MAGMULA nang araw na komprontahin ni Fay ang kaniyang ina ay naramdaman na niyang umiiwas ito sa kaniya dahil sa tuwing nais niya itong makausap ay gumagawa ito ng rason upang maiwasan lamang siya. Nang araw na iyon ay nagkataon na final fitting ng kanilang gown kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama ito sa iisang silid. Nang makaalis si Mamang Diyosa ay mabilis niyang iniharang ang sarili sa pintuan. “Ma, pwede ba tayong mag-usap?” di makatiis na wika niya. “Palagi niyo na lang akong iniiwasan.” “Fay, wala na tayong dapat na pag-usapan, umalis ka riyan sa daraanan ko dahil may pupuntahan pa kami ni Sandro,” matigas ding saad nito. “Ma, hanggang kailang ka ba magbubulag-bulagan sa mga ginagawa sa ‘yo ni Mr. Chavez? Hindi ka naman ganiyan dati, ah!” hindi mapigilang sumba

