Chapter 20

1204 Words
"What are you doing here?" I asked. "Manggugulo lang." tamad na sagot n'ya. I groaned and rolled my eyes. "Ryzk! Get out!" sigaw ko. Pa'no ba naman ay paglabas ko nang cr ay makikita ko si Ryzk na naka-upo sa kama ko habang nakasandal sa head board at nagbabasa nang libro. "Nope." "Ryzk naman e!" Binababa n'ya ang hawak na libro at tumingin sa akin. "What's your problem, young lady?" he asked, curiously. Napabuntong hininga ako at umupo sa tabi n'ya. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat n'ya kaya inakbayan n'y ako at kinuha ulit ang libro n'ya na nilapag n'ya sa kandungan n'ya kaya napasimangot ako. "Let me guess..." sabi n'ya kaya napa-angat ako nang tingin. "Red days?" dugtong n'ya kaya bumuntong hininga ako at tumango. "Should I get you a chocolate?" tumango ulit ako kaya marahan na tinanggal ni Ryzk ang pagkaka-akbay sa akin at tumayo para ikuha ako nang chocolate, mabuti na lang ay may mini ref ako rito sa kwarto kung saan may stocks ako ng chocolate kaya hindi na kailangan bumaba ni Rzyk. "Here." abot n'ya sa'kin ng chocolate na nakabukas na kaya kinain ko ito kaagad habang s'ya ay umupo ulit sa tabi ko at nagbasa. Pagkatapos kong kumain nang chocolate ay itinapon ito ni Ryzk. Habang nagbabasa s'ya ay napahikab ako at naramdaman kong hinaplos n'ya ang buhok ko kaya sumiksik ako sa kan'ya at nakatulog. "Hey, Reese..." naramdaman kong may yumugyog sa akin kaya dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita Ryzk na nakatingin sa akin. "Gumising ka na. Kakain na raw tayo ng dinner." sabi n'ya kaya tumango ako. "Tuloy laway mo." sabi n'ya kaya mahina ko s'yang hinampas sa dibdib. "Sanay ka naman na." sabi ko at napahawak sa gilid ng bibig ko at ng maramdaman na wala naman ay malakas ko s'yang hinampas sa dibdib. "Aray!" "Wala naman e! Nakakainis 'to." Narinig ko ang tawa n'ya kaya tumayo ako at pumunta sa banyo. Pagkatapos ko ay nakita kong naka-upo si Ryzk sa kama ko at halatang naghihintay sa akin. Nang mapansin na ako ay tumayo s'ya at inakbayan ako. "Let's go. Nagugutom na ko." Sabi n'ya at ginaya ako papalabas nang kwarto. Pagkadating namin sa dining area ay binati namin sila Ate at Dad na naghihintay sa amin. "Let's eat." Nagdasal muna kami at pagkatapos ay kumuha nang pagkain. As usual, pinagsasandok na naman ako ni Ryzk. Hindi ko naman s'ya mapipigilan kasi hindi naman s'ya magpapapigil, sayang energy. Nagsimula na kaming kumain. "Oo nga pala, malapit na ang birthday n'yong dalawa." sabi ni Dad kaya napatingin kami sa kan'ya. "Anong plano n'yo?" Nagkatingin kami ni Ryzk. Hindi naman kamo mahilig magparty kaya alam kong walang magaganap na engrandeng party. "Ayaw naman namin ng engradeng party, Dad." sabi ni Ryzk na tinanguan ko naman. "Ah!" napatingin kami kay Ate na nagtataka. "Akong bahala sa birthday n'yo." Pagkatapos namin kumain ay umalis agad si Ate at pumuntang kwarto n'ya, halatang gagawin na ang plano n'ya sa birthday namin ni Ryzk. Sana naman hindi s'ya engrande. "Pwedeng ako naman ang gumawa d'yan, Reese e. Pahinga ka muna." sabi sa akin ng SSG President. "Oo nga, Reese, may practice ka pa mamaya. Atsaka," lumapit sa akin ang Treasurer namin na babae. "Meron ka 'di ba?" bulong n'ya sa akin kaya tumango ako. "Tapos naka-skirt ka pa, kung aakyat ka r'yan, baka masilipan ka pa." Napabuntong hininga na lamang ako dahil may punto s'ya roon. Balak ko kasi sanang isabit ang heart na iyon kaso nakita nila ako at pinagsabihan kaya binigay ko sa President ang decoration at umupo sa bleachers. Habang nagpapahinga ay naghanap naman ako ng mga kanta na p'wede kong kantahin. Nang makahanap ay agad ko itong sinave para mapag-aralan ko mamaya. "Reese!" Hinanap ko ang tumawag sa akin at nakita ko Michelle na naglalakad papunta sa pwesto ko. "Bakit?" tanong ko ng makalapit s'ya. "Oh!" sabi n'ya sabay abot n'ya sa akin ng notebooks n'ya. Napansin kong ito yung subjects namin ngayong umaga. "Eh? Wala ba tayong assignment?" umiling s'ya. "Mabuti nga wala e, kaya pwede kong ipahiram sa'yo 'yan. Hard copy pa 'di ba?" napangiti ako at umiling. "Thank you." "Lunch na ah. Hindi ka pa ba kakain?" sabi n'ya kaya napatingin ako sa orasan ko. "Sa kanila na muna ako siguro sasabay." sabi ko sabay tingin sa mga officers ng SSG. "Sige, kita na lang tayo bukas." Nakangiting sabi n'ya kaya nginitian ko rin s'ya. "Sige." sabi ko kaya umalis na s'ya. Lumapit naman ako sa mga officers. "Guys, lunch na!" sabi ko kaya napatigil sila sa kan'ya-kan'ya nilang ginagawa. "Tara! Sabay-sabay na tayong kumain." sabi ng President namin kaya sumang-ayon kaming lahat. Pagkadating namin sa cafeteria ay maraming mga estudyante, sabagay, tanghali na kasi kaya maraming maglu-lunch. Mabuti na lamang ay nakahanap kami ng table. "Ako na o-order, libre ko." sabi ng Vice President kaya naghiyawan ang mga kasama ko kaya napangiti ako. "Barkada meal!" sabi ng President kaya tumango ang VP at pumunta sa counter. Pagkabalik nang VP namin na may kasamang isang staff ay aga n'ya itong nilapag sa table namin, itong mga kasama ko naman ay parang hindi pinakain ng isang linggo at agarang kumuha nang pagkain kaya hindi ko mapigilang matawa nang mahina at napansin kong napailing sa amin ang VP at nagpasalamat sa staff na tumulong. "Hala? Mga hindi pinakain sa inyo?" sarkastikong sabi n'ya kaya napatigil sila sa ginagawa at napatingin sa kan'ya. "Hindi!" sabay-sabay nilang sabi. "Wawa naman." sabi ni Shun. "Dapa talaga ikaw naging President e. Kuripot kasi 'tong President natin." sabi ng Auditor namin. "Hindi ako kuripot. Wala lang talaga akong pera." sabi ng President. "Iboto si Shun bilang Presidente!" biglang sigaw ng SSG Auditor namin. Kaya maraming napapatingin na estudyante banda sa amin. "Tangina." rinig kong sabi ni Shun kaya hindi ko napagilang matawa. "Iboto!" sigaw nila kasama pa ang Presidente namin na parang okay lang kung mapapatalsik s'ya sa posisyon n'ya. Nang mapatingin ako kay Shun ay hindi na mawari ang itsura n'ya kaya lalo akong natawa at napapailing na lamang ako sa pinaggagagawa nila. "Para sa ekonomiya!" sigaw ng Treasurer. "Para sa ekonomiya!" sigaw naman ng iba kaya nahihiyang napa-upo si Shun kaya natawa ako lalo. "Tumigil na nga kayo! Nakakahiya." saway ni Shun. "Balak ka pa lang patalsikin ng Auditor, payag ka pa rin, Pres?" natatawang tanong ko sa kan'ya. "Aba! Kung si Shun na laging manlilibre ang magiging SSG President, why not?" masigla pang sabi nito kaya natawa ako. "Oh! Palit posisyon!" sabi ng PIO. "Oh! Palit daw!" sabi nila. "Ikaw naman daw top, Shun. Si Pres naman bottom!" natatawang sabi ng Auditor. Halatang may ibig sabihin pa nito dahil lalong natawa ang iba. "Mga gago! May mga bata tayong kasama!" sabi ni Shun kaya napatigil sila sa pagtawa at napatingin sa mga Year Level Representative from grade 7-10 na kasama rin namin sa table. "Naku! 'Wag kayong tutulad d'yan sa mga 'yan ha!" sabi ng Treasurer habang nakaturo kila Shun. "Masama silang impluwensya sa inyo." "Nagsalita!" sabi ni Shun sabay batok. "Kumain na nga kayo!" saway ko. "Masamang pinaghihintay ang pagkain." "Opo, nay!" sabi nila kaya umambang hahampasin ko sila. "Aba't---!" natatawa silang umiwas kaya umupo na lamang ako at nagsimula ny kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD