“XENA, aalis na muna ako ngayon, ikaw na lang muna ulit ang bahala sa kambal,” paalam niya rito habang kumakain sila ng umagahan. Nang dahil kasi sa naging kalagayan ni Silas ay nagkaroon ulit ng pagkakataon si Fay na magpaalam para hindi na muna pumasok sa araw na ‘yon. Pupuntahan na niya ‘yong address na ibinigay sa kaniya ng bahay ampunan. May nararamdaman siyang kaba at takot pero alam niyang kailangan niyang harapin ‘yon dahil ang ending naman ay gusto pa rin niyang malaman ang tungkol sa totoo niyang pagkatao. At ipinangako rin niya kay Zev na sisiguraduhin niyang kinabukasan ay malalaman na ni Storm ang tungkol sa kambal. Isa pa ‘yon sa dahilan kung bakit gusto na rin niyang mapuntahan ngayon ang address para makaharap na niya si Storm. “Ayaw mo bang isama kami ng kambal?” tanong

