NAGISING si Fay nang dahil sa sakit ng kaniyang katawan, lalo na ang sakit na nararamdaman niya sa pinakapribadong parte ng kaniyang katawan. May isang mabigat na bagay rin ang nakadagan sa kaniyang katawan. Pagdilat niya ay ang maamong mukha ni Storm ang sumalubong sa kaniya. Himbing na himbing ang tulog nito at dahil sa liit ng kaniyang kama ay pareho silang nakatagilid para lang magkasya sa maliit na higaang iyon. Nakadantay rin sa kaniya ang binti nito at ramdam na ramdam niya ang pagkalálaki nito sa kaniyang likuran dahil pareho pa rin silang walang mga saplot. Marahan siyang gumalaw upang maghanda ng kanilang makakain, inalis niya ang binti nito saka dahan-dahan na tumayo. Napa-aray siya nang lumapat ang kaniyang pagkakaupo dahil sa sakit pa rin nararamdaman dahil sa nangyari sa ka

