"Ako na ang magdadala sa sala."sabi ni Manang kaya sabay na kaming umalis at pumunta sa sala. Pagkarating ko roon ay si Ate na lang ang nandoon.
Nakasuot s'ya ng off shoulder maroon cocktail dress at ang sleeves nito ay lace na aabot hanggang siko. Ang wavy hair n'ya naman ay naka-twisted low ponytail na bumagay talaga sa kan'ya. Naka-light make-up lang din s'ya katulad ko at nakasuot naman s'ya ng silver stilletos at may hawak na maroon clutch bag.
"Nasa'n sila, Ate?" tanong ko sa kan'ya pagkalapit ko.
"Nando'n na sila sa labas. Tara na." sabi n'ya at naunang naglakad palabas ng bahay kaya sumunod na rin kami ni Manang.
Pagkalabas namin ay nando'n nga sila Daddy sa labas at halatamg nagpapahangin kaya lumapit kami sa kanilang dalawa. Kinuha ng isa naming bodyguard ang box kay Manang.
"Ako na lang po ang maghahawak nito." sabi n'ya sa amin ni Manang.
"Ay wait!" sabi ko kaya napalingon s'ya sa gawi ko.
"May nakalimutan akong idikit." at binuksan ko ang bag ko at kinuha ko ro'n ang card na may dikit sa likod at idinikit ito sa taas ng box.
"Let's go, anong oras na rin." sabi ni Daddy. Kaya napalingon kami sa kan'ya at lumapit.
Unang pumasok si Ate at inalalayan naman s'ya ni Dad. Sumunod naman akong inalalayang pumasok ni Daddy sa tabi ni Ate pagkatapos ay magkasunod na pumasok si Ryzk at si Dadd sa loob.
Nang makapasok na kaming lahat ay isinara ng isa pa naming bodyguard ang pinto habang ang bodyguard naman namin na may hawak ng box ay umupo sa tabi ng driver. Nang makitang ayos na kaming lahat ay pinaandar na ang sasakyan at umalis. Ang alam ko ay sa isang hotel na pag-aari nila Reo gaganapin ang event kaya medyo may kalayuan pa.
Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa hotel kung saan gaganapin ang event. May isang lalake na sa tingin ko ay bodyguard nila Tita ang nagbukas ng pinto ng van at inalalayan pa kami ni Ate na lumaba ng van. Nang makababa na kaming lima, kasama ang bodyguard namin na may hawak ng box, ay tinuro ng bodyguard nila Tita ang direksyon kung sa'n ang mga bisita.
Pagkapasok namin sa venue ay muhkang simple pero sobrang ganda. Mga table sa paligid na may mga maroon ribbon, may chandelier na mas lalong nagpaganda sa paligid, may stage sa gitna at may mga red roses sa unahan. May mga bisita na familiar sa akin pero karamihan hindi ko kilala. Siguro mga kasosyo nila sa negosyo at ang iba siguro, kamag-anak.
"Puntahan natin sila." sabi sa'min ni Dad at tumingin sa unahan kaya napatingin na rin ako ro'n. Nando'n pala sila sa unahan habang kausap ang mga bisita na lumalapit sa kanila.
Kaya naglakad kami papunta sa kanila, si Ate nakakapit sa braso ni Daddy habang si Ryzk naman ay inilagay ang mga kamay ko sa braso n'ya kaya nagtinginan kami at kinindatan naman n'ya ako kaya napangiti ako. Ang bodyguard naman namin ay nasa likod habang hawak-hawak ang box. Hindi pa kami makalapit dahil may mga taong nasa harap pa namin kaya ng umalis sila ay lumapit kami kaagad at nang makita kami ni Tita ay sobrang lawak ng ngiti n'ya.
"Villanueva's!" nakangiting sabi ni Tita sa amin. Nakipagbeso kami sa kan'ya, kay tito Art, kay Rage at kay Reo.
"Akala ko talaga hindi kayo makakapunta mas lalo ka na, Charles." sabi ni tita Grace kay Dad.
"Hindi naman talaga ako makakapunta kung hindi mo lang ako kinulit ng kinulit. Pati 'tong si Arthur ay kinunsinti ka pa." natatawang sabi ni Dad kaya nagtawanan sila.
"Charles, ako rin naman kasi ay kinulit n'ya na papuntahan ka... kayo ng pamilya mo. Wala naman akong magawa at baka magtampo kaya sumunod ako." nakangiti sabi ni tito Art sabay akbay kay tita Grace.
Napailing si Dad. "Under." nang-aasar na sabi ni Dad.
Natawa at napailing na lamang si Tito habang si Tita naman ay inirapan si Dad pero may ngiti sa labi.
"Tita," tawag ko sa kan'ya dahil hindi na naman na sila nag-uusap.
"Yes, Reese?" nakangiting sabi n'ya.
"Ito po pala 'yong gift namin para sa inyo." sabi ko at ipinakita sa kanila ang box na hawak ng bodyguard namin.
"Mabuting ilagay n'yo po 'yan sa ref." nakangiting sabi kaya napalingon sa akin si Tita na nagtataka.
"Why?"
"Ayan po 'yong matagal n'yo ng nire-request sa'kin."
"What?!" gulat na sabi n'ya pero mababakasan pa rin ng tuwa sa muhka n'ya. Mas lalo akong napangiti sa reaksyon n'ya at tumango na lamang. Lumapit sa'kin si Tita at niyakap ako ng mahigpit.
"Thank you!" sabi ni Tita sa'kin ng humiwalay s'ya.
"You're always welcome, Tita." nakangiting sabi ko.
"Hmm... feeling ko swerte ang mapapangasawa mo, Reese." nakangiting sabi sa akin ni Tita na nagpatigil sa akin sandali at ngumiti sa kan'ya, alanganing ngiti pero hindi gano'ng halata.
"Paano n'yo naman po nasabi 'yan, Tita?" tanong ko.
"Well, ang alam ko kasi mahilig ang mga lalake sa mga babaeng masarap magluto. Do'n pa lang pasado ka na kasi magaling kang magbake, magaling ka pang magluto. Oh! 'Di ba?" natutuwang sabi ni Tita kaya nginitian ko na lamang s'ya at hindi na nagkomento.
"I think the party will start any minute. We'll go to our table now." nakangiting sabi ni Dad.
"Oh! Yes, I forgot about that. Your table are over there." sabi ni Tita sabay turo sa table sa may gilid na malapit lang sa stage. "Near our table."
"Okay, thank you." sabi ni Dad at inalalayan si Ate papunta ro'n kaya sumunod kami sa kanila papunta sa table namin. Inalalayan pa ako umupo ni Ryzk bago s'ya maupo sa tabi ko.
Umurong ng kaunti si Ryzk papalapit sa pwesto ko.
"You okay?" bulong na sabi n'ya pero mababakasan ng pag-aalala.
"Yeah. Don't worry, I'm fine." bulong ko pabalik sa kan'ya kaya tumango s'ya at umupo ng upo. Inayos din n'ya ang suot ng suit bago bumaling sa stage kaya tumingin na rin ako do'n at nakitang may emcee na pa lang nakatayo ro'n habang nakangiti sa mga guest.
Bumati muna ito sa mga guest at nagbigay ng konting speech bago tinawag si tita Grace.
"Let's all welcome, the birthday celebrant, Mrs. Grace Xavier!" sabi ng emcee kaya nagpalakpakan ang mga guest habang umaakyat si Tita na kasama si Tito at inaalalayan s'ya. Pagkalapit nila Tita sa emcee ay ibinigay agad sa kan'ya ang mic at nag-ngitian pa sila bago umalis ang emcee.
"Good evening, everyone! Thank you for coming in to celebrate this wonderful day with me..." hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni Tita dahil pumasok na naman sa isip ko ang pag-aasawa.
Hindi ko na muna ito na isip nitong mga nakaraan pero dahil sa nabanggit ni Tita ang paga-asawa ay pumasok na naman ito sa isip ko. Magiging maswerte nga ba kaming dalawa sa isa't isa ng mapapangasawa ko? Magiging okay naman kaya ang relasyon naming dalawa pagnagkataon?
"Enjoy the night, thank you!" rinig kong sabi ni Tita kaya nabalik ako sa reyalidad at narinig ko ang palakpakan ng mga bisita habang bumababa sila Tita sa stage, ang emecee na ang nagtake over.
Kahit ang emcee na ang nagsasalita ay para akong lutang, pati ang pagdating ng pagkain namin ay hindi ko namalayan. Hanggang sa kinalabit ako ni Ryzk kaya napatingin ako sa kan'ya, nakakunot ang noo n'ya pero mababakas sa muhka n'ya ang pag-aalala.
"You sure you're okay?" nag-aalalang tanong n'ya kaya tumango ako.
"I'm fine." nakangiting sabi ko sa kan'ya para makitang n'ya na okay ako.
Tinitigan n'ya muna ako sandali bago s'ya tumango at nagpatuloy sa pagkain. Para mapanindigan na okay lang talaga ako ay kumain na rin ako. Nang matapos na kaming kumain ay nagkaroon ng sayawan. Nakita pa namin ang mag-asawang Xavier sa gitna ng venue na nagsasayawan habang nakangiti. Halatang masayang-masaya ang dalawa. Nagsi-puntahan na rin tuloy ang ibang mga guest kasama ang kanilang mga partner. Nagpunta na rin do'n si Dad kasama si Ate kaya pati tuloy si Ryzk ay gumaya sa dalawa kaya pumunta kaming dalawa ro'n at tumabi kila Ate.
Nakalagay ang kaliwa kong kamay sa balikat n'ya habang ang kanang kamay n'ya ay nasa likod ng bewang ko habang ang kanan kong kamay ay hawak n'ya. Nagsasayaw kaming dalawa ng hapitin n'ya ako papalapit sa kan'ya kaya dumikit ang kanang pisngi ko sa dibdib n'ya. Lumalabas tuloy na magkayakap kaming dalawa habang sumasayaw.
"Alam kong hindi ka okay, Reese, kakambal mo ko. Pwede kang magsinungaling sa iba pero hindi sa'kin at mas lalong hindi sa sarili mo." seryosong sabi n'ya kaya bumuntong hininga ako.
"Alam kong about 'yon sa arrange marriage na sinabi ni Dad... nakapag...desisyong ka na ba?" tanong n'ya kaya malalim akong napabuntong hininga.
"Malapit na, Ryzk, malapit na." sabi ko na lamang. Alam kong naiintidihan n'ya kung anong ibig kong sabihin kaya sandali s'yang natahimik bago magsalita ulit.
"Ako ano pang desisyon mo, I'll support you, okay?" sabi n'ya kaya tiningala ko s'ya habang s'ya ay nakatungo sa akin. Nakangiti s'ya sa akin kaya napangiti na rin ako.
"Thank you."