Mabuti na lang ay okay na ang pakiramdam ni Ryzk kaya makakapunta kami sa play ni Rage. Nung una talaga akala ko ay aabutin hanggang Friday ang sakit n'ya mabuti na lang hindi.
"Ano ba sa tingin mo ang pwedeng gift para kay Rage?" tanong ko kay Ryzk.
"Hm..." Napahawak na ako sa braso n'ya dahil ang bilis n'yang maglakad.
Nakakainis. Ang haba ng biyas.
Nandito kami sa Mall bago kami pumunta sa school ni Rage. Mabuti na lang half day lang kami ngayon dahil may meeting daw ang mga teachers. Naghahanap kami ngayon ng gift for Rage. Congratulatory gift, maybe?
"I remember, he like remote control car. So, maybe we can give him that as a gift?" he said and glance at me and fixed my hair.
"Hm. Okay, but you're going to help me." nakangiting sabi ko kaya nginisian n'ya ako at umiling.
"Fine, princess." I giggled and rest my head on his shoulder.
Tinulungan nga akong maghanap ni Ryzk ng remote control car para kay Rage. Pagkapasok namin sa toy store ay nakatingin lang ako kay Ryzk habang s'ya ay namimili nang laruan dahil wala naman akong alam sa ganito. Habang namimili s'ya ay naisipan kong maglibot kaya kinalabit ko si Ryzk at sinenyasan sa isang direksyon kaya tinanguan n'ya ako.
Naisipan kong pumunta sa stuff toys section dahil may gusto akong bilhin para pandagdag ulit sa collection ko. Nang makita ko na ito sa may 'di kalayuan ay agad ko itong nilapitan. Lumawak ang ngiti ko ng makita ko na ito sa malapitan. We Bare Bears, my favorite cartoon characters. Sakto lang ang laki nilang tatlo. Naisipan kong bumili na ngayon dahil baka mawalan ako ng oras o tamarin akong lumabas kaya habang nandito pa ko ay bibilin ko na ito kaya naghanap ako ng maga-assist sa akin sakto namang may nakakita sa akin kaya in-assist ako kaagad.
Pagkalapit ko kay Ryzk sa counter ay napangisi at napailing na lamang ito sa akin kaya sobrang lawak ng ngiti ko ng lumingkis ako sa braso n'ya. Ako dapat magbabayad ng mga laruan kaso hindi n'ya ako hinayaan ang sabi n'ya ay ilibre ko na lang daw s'ya kaya pumayag ako. Hindi rin n'ya ako hinayaan na buhatin ang mga bag. Habang naglalakad kami palabas ay inilipat n'ya ang dalawang bag sa isa n'yang kamay kung nasaan ang dalawa pang bag nung una ay nagtaka ako pero nagulat ako ng bigla n'yang kunin ang kamay ko at inilingkis sa braso n'ya.
"Hindi naman mabigat, ba't hindi ka humawak sa'kin?" tanong n'ya.
Napangiti na lamang ako. Alam n'ya talagang mahilig akong lumingkis sa braso ng mga malalapit sa akin mas lalo na sa kan'ya.
"Baka mahirapan ka kasi." nakangiting sabi ko sa kan'ya.
"Idiot. Magaan naman e." sabi n'ya kaya hinalikan ko s'ya sa pisngi.
"Ito na nga nakahawak na po." natatawang sabi ko kaya napailing na lamang s'ya.
Habang nilalagay ni Ryzk ang mga paper bag sa back seat ay tumunog ang phone ko kaya agad ko itong ni-check. Pagkatingin ko ay may text galing kay Reo.
Reo:
You're going, right?
Yep, we're going
Reo:
Okay, I'll tell them.
Saktong pumasok na si Ryzk ng ibaba ko ang phone ko. Kaya nagtataka s'yang tumingin sa'kin.
"Who's that?" tanong n'ya habang inaayos n'ya ang pagsusuot nang seatbelt.
"Reo."
"Why? What did he told you?"
"He just asked if we're going." tinignan ko s'ya at nginitian kaya tumango s'ya at nagsimulang magmaneho.
Mabuti na lang din ay walang traffic kaya agad din kaming nakapunta sa venue. Nakita namin na andaming tao kaya for sure ay mahihirapan kaming makahanap ng space sa parking lot. Ilang minuto rin ay nakahanap na si Ryzk ng parking space kaya nakapagpark na rin s'ya agad.
Pagkalabas ko ng sasakyan ay tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bag ko at nalamang nakakuha ako ng text kay Reo.
Reo:
Where are you?
In the parking lot.
Reo:
Okay. I'll wait in the elevator.
Hindi na ako nagreply dahil naramdaman kong tumabi sa'kin si Ryzk kaya nag-angat ako ng tingin sa kan'ya.
"Let's go?" tanong n'ya habang nakalahad ang kamay sa akin kaya tinanggap ko ito at tumango sa kan'ya kaya sumakay kami ng elevator.
Pagkarating namin sa floor kung saan gaganapin ang event ay nakita ko na agad si Reo na nakasandal sa pader at halatang may hinihintay. Napatingin ito sa pwesto namin kaya nagtama ang mata naming dalawa pero agad akong umiwas nang tingin dahil bumibilis na naman ang pintig nang puso ko. At hindi 'to maganda. Hindi nakakatulong. Pagkalabas namin ay
agad s'ya lumapit sa pwesto namin ni Ryzk.
"Let's go." sabi n'ya at naunang maglakad kaya sumunod na lamang kami sa kan'ya. Nakalimutan kong sa auditorium nga pala gaganapin ang play nila.
Nang makalapit kami sa pwesto nila Tita ay binati namin sila at nagkausap nang kaunti. Mabuti na lang din ay hindi na nila ni-bring up pa ang tungkol sa cancelled na engagement. Nagsimula na ang play nila Rage at Romeo at Juliet pala ang kanilang play. Si Rage ay gumanap na Romeo, hindi ko akalain na may talent pala sa pag-acting si Rage, for sure kung maga-audition ito ay may chance na makakuha s'ya ng role.
Pagkatapos nang play ay talagang nagpalakpakan ang lahat dahil maganda naman talaga ang pagkaka-acting nila. Pagkasara nang kurtina ay isa-isang nagsilabasan ang mga tao pero naiwan kami dahil ayaw namin na makipagsiksikan. Sabi rin nila ay hintayin daw namin dito sa Rage. Hindi rin nagtagal ay nakita na rin namin si Rage na naglalakad papalapit dito. Nakasuot nang plain white shirt, faded jeans, at rubber shoes. Ang buhok nito ay ganun pa rin katulad ng buhok n'ya sa play kanina, halatang hindi na n'ya ito ginalaw pa. May naka-sukbit pa na duffel bag sa kanang balikat nito.
Pagkalapit sa pwesto namin ay agad s'yang niyakap ni Tita at pinugpog nang halik sa muhka kaya napahahikgik na lamang ako dahil nagpupumiglas si Rage pero hindi naman makawala sa hawak nang nanay n'ya. Kaya lumapit na si Tito sa pwesto nila para tulungan si Rage.
"Hon, tama na 'yan. Gigil na gigil ka naman sa bunso natin." nakangiting sabi ni Tito habang naka-akbay kay Tita.
"Proud lang e." parang batang sabi ni Tita kaya napa-iling na lamang si Tito.
"Ate Reese!" nakangiting tawag sa akin ni Rage sabay takbo sa pwesto ko.
Medyo kinabahan ako ng kaunti dahil halos tumalon ito sa pwesto ko mabuti na lang ay nabalanse ko ang sarili ko.
"Mabuti po dumating kayo." nakangiting sabi n'ya habang naka-yakap sa akin.
"Syempre naman. 'Di ba sabi ko sa'yo, pupunta kami."
"Plano ko po kasi na kapag hindi po kayo pumunta, papa-kidnap ko po kayo kay Dad." nagulat ako sa sinabi n'ya at narinig ko na lamang ang tawanan nila Tito.
"Totoo, papa-kidnap ka na nga n'ya sa akin. Mabuti na lang ay nakausap ka ni Reo. Ayoko namang umabot sa gano'ng punto ano." natatawang sabi ni Tito kaya napa-iling na lamang ako.
Bumitaw ako sa pagkakayakap ni Rage at inabot ang paper bag na naglalaman ng regalo namin para sa kan'ya.
"Hm... Regalo namin ng kuya Ryzk mo."
Agad n'ya itong binuksan at nanlaki ang mata nito at tumingin sa akin na may malawak na ngiti.
"Thank you po!" naramdaman kong may tumabi sa akin kaya tinignan ko ito at nakitang si Ryzk pala ito.
"Nice acting." nakangising sabi nito kay Rage at ginulo ang buhok nito.
"Oh! Mas lalo kang gumwapo sa ganyang hairstyle." sabi ko ng mapansin na nagmuhkang matured ang itsura nito sa messy hair.
"Oo nga no. Ang gwapo." sabi ni Tita habang sinisipat ang muhka ni Rage.
"Hep! Tama na 'yan. Mas gwapo ako d'yan." saway ni Tito kaya pinalo s'ya ni Tita na nagpatawa sa'kin.
"Neknek mo!"
"We should eat. May alam akong kainan." sabi ni Tito kaya lumabas na kami sa auditorium dahil kakaunti na lang din naman ang tao.
Pagkarating naman sa parking lot ay magkalapit lang din pala ang sasakyan namin kaya magkasunod lang din kaming umalis sa school nila Rage at pumunta sa kainan na sinasabi ni Tito.