PAPASOK na sila Fay ng clinic ng OB-gyne sa Francisco Mercado General Hospital, dito sa Maynila. Nang malaman niya na buntis siya ay nagpabili rin naman siya ng pregnancy test kit sa mga kaibigan niya at hindi nga nagkamali yung doctor na tumingin sa kaniya sa clinic ng airport dahil totoong buntis siya. Kaya nagpasiya na rin naman siya na magpa-checkup para malaman niya kung ano ang kalagayan ng baby. “Good morning!” nakangiting bati sa kanila ng doctora. “So, you are Miss Ortega?” paniniguro nito habang nakatingin sa papel na na-fill up niya kanina. “Yes po,” magalang naman na tugon niya. “I’m Doc Hernandez, and it’s nice meeting you,” nakangiting pagpapakilala nito. “Anyway, what’s your concern?” tanong nito saka seryosong tumingin sa kaniya at tila nag-aabang ng sasabihin niya. “A

