NAGISING si Fay dahil sa liwanag na nanggagaling kung saan. Bahagya siyang dumilat at sumalubong sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng mga kaibigan. “Fay, kumusta na ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong sa kaniya ni Candice. “Okay naman ako,” tugon naman niya sa kaibigan pagtapos ay nilibot niya ang tingin sa paligid niya. “Nasaan tayo?” Dahil balot na balot ng puti ang buong paligid nila at kasalukuyan din siyang nakahiga sa kama. “Narito tayo sa clinic ng airport, dito ka na namin dinala dahil nga nawalan ka ng malay. May sort of test na rin silang ginawa sa ‘yo para masigurado na okay ka lang at walang ibang complication kaya ka hinimatay. Sure ka ba na wala kang ibang nararamdaman?” nag-aalalang tanong din sa kaniya ni Treyton. “Hindi, okay lang naman ako, siguro dahil lang sa sob

