kuya Peter at niyakap ako pabalik. "Na-miss kita." nanggigigil na sabi ko sa kan'ya at niyakap s'ya nang mahigpit. Narinig kong natawa s'ya sa sinabi ko at tinulak ako ng mahina pero mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kan'ya para hindi ako makabitaw. "Baby, hindi kita mabubuhat dahil naka-skirt ka, kaya bitaw na." napasimangot akong bitaw sa kan'ya at nakita kong nakangisi sa'kin si kuya Peter. Kaya hinawakan n'ya ang likod ng ulo ko nilapit sa kan'ya sabay halik sa noo ko. "I miss you too, baby." sabi n'ya pagkatapos n'yang halikan ang noo ko. Kuya Peter is our cousin. Anak s'ya ng kapatid ni Dad, s'ya yung namamahala sa isang company ng family namin kung saan magta-trabaho si Ryzk pagka-graduate n'ya. Kuya Peter is a tall man, have lean body, jet black hair, thick eyebrow, black eyes, pointed nose, his red lower lip is a bit thick, define jawline. He's wearing a plain white shirt with a black checkered, black jean and a white sneakers. His hairstyles is bit messy kaya mas lalo s'yang gumwapo. "Ang ganda ng pormahan natin ngayon ah? Ano meron?" nakangising tanong ko sa kan'ya pagkatapos ko s'yang pasadahan nang tingin. Ngumisi naman s'ya pabalik at kinuha ang kanang kamay ko. "We're going to have a date, baby." sabi n'ya sabay hatak sa akin ng marahan kaya nanlalaki ang mata kong tinignan s'ya. "Huh? Date?" gulat na sabi ko sa kan'ya at tumango naman s'ya kaya tinignan ko ang sarili ko pabalik sa suot n'ya. "Hala! Joke ba yun?" "Nope." "Pero, kuya, naka-uniform pa ko." reklamo ko kaya napahinto s'ya sa paglakad at nilingon ako. Tinignan n'ya ang kabuuan ko kaya tumango-tango s'ya. "May sando ka?" tanong n'ya kaya biglang kumunot noo ko sa tanong n'ya. "Yep." popping the 'p'. "Why?" tumango-tango naman s'ya at binuksan ang likod ng kotse. Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa tapat ng kotse n'ya. "Come here." kaya lumapit ako sa kan'ya at bigla na lang n'ya sa'kin inabot ang isang blue checkered tinignan ko ito at tumingin sa kan'ya na nagtataka. "Suotin mo yan tapo tuck-in mo. Hihintayin kita rito sa labas." sabi n'ya kaya tumango-tango ako at pumasok sa loob. Hinubad ko ang I.D, blazer, at white polo shirt ko, buti na lang talaga at naka-spaghetti strap top ako kaya agad kong sinuot ang checkered na binigay ni Kuya at binutones ito bago ko tuck-in. Nang makuntento na ko ay inayos ko ang damit na pinaghubaran ko at nilagay ko sa bag ko ang I.D ko. Pagkalabas ko ay s'ya namang pagharap ni Kuya sa pwesto ko at pinasadahan ulit ako nang tingin. "Nice." nakangiting sabi n'ya sabay thumbs up kaya napa-iling na lamang ako. "Tara na nga." Pagkatapos naming manood ng sine ay pumunta kami sa isang pizza parlor ni Kuya Peter, ngayon naglalakad kaming dalawa dito sa mall para na rin matunawan kami kaagad kahit ang totoo ay mabilis akong matunawan. Habang naglalakad kami ay bigla akong nakitang shop na puro stuff toy kaya hinatak ko ay sleeves ni Kuya at tinuro ang shop na nakita ko. "Kuya, punta tayo ron." nakangusong sabi ko habang nakatingin sa kan'ya kaya natawa si Kuya at ginulo ang buhok ko. "Okay." kaya napangiti agad ako at hinatak s'ya papunta ron. Wala naman akong narinig na reklamo mula sa kan'ya. Pagkapasok namin ay parang bigla na lang nagningning ang mata ko dahil agad kong nakita si Stitch, yung kulang blue na koala-ng alien na mahaba ang tenga, medyo malaki yung stuff toy. Agad ko itong nilapitan at nilingon si Kuya na nakatingin sa akin habang nakapamulsa. "Kuya, gusto ko nito." sabay turo kay Stitch. "Okay." sabi n'ya kaya nanlaki ang mata ko. "Talaga?" at tumango naman s'ya at nilingon ang babaeng nasa likod n'ya. "We'll take that alien." sabi ni Kuya Peter kaya natawa ng konti ang babae at umalis. "Thank you, Kuya." sabi ko at niyakap ang braso n'ya. "Anything for my baby." Pagkatapos bayaran ni Kuya yung pinabili ko ay agad kami lumabas kaso bigla namang nanikip ang dibdib ko sa nakita. Si Reo na may kasamang babae, yung babaeng nasa elevator kasama n'ya, nandito rin sa mall, naka-akbay si Reo sa babae habang yung babae at nagngingitian sa isa't isa. Napa-iwas na lamang ako nang tingin at hinatak na si Kuya sa lugar na iyon para hindi nila kami mapansin. Bakit ba paulit-ulit na pumapasok 'yon sa isipan ko? Para s'yang sirang video na nagpapaulit-ulit sa isipan ko. Ba't hindi ko man lang naisip na baka nga may girlfriend s'ya? Pero kung may girlfriend s'ya, ba't pa s'ya pumayag na magpakasal sa'kin? Para saan? Anong dahilan? Kahit hindi naman s'ya pumayag ay ayos lang, hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong hindi ako kayang mahalin. Siguro kaya lang ako pumayag ay dahil kay Mommy at nung nalaman kong s'ya 'yong papakasalan ko ay napanatag ako kasi mahal ko s'ya pero nakalimutan kong hindi n'ya nga pala ako mahal, ni isang katiting na pagkagusto ay wala. Napabuntong hininga na lamang ako sa iniisip. Konti pa, Reese. Konting tiis pa. Kaya mo 'yan. Malakas ka. Kakayanin mo lahat. Napaangat ako nang tingin at saktong nakita ko 'yong babaeng kasama ni Reo kahapon. Tama, naaalala ko na s'ya. Kasama s'ya sa cheerleading squad at taga-tourism department. Matangkad, maputi ang balat, itim ang katamtamang haba ng buhok, maganda ang pangangatawan, maganda ang hubog ng kilay, mahaba ang pilik-mata, brown naman ang kulay ng mata n'ya, mapula ang manipis na labi at matangos ang ilong. I no longer wonder if that girl is Reo's girlfriend. Who wouldn't court her if she's that beautiful? I think... I should just stop... "Reese?" I snap on my thought when I heard my name. I look up and see Reo, holding a can of coke in his hands. Just like what happened yesterday. "What are you doing here?" he asked and sit beside me. Umurong ako ng kaunti kahit alam kong kasya naman kami dito sa bench. Deja vú, ha? It also happened yesterday. Me sitting here in the bench spacing out and he will come out of nowhere holding two can coke. The difference is he's the one who asked me the question that I asked him yesterday. "Uhm... Nagpapahangin lang. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kan'ya habang nakatingin sa harapan namin. Napansin kong nawala na 'yong babaeng kasama ni Reo kahapon. Lihim akong napabuntong hininga. Gusto ko s'yang tanungin pero natatakot ako sa magiging sagot n'ya at alam ko naman din na sasabihin naman n'ya 'yon kung gusto n'ya talagang makasama ang girlfriend n'ya hihintayin ko na lang ang araw na 'yon at habang hinihintay 'yon, ihahanda ko ang sarili ko. Ihahanda ko ang sarili ko sa sakit at sa lahat. "Magpapahangin din." sabi n'ya at inabot sa akin ang can na nabuksan na n'ya kaya agad ko itong kinuha at uminom. "Thanks." I said after I drink. He just hummed as a reply. And silence enveloped us. "How's my twin brother?" I asked to break the silence. "Hmm... He's fine, I think. He's making himself busy." Napansin ko na rin 'yon. Naging busy si Ryzk after n'yang mawala. Siguro para hindi n'ya masyadong maisip si Athena dahil alam kong hanggang ngayon, nasasaktan pa rin s'ya pero alam ko rin na paunti-unti, natatanggap na n'ya. Alam kong magiging okay din s'ya. Hindi naman kasi ibig sabihin na nagmo-move on at tinatanggap na ni Reo ang pagkawala n'ya ay dapat na rin n'yang kalimutan si Athena, he need to accept that Athena just came to his life because she needs to give him some life lesson that he will remember until he gets older and accept that she's no longer here. And move on from the pain but he should still remember that she's still in his memories and his heart. May mga tao na dadarating lang talaga sa buhay natin hindi para manatali, kundi bigyan tayo ng mga alaala na matututunan at maaalala natin hanggang sa tumanda tayo. Pero hindi ibig sabihin nun na kailangan natin silang kalimutan sa isip at puso natin. "He'll be fine, not now, but soon." I said. "He will be able to accept everything." Sana ganyan din ako kapag nalaman ko na ang totoo. "What time of your next class?" tanong n'ya kaya umiling ako. "We don't have classes anymore." "Why?" "May sakit Prof namin." "I see." "You have plans?" he asked and I nod. "Yeah. Why?" sabi ko at lihim ba napangiti dahil naalala ko na naman ang sinabi n'ya kagabi. "We will have a date tomorrow, okay? Whether you like it or not, we will have a date. I will fetch you again." Kuya Peter said. "Hmm... Nothing." ""I'll go ahead." sabi ko at tumayo habang sinusuot ko ang bag ko. "See you, Reo." at tumayo sa kinauupuan ko. "See you. Take care." he said while there's a small smile in his face. I smile to him in return. Pagkatalikod ko parang bumigat ng kaunti ang pakiramdam ko. Magagawa ko kayang tumalikod sa kan'ya ng ganito kadali kapag nalaman ko na sa kan'ya lahat? Kapag nalaman ko na ang totoo? Paniguradong hindi. Sobrang sakit ang mararamdaman ko kung gagawin ko 'yon. Pero kailangan 'di ba? Para masalba ko yung sarili ko sa sakit, kailangan kong bumitaw at tumalikod sa mga bagay na nagbibigay lang sa'kin ng sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD