Nang makarating kami sa parking lot kung saan kami bibili ay agad kaming lumabas ng kotse n'ya. Kinuha na naman ni Reo ang bag ko at naglakad papasok kaya wala akong magawa kundi sundan na lang s'ya. Ngayon ko lang napansin na suot-suot ko pa rin ang blazer na ipinatong n'ya sa balikat ko. Tuloy ay dalawang blazer ang suot-suot ko pero binaliwala ko na lamang.
Kumuha agad si Reo mg basket pagkapasok namin sa loob, nang makitang nakatingin lamang ako sa kan'ya ay hinawakan n'ya ako sa palapulsuhan ko kaya napatingin ako ro'n at tumingin sa kan'ya.
"Where should we go first?" tanong n'ya sa akin kaya tinanggal ko ang kamay n'ya sa pagkakahawak sa pulso ko at hinawakan ko ang kamay n'ya.
"Dito..." sabi ko sabay hatak sa kan'ya.
Hatak lang ako ng hatak sa kan'ya kung saan-saan at hindi naman s'ya nagrereklamo, tahimik lang s'ya. Minsan pa nga ay s'ya pa ang pinapakuha ko ng mga 'yon kapag hindi ko abot ang ingredient. Kahit nung magbabayad na ay tahimik pa rin s'ya. S'ya pa ang nagbuhat ng mga pinamili namin papunta sa kotse at s'ya rin ang naglagay at nag-ayos sa compartment ng sasakyan n'ya. Agad din naman n'ya akong hinatid sa bahay.
Pagkarating namin sa bahay ay saktong nando'n na si Ryzk sa may gate at naghihintay kaya pagkababa namin ay sinalubong n'ya kami.
"Kumusta ang pagbisita?" tanong ko pagkalapit n'ya.
"Hmm... Ayos lang. Mabuti nalilinis araw-araw." mahinang sabi n'ya kaya tinignan ko s'ya sa mata at halatang malungkot s'ya.
Alam ko naman na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin s'ya sa pagkawala ni Althea pero hindi naman gugustuhin ni Althea na hindi kami umusad dahil hindi titigil ang mundo para sa'min. Kaya kailangan mo 'tong sabayan habang nararamdaman ang sakit nang pagkawala ng taong mahal mo.
Lumapit si Ryzk kay Reo para tumulong, ako naman ay nakatayo lang malapit sa gate. Pagkalapit nila sa pwesto ko ay buhat na ni Ryzk ay dalawang plastic bag na mga pinamili namin habang si Reo naman ay nakapamulsa.
"Ipapasok ko lang 'to." sabi ni Ryzk
"Okay." sagot ko kaya pumasok na s'ya sa bahay. Hinarap ko naman si Reo.
"Dito ka na mag-dinner." aya ko sa kan'ya pero umiling lamang s'ya.
"I can't. We gave a family dinner at seven." sabi n'ya kaya tumingin ako sa relo ko at nakitang six-twenty eight pm na. Kaya tinignan ko s'ya at nginitian.
Tinanggal ko ang blazer n'ya na kanina pa nasa balikat ko.
"Thank you to this." sabi ko at inabot ang blazer n'ya kaya nginitian n'ya ko.
"Thank your din pala sa pagsama sa'kin."
Umiling s'ya habang nakangiti sa akin.
"Wala 'yon, maliit na bagay."
"Mauna na ko." sabi n'ya kaya tinanguan ko s'ya.
"Okay, see you tomorrow." sabi ko kaya tipid s'yang ngumiti at tumango sa akin.
"Yeah. See you." sabi n'ya at sumakay sa kotse. Hindi ako pumasok sa loob ng bahay hanggang hindi umaalis si Reo. Kaya nang makitang umalis na ito ay s'ya rin namang pasok ko sa loob ng bahay.
Tanghali na ng magising ako dahil napuyat ako kagabi. Kasi bago ako magbake ay ginawa ko talaga lahat ng mga kailangan tapusin. Anong oras na rin ako nakapag-start kagabi kaya napuyat ako. Mabuti na lang at wala kaming pasok ngayong Sabado at mabuti na lang din ay mamayang gabi pa ang party kaya okay lang na tanghali na ako nagising.
Pagkababa ko ay nakita ko si Ryzk sa sala at nanonood ng tv papasok pa lang ako sa dining area ay nakasalubong ko ang isang katulong kaya napahinto ito sa paglalakad.
"Nakahanda na po ang pagkain, Miss." magalang na sabi n'ya kaya tumango ako.
"Sige, salamat."
"Tatawagin ko lang po ang kapatid n'yo." sabi n'ya kaya tumango ako.
"Sige po." sabi ko kaya umalis na s'ya at pumunta sa sala. Ako naman ay dumiresto papuntang dining area at nakita ko na nandun na sila ate Eryn at si Dad kaya umupo na ako sa pwesto ko. Pumasok na rin si Ryzk at umupo sa tabi ko kaya nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain kami ay napag-usapan namin ang magaganap na event mamaya.
"Reese, 'yong dress mo nasa kwarto ko. Kunin mo na lang." sabi sa'kin ni ate Eryn.
"Hindi naman siguro revealing 'yan, 'di ba?" nagdududang tanong ko sa kan'ya.
Kasi naman dati may pinuntahan kaming event at ang gown na binili o pinagawa n'ya, hindi ko alam basta s'ya ang nag-aasikaso no'n, talagang revealing para sa'kin. Color black s'ya na crop top style napa-spaghetti strap, tapos ang skirt n'ya ay black din na mahaba ang tela sa likod at maikli sa harap na one inch above the knee. Dalawa layer naman 'yon, sa loob ng skirt ay medyo makapal na black tapos sa labas ay manipis na. Kitang-kita ang mga braso ko, collarbone, sa bandang tyan, pati na ang mga binti ko. Nasabi kong revealing para sa'kin kasi hindi naman ako talaga nagsusuot ng gano'ng klase ng damit.
Umiling si Ate. "Nope. Aawayin n'yo ko mas lalo na 'yang si Ryzk."
Oo nga pala, nang nalaman kasi ni Ryzk na gano'n ang gown ko ay talagang nagalit ito at pinagsabihan si Ate na bakit gano'n ang itsura ng gown ko. Parang wala s'yang pake kahit mas matanda sa'min si Ate basta ba ay mapagalitan n'ya ito dahil sa ginawa. Ultimo si Daddy ay hindi na nakapagsalita at masabihan si Ate dahil sa galit na galit na si Ryzk kaya ang ending throughout the event ay nakadikit sa akin si Ryzk. Wala namang kaso sa'kin 'yon dahil mas gusto ko pa nga 'yon dahil natanggal din naman ang pagka-ilang ko dahil alam kong nand'yan ang kakambal ko.
"Pero off shoulder style s'ya. So, I hope it's okay to you." sabi n'ya.
"Hmm... okay lang." sabi ko at tinuloy na namin ang pagkain.
Pagkatapos kumain ay pinalagay ko sa box ang cake na ginawa ko pero hindi ko pa nga lang pinalagay ang lid nito. Ilang minuto rin akong nagpahinga bago maligo. Aayusan daw kasi ako ni Ate kaya maaga n'ya akong pinapaligo dahil matagal nga naman mag-ayos ang mga babae. Pero bago ako maligo ay kinuha ko muna sa kwarto ni Ate ang box kung sa'n nakalagay ang dress ko. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong pumasok sa bathroom para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay binalot ko ang sarili ko sa roba pero may underwear at short na naman na ko, ibinalot ko naman sa towel ang buhok ko. Lumapit ako sa vanity at ginawa ang mga skin care routine ko. Pagkatapos no'n at ni-blower at sinuklay ko ang buhok ko para aayusan na lang ako ni Ate. Nang matapos ko ng patuyuin ang buhok ko ay kinuha ko ang dress ko at sinuot ito. Nang masuot ko na ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Tama nga si Ate, off shoulder type nga dress kaya kitang-kita pa rin ang mga braso ko pero komportable naman ko. Kulay maroon ang dress kaya lumitaw kahit papa'no ang pagiging maputi ko, one inch above the knee ang length ng dress, ang design naman ng gown ay parang mga flowers at mararamdaman mo pa mismo ang design unlike sa ibang mga dress. Ito kasing dress kapag binaliktad mo talagang makikita mong lubog 'yong mga design ng dress kaya talagang nakakamangha at sobrang ganda. Nagsuot ako ng isang kwintas na maliit na moon ang pendant, hindi naman gaanong mapapansin ang kwintas dahil may kanipisan din ang chains nito. Nagsuot din ako ng maliit na earrings at manipis din na bracelet na katerno ng kwintas. Nagsuot naman ako ng black stilletos para bumagay kahit papa'no.
Nagsuot naman ako ng blue silk robe para kapag inayusan na ko ay hindi madudumihan ang dress ko. Kaya pagkarating na pagkarating ni Ate ay inayusan na n'ya agad ako dahil mag-aayos pa raw s'ya. Mabuti nga raw ay natuyo ko na ang buhok ko kaya naayusan na rin n'ya agad ang buhok ko. Pagkatapos kong maayusan ay tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Light make-up lang naman ang nilagay ni Ate sa akin dahil ayoko rin naman ng makapal ang make-up. Ang buhok ko naman ay naka-half up braid rosette, mabuti na lang din ay wavy ang buhok ko kaya hindi na s'ya nahirapan na kulutin ang buhok ko.
Kahit naayusan na ko ay naka-robe pa rin ako at ginawa abg mga dapat ko gawin katulad ng pag-aayos ng gamit ko. Inilagay ko sa black clutch bag ang mga kailangan kong gamit. Nang masigurong nalagay ko na ang mga gamit ko ay hinubad ko ang robe na suot-suot ko at humarap sa salamin para ayusin ang damit ko. Nang makitang presentable na ulit ako ay kinuha ko na ang gamit ko at lumabas ng kwarto papuntang sala.
Nang makarating ako sa sala ay na nakita ko si Ryzk na nag-aayos ng neck tie nito pero hindi n'ya maayos-ayos kaya agad akong lumapit sa pwesto n'ya para ilagay sa couch ang bag ko pagkatapos ay kinuha ko ang neck tie sa kan'ya kaya agad naman s'yang napatingin sa akin.
"Let me." sabi ko at itinali ang neck tie n'ya. Nang makitang maayos na ito ay pinasadahan ko ng kamay ko ang suit n'ya at inayos pa ito.
Lumayo ako ng kaunti para tignan ang itsura n'ya. The style of his hair is lower taper fade and textured modern comb over. He wore a black suit and maroon tie, black slacks and black leather shoes. Isinara n'ya ang isang butones ng suit n'ya ng tumango ako sa kan'ya. Napatingin kami sa hagdan ng makarinig kami ng tunog ng sapatos at nakita namin si Daddy na pababa habang sinasara ang suit n'ya. Kulay maroon naman ang suit at slacks ni Dad at ang neck tie n'ya ay black. Dahil maikli kang naman ang buhok ni Daddy ay hindi na n'ya ito inayos. Parang nagkabaliktad ang mag-ama dahil sa mga suot nila. Lumapit s'ya sa amin dalawa at tinignan kaming dalawa.
"Where's Eryn?" tanong n'ya.
"Hindi pa ata tapos, Dad." sabi ko. "Punta muna akong kitchen."
Hindi ko na sila hinintay ma sumagot basta ay pumunta na lamang ako sa kitchen para asikasuhin ang cake na ginawa ko kagabi. Pagkapasok ko ro'n ay saktong inilabas ni Manang ang box ng cake at nilagay sa kitchen island kaya nilapitan ko s'ya.
"Inilabas ko na para matalian na ito ng ribbon." sabi ni Manang ng makalapit ako at nang matakpan n'ya ang box.
"Salamat po." nakangiting sabi ko kaya nginitian n'ya rin ako.